Check up

Ok lang po ba , 4months preggy nako wala pako kahit isang check up , Wala ako iniinom na kahit anong vitamins. puro fruits and milk lang po ako. Hindi poba makakasama kay baby yun?

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes. Folic acid usually ay nirerekomenda early pregnancy pa lang. Ang kakulangan sa bitamina ay maaaring mag-cause ng birth defect sa bata. Depende kung gaano ka din kalusog. May mga prenatal vitamins na nirereseta ang mga doctor para yung pinaghahatian niyong sustansya ay maging sapat. Responsibilidad mo bilang ina na alamin ang mga dapat gawin sa pagbubuntis. Sana ay malusog naman kayong dalawa ng bata. 18weeks/20weeks, mainam na magpa-CAS ka, humingi ng request sa doctor. CAS ay Congenital Anomaly Scan, dito masisilip ang bata, kung kumpleto ang mga daliri, kamay at paa, organs, pati ang sukat at timbang niya. Maaari mo na din malaman ang gender niya.

Magbasa pa

May kaibigan ako na tinago yung pregnancy niya hanggang sa manganak siya. Walang check up and vitamins. Puro fresh milk and healthy food lang. Pero mas okay kung magpa consult ka sa ob mo para maintindihan mo lalo yung pag develop ni baby sa tiyan mo. Para din ma track kung kelan due date mo at mapaghandaan mo. Importante din mga ultrasound para macheck kung stable si baby.

Magbasa pa
6y ago

Okay naman yung baby paglabas. Healthy naman kahit di siya nakapag pacheck up. Pero mas advisable mag pa check up talaga. Nagkataon lang talaga na swerte sila nung baby.

VIP Member

Sa first baby ko, 5 months na ako nakapagpacheck since bata pa ako that time at natatakot ako magsabi sa parents ko. Normal naman baby ko nung pinanganak at ang bibo nya ngayon. pero better magpacheck up kna din mommy para sa health din ni baby mo.

VIP Member

You need monthly check up for babies concern. Kung saten lang sissy okay yun pero sa dinadala naten anak mas nakakabuti na maalagaan naten silansa pamamagitan ng paginum ng vits at pagkain ng masustansya. Go to your OB now sissy.

Kailangan mo magpacheckup sis kailangan mong maturukan beg anti tetanos for ur baby! Tsaka Kung kulang ka sa dugo kailangan mo mag ferrous at marami pang kailangang itake na vitamins for your ija/ijo☺️

hala dapat the moment na nalaman mong pregnant ka nagpa chrck up ka na kagad. Pero di pa naman huli ang lahat pwede ka pa magpacgeck up maagapan pa naman ng mga vitamins yung baby mo.

VIP Member

The first 3months kasi dapat ung pinaka nagpapacheck ka duon kasi nabubuo ung mga organ ni baby like heart at brain.... Now sana makapag pacheck up ka asap to know if okay ung baby mo

VIP Member

of course hindi ok yun sis. pano mo malalaman if healthy si baby physically sa loob ng tummy mo. need mo syempre macheck ng doctor saka yung vitamins makakatulong yan ng malaki...

Pcheck up ka sis, need mo vitamins at ferrous para kay baby and kailangan din iultra sound para mkta kalagayan ni baby ntin. 💜 god Bless

Dapat po ngpacheckup kayo agad. Kahit sa center lang. Importante kasi na mabigyan ka ng vitamins para din sainyong dalawa ni baby