I would like to share my experience Pasensya na medjo magulo yung pagkakwento ko

Nung nabuntis ako 1 year palang kami ng bf ko nung nabuntis nya ko so nung una nalaman ko na buntis ako sinabi ko agad sa boyfriend ko, nag desisyon kami na sabihin na sa magulang namin so first sinabi nya sa parents nya at ang sabi ng mama nya is ipalaglag daw namin dahil nga mga bata pa kami so ako iyak ako ng iyak nung nalaman ko na ganun sinabi ng mama nya di ko expected na ganun sasabihin sakin, so ako nag decide ako na sabihin kay mama di pa naman din halata kasi 5 weeks palang akong buntis nun at syempre una umiyak yung mama ko at alam kong galit na galit sya sakin, so yun na nga kinausap namin yung family ng boyfriend ko at napag-kasunduan na mag susustento sila pero hindi sila ng sustento ni piso nung nag bubuntis ako samin din nakatira bf ko that time so wala silang narinig samin/sakin na kahit anong salita dahil di sila nag bibigay sustento ayaw din naman nila pagtrabahuhin anak nila dahil nag aaral pa daw btw nag aaral ako kahit malaki na tiyan ko ayoko kasi huminto sayang naman, so ayun nga hanggang sa nag 8months na tiyan ko ni bihira na ko puntahan ng bf ko sa bahay para kamustahin di na din sya sumasagot sa mga text ko at chat ko hanggang sa kabuwanan ko na nag paramdam sya binisita nya ko, nung nag lelabor na ko wala sya sa tabi ko kundi mama ko lang tawag ako ng tawg di sya sumasagot tapos nalaman ko na kasama nya pala yung babae nya that time na nag lelabor ako at wala sya sa tabi ko, nag iwan nalang ako ng message dumating lang sya nung lalabas na talaga baby namin so ayun 3 weeks after ko manganak may nalaman ako sa classmate nya na may girlfriend daw sya at classmate din nila (btw 4th year college palang kami that time) lagi daw sila mag kasama that time kasi nag aantay ako sa labas ng bahay kasi wala pa sya ala una na ng madaling araw nag aalala na ko hanggang sa ag mamakaawa na ko sa nga tropa nya pra malaman kung asan sya pero wala. Hanggang sa may nag sabi sakin na mag kasama sila ng babae nya na nag iinom so ayun kumalma lang ako di ako makatulog sa nalaman ko kinabukasan umuwi sya samin ng anak ko at ako kalmado parin na parang di alam nangyayare hinayaan kong sya mismo mag sabi kaso wala eh hanggang sa nag salita na ko " Babe bakit di ka umuwi kahapon san ka galing? Wala ka din daw sainyo sabi ng mama mo" hindi sya samumagot sa mga tanong ko kaya nag salita ulit ako na naiiyak na talaga ko kasi di ko na kaya sasabog na dibdib ko " Babe pls kung niloloko mo lang ako hiwalayan mo nalang ako pls lang, di ako nag rereklamo na wala ka nabibigay na sustento mula nag bubuntis ako hanggang sa manganak na ko ang tanging gusto lang namin eh maging buo tayo dahil ayoko maranasan ng anak natin yung pakiramdam na walang ama pls kung hindi na ako sabihin mo lang kung sawa kana sabihin mo lang babe. Pls nag mamakaawa ako sayo wag moko saktan ng ganto iwan mo nalang ako/kami ng anak mo kesa gaguhin mo kami ng anak mo ng ganto. Kailan pa naging kayo? Mahal mo na ba? " yan ang nga salitang binitawan ko at sumagot sya "Babe sorry patawarin moko nadala lang ako ng galit ko sayo kasi nung nag bubuntis ka lagi mainit ulo mo sakin ni hindi mo na ko pinapansin at lagi moko pinapaalis sa tabi mo" sumagot ako "mahal mo naba?" sumagot sya " Babe sorry" after nun lumabas sya ng kwarto at akoooo? Iyak ako ng iyak na parang di ko na alam gagawin ko halos dalawang buwan din akong tuliro nun basta ewan di ko alam talaga ggawin ko nung araw na yan. Fast forward 2months after nun eh nag desisyon kami ng fam ko na pabinyagan na baby ko so nag post ako sa facebook ng mga dream ko na gawin para sa binyag ng baby ko ng bigla syang nag chat "babe kamusta na kayo? Bibinyagan na pala si baby pwede ba ko pumunta" at ewan ko bakit ako nag sabi ng oo nung time na yan, So eto na binyag na ni baby andun sya naging masaya naman lahat naging maayos naman akala ko maayos na pero nagkamali ako after ng binyag di nanaman sya nag paramdam pero dahil sanay na ko hinayaan ko nalang tapos nalaman ko din na nilalandi daw nya yung kaibigan ko kinukulit daw nya gamit ibang acc ganyan din ginawa nya nung una sa ibang acc nya chinat yung babae para di ko makita. Fast forward 10 month's na si baby ng bumalik sya samin nag mamamakaawa na bigyan ng huling pag kakataon so ako pinag bigyan ko (Hindi kasi alam nila mama na niloko nya ko at di din alam nila mama na di sya nag susustento kasi yung allowance ko sa school na binibigya nila mama iniipon ko para kunwari sustento nya) naging maayos naman pag sasama namin hanggang nga sa naging isang taon na anak namin. After 4 months na nag sama ulit kami naisipan ko icheck phone nya since nasa cr naman sya naliligo. Pero nagulat ako sa mga nakita ko! Binuksan ko yung file safe nya punong puno ng mga tiktok ng mga babae na kita pwet, cleavage mga sumasayaw na sexy sa tiktok gulat na gulat ako nung makita ko yun akala ko kasi nag bago na syaaa pero di pa pala so prinangka ko sya nag away kami at dinelete nya lahat yun pero ngayon madami pa din akong nakikita lalo na mga history nya sa YouTube puro babaeng sumasayaw na halos makita na lahat pero ako ayoko na mag salita sapat na sakin yung sinabihan ko sya ng isang beses aantayin ko nalang na dumating yung time na sabihin nya sakin ewan ko ba mga mommy di ko sya kaya iwan kahit ansakit sakit na advice naman po mommies....

2 Replies

iiwan mo din Yan pag napagod kna. .magging manhid k n rin.. gugustuhin mo n lng Ng tahimik n buhay.. Hindi mo nmn asawa parang mag bf gf lng kayo. mag tapos k Po.. pagandahin mo ang buhay mo. at wag k Ng umasa sa bf mo.. karamihan pero d lahat Ng lalaki by age n ganyan, d pa yan mag seseryoso.. mambababae pa yan at mag eexperiment sa buhay. ngayon plang Kasi sila nakakawala..Lalo n pag kumikita na sila. base lng sa mga nakikita ko sa mga kaibgan and mga pinsan ko n lalaki. madalas late 20's or early 30's p sila nag iisip n mag settle down. pero d Po lahat.

Paulit ulit ka ng niloloko, di mo ba halata?

grabi na panloloko nya my.. kawawa ka..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles