16 months old unclear words

Hi, ok lang po ba sa 16 months old na di buo ang words like milk, meow. Di namin sya maturuan kase di naman nya ginagaya. Mas natututo sya sa napapanood nya. Pag narinig nya yung head, shoulders , knees and toes nasayaw sya.Alam nya kung para saan ang telephone, ang suklay, ang toothbrush,ang baso nakakainom sya mag isa.Naimik naman po sya nakikipag usap na parang intsik. Diko maintidihan. Madalang nya din sabihin ang mama at papa pag lang nagliligalig at gustong magpa buhat. Sino po dito may mga babies na late talkers? Worried lang po kase ako at the same time inggit din kase yung kaedad nya nakaka imik na ng paunti unti.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi. Baka maaga po ba siya naexpose sa gadgets lalo sa phone then youtube?

5y ago

Opo kase 6 months pinapanood ko na sya sa cellphone ng YouTube pampa tulog. Till now nanonood pa din sya pero sa TV na saka limited nalang po. Sabi naman ng mga kapitbahay namin wag ko daw ikumpara kase may mga bata daw talaga na late talkers.