Edd Oct 27 #nomocusplugshown #GivingBirth #FTM

Oct 23 12 pm may laging basa panty ko until 3pm so 4pm I decided na pumunta sa public hospital kung saan Ako manganganak kahit Hindi pa Ako nag labor at walang sakit na nararamdaman sa sobrang paranoid ko pumunta taLaga Ako sa hospital. Para ma check kung amniotic fluid ba Yung lumabas sa akin kahit Wala pa akong sakit or hilab na nararamdaman I decided na magpa check up talaga. At 6 pm dumating kami sa hospital at sinabi Kong magpa check up lang. At first ung OB ung nag IE sa akin Sabi Niya baka ihi mo lang UN dahil Wala namn daw leaking at Pina double check Niya sa assistant Niya UN Pala. 3cm na Ako at Hindi pa un pwede ma admit Pina inum ako ng evening primrose oil tapos balik after 4 hrs. I decided na mag hintay lang sa labas. At 7:7pm humilab na ung tiyan ko at medyo masakit na ung puson ko. At 8pm sobrang ikli nlang Ng time interval kaya alam kung nag active labor na Ako at 9:30 pm tinawag na Ako for follow up ,pag IE sa akin 4cm na pwede na daw Ako ma admit at 10 pm masakit na pag humihilab at parang natatae kaya pumunta Ako sa bigla akong hinanap Ng nurse sinabihan Ako umiire kaba dun sa Cr. Sabi ko umihi lang Po😅😅 Ayun IE ulit Ako. At nilipat sa waiting room UN Pala 7cm na Ako at 10 pm madalas na ung hilab na nararamdaman ko at masakit na. Kaya pag every hilab umiire Ako. At 12:49 am lumabas na c baby ♥️♥️ . P.s Sa mga mommy diyan na Hindi pa nakaraos lalabas din c baby pag ready na😊😊.

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply