Sumpa

Nung dalaga pako favorite kong bwisitin si mama. As in yung talagang di ko sya tinitigilan hanggat di sya galit na galit haha. Yung tipong binabato nya na ko pero nakakailag ako tas aasarin ko sya ulit. Tapos one time sobrang inis nya sakin sinabi nya na "maging kaugali mo sana anak mo bwisit ka!" syempre ako naman tong kolokoy "luh maganda ka na nyan?" sabi nya "sinusumpa ko. Maging kaugali mo anak mo di ko lang alam kung makapagtimpi ka! Yung mas malala sayo! Bwisit nato walang araw na hindi ako binibwisit demonyita!" tawa ako ng tawa that time sinasayawan ko pa nga sya e tapos binato na naman ako bwahahaha. Di naman sana ako maniniwala sa sumpa sumpa na yan. And now na preggy nako (32 weeks) parang nafefeel ko na kaugali ko anak ko. Tipong nabwibwisit nako minsan kasi sobrang sakit na ng ulo ko gusto ko magpahinga tsaka naman sya mag rorock n roll sa tyan ko ? naniniwala din ba kayo sa sumpa? Share nyo naman yung inyo hehe

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

at saka bakit nyo nmn po kinukulit nanay nyo ng ganun? ok lng biruin not to the point mahihighblood sya... mamaya mgkasakit pa sa puso or mahigh blood ng literal.. wish nga po tlga di ganun si baby nyo paglaki.. maybe wag nyo n ppakita ganun po kayo sa nanay nyo pra di nya makita at magaya.. madali p nmn manggaya mga bata..

Magbasa pa
6y ago

super close kasi kami ni mama. mahilig kami mag asaran pero pikon sya. may limit naman pang aasar ko. yung tipong good mood sya. pero may time talaga na sobrang naasar na sya kasi nga niyayakap ko sya eh ayaw nya nun hahahahahah

Not sure sis pero sabi nga nila pag sinumpa ka ng magulang mo magkakatotoo daw saka kung ano daw pagtrato mo sa magulang mo ganun din magiging pagtrato sayo ng anak mo. parang karma daw.

6y ago

gusto ko kasi minsan yakapin mama ko tapos nag iinarte mainit daw hahahah kaya inaasar ko