6 weeks no embryo detected

Nov.4 nagpa-tranv ako for the first time. May nakitang gsac and yolk sac pero WALANG EMBRYO. According to my OB nasa 6weeks preggy na daw ako. So pinapabalik ako after two weeks for another transv. Pag uwi ko sobrang curious ko, nag search ako sa internet and dito ng mga similar cases na walang embryo na nadetect. Sobrang worried ko kasj yung iba daw pagbalik nila after 2 weeks, wala padin embryo, ibig sabihin walang mabubuong baby at considered miscarriage na. Usually daw kasi 6weeks meron na embryo, yung iba may heartbeat na.. For 2 weeks lang ako nag iisip na baka ganun mangyari sakin. Lagi ako worried. Nov. 19 - two weeks na nakalipas and 2nd transv ko na. Sobrang kaba ko kasi baka wala padin makitang embryo. Nung sinilip na ni Ob, sobrang kilig ko kasi sabi nya "ayan nagpakita na sya". Mangiyak ngiyak ako tas bigla ko pa narinig sa speaker yung heartbeat nya 🥺 Tapos 7weeks palang pala ako (dapat 8 weeks kung nasunod yung first transv ko). Naisip ko lang dapat di ako masyado nag didive into searching medical stuff online.. iba iba tayo ng katawan, iba iba ang response ng baby sa loob natin kaya iba iba tayo ng experiences. If something really bothers us or we need to know about something, ask our OB. Kasi pag sinerach mo online, nakooo mag woworry ka lang 😅#1stimemom #theasianparentph

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Truth mommy. Mas maganda paren kung sa doctor mo mismo marinig. Though normal naman po yung mga cases nyo. Madalas kase pag early pregnancy di pa nadi detect ang heartbeat :)

VIP Member

maganda talaga pag galing talaga sa doctor mo hopefully my mkita na pagbalik mo sis