(desparates durimg pregnancy)

is it ok po ba mga' moms na pumunta sa burol kapag buntis? kasi supernatural belief na kapag buntis iwasan daw makiburol o umatend sa mga ganun kahit pa sa lamay? namatay kasi tita ng husband ko, nahihiya naman akong hindi manlg maka punta. pls help me decide. thank u.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ako nung preggy di ako pumunta sa lamay nung dalawa nmin ka work na namatayan ksi bawal ksi maninigas dw ung tiyan kpag nakipaglamay ang buntis dunno if its true siguro dahil na din kya siguro di allowed is ung bacteria then ung formalin na gnagamit sa patay bka masinghot ganern.

Maiintindihan namn siguro yan ng pamilya ng asawa mo kung hindi ka pupunta o kaya bisita ka pero saglit lang kasi nung namatay pinsan ng asawa ko hindi niya ako hinayaan pumunta ehh

VIP Member

Nung buntis ako may pinuntahan akong lamay. Pero may ibng lamay rin akong hindi pinuntahan. Sabi ko nlng alm naman na nilang buntis ako. Maiintindihan na siguro nila yun.

VIP Member

5mos aq nung namatay Nanay ko at andun lang aq sa tabi nia sa lamay hanggat kaya ko taz tutulog pag antok na. Wala naman masama nangyari sa anak ko.

Okay lang naman mommy wag ka lang pong lalapit/hahawak mismo sa patay kasi madumi po katawan nila. Madali lang mahawaan ang buntis at magkasakit.

5y ago

You're welcome mommy. 😊

Noong namatay yung lolo namin buntis ate ko di siya pumunta. Pero naintindihan naman ng relatives ko yun kase sila may sabi na wag na daw.

VIP Member

Kung pupunta ka sis, much better na wag ka sumabay sa time na maraming tao. Para iwas din sa possible bacteria.

di totoo pero di pa din ako ngpunta. nagmiscarriage kc 2 na tita ko dati nung ngpunta sa lamay

Burol ng tito ko.. 2 weeks akong naki lamay

Pwede naman. Wag lang siguro magtagal.