βœ•

I finally decided to share my story😊

NOTE: Long post po ito. I just want to share my whole pregnancy story.πŸ˜…..sorry po in advance. Jet Zyden Ruther DOB: August 17,2020 EDD: September 17-20,2020 BW: 2.35kg Type of delivery: NSD To start with...last January 2020..after 14 days of missed period..nag decide ako to take a pregnancy test...I did it 3 times with delifferent time interval (pati brand) and all three came back positive..honestly po...my reaction isn't like how I imagined it few years back..anyway po..I am 25yrs old..hindi po ako kasal sa father ng baby ko..He's 31 and we were together for 4 yrs now..we started cohabitating after we found out that I was pregnant.. anyway..balik po tayo dun sa reaction ko..pra po akong na blanko nung mkita ko yung 2 lines sa kit..Hindi po ako maka paniwala na after so many attempt finally I'm pregnant?..then pumasok sa isip ko...how would I tell my parents..eldest po ako sa aming 3 magkakapatid..I first told my sister by showing her the pt..then my boyfriend and my brother...yung happiness ng boyfriend ko di masukat..and there I was..overwhelmed sa thought..right after nun nagpunta na ako sa OB..sinamahan ako ni boyfie.. the after my first ultrasound..I went home..sa bahay talaga..so that we could (together) tell my parents..umuwi kaming mgkakapatid..then pumunta sa house si Boyfie...we all sat together and told my parents that they're going to have their first apo...I was expecting the worst and yet tje opposite happened..sabi ng mama ko kay boyfie to take good care of me..ayaw nia lang makita akong nahihirapan..and since we are about to start our own little family..we should respect each other more and love one another..tapus sabi ng papa ko (btw Police po tatay ko.πŸ˜…)..kay boyfie na if ever he gets tired of me..or realized that he doesn't love anymore..isauli daw ako sa bahay mg maayos..πŸ˜…πŸ˜…..wag akong abusuhin (sabay state ng different kinds of abuse like physical, mental/psychological, verbal etc)..sabi naman ni Boyfie na hindi daw nia gagawin..and he won't let go of me na..fast forward po...on my 12th week of pregnancy..ng request si OB ng bagong UTZ..kasi may nakapa siyang bukol..sa matres ko liban kai baby..then sa result..nakita..may tumubong mayoma (it wasn't there during my first UTZ) and worst low-lying yung placenta ko..I was advised to take things slowly..no sexual contact...less physical activity and be extra cautious...though I wasn't adviced na mag bed rest..I was told to watch out..if ever mag bleeding ako...I was very worried..sa awa ni Lord..malayo naman yung site kng san tumubo yung mayoma sa kinaroroonan ni baby..so sabi ni doc..we shouldn't worry that much..kasi most cases sumasama daw yun s placenta pg nanganak na..and expect lng na lalaki sia as my babu grows bigger din inside my tummy...saka wag daw ako pa stress kasi 80% daw sa low-lying na placenta kusang tunataas as the pregnancy progress..wag daw papahilot or whatever...then right after ng second UTZ ko..nag lockdown na..nasa bahay lang ako the entire time..until mag GCQ where I had to report back to work..(healthcare professional po ako..my employer was considerate enough to let me take a break from work during ECQ given the situation na buntis ako..and nasa 1st trimester plus the fact na at risk ako for miscarriage kasi nga mababa yung placenta ko)...thankfully enough..nkpag pahinga ako during the ECQ...sinunod ko yung advice na mg lagay ng unan sa balakang kapag naka higa o matutulog para umangat yung placenta ko...I was desperate din kasi..takot na takot pra kai baby...I was doing everything not to overthink (kasi Certified overthinker po ako) para avoid stress din..kumain ng more on gulay and sufficient intake of fluids..and I made sure na complete at naiinum ko yung vitamins na prescribed sakin ng OB ko ..the entire time na may ECQ hndi dn ako nkpag prenatal..since hirap dn mag commute and we don't have a private car...gabi.gabi ko pinagdarasal ang safety ni baby at health...nung mag GCQ na..the firat thing I did?? nagpunta agad ako sa OB...nag start na ako mag gain ng weight since I was on my second trimester then (nangayayat po kasi ako sa 1st tri..wlang ganang kumain po)...thankfuly..wla nman akong spotting or bleeding na nangyari...I went back to work (mandatory na po..call of profession)..my tummy was about 6 months back then..medyo malayo po workplace ko..araw araw ako kng mag commute...fast forward..on my 29th week of pregnancy...nirequest na ulit ako ng OB ko po ng UTZ..and God truly listens po..my mayoma was gone..I don't know how...and my placenta is now high-lying...and my baby was fine...andcrevealed na I'mg having a baby boy..pero nasa transverse position pa sia...so then sabi ng OB ko..not to worry kasi early pa..malaki chance na iikot pa si baby..wag lang papahilot kasi delikado...so yun po..tuloy pa dn po ako sa work..noon..pumapasok ako..Monday to Friday...full-time po ako...so I work 8-10 hrs a day..every morning..pinapatong ko yung flashlight sa puson ko..at the same time kausap ko si baby..na pumwesto sia ng tama..dpat normal delivery kami..kailangan namin kayanin..kasi we are a team...nung 32 weeks na po ako...thankfully..sabi ng OB ko..cephalic na daw si baby...so kausap ko ulit si baby..na wag na sia iikot ulit..stay na sia sa position na yun...fast forward po ulit..Aug. 15,2020..bumalik ako for my regular check up/prenatal...I'm 35 weeks / 2days pregnant by that time..ng issue si doc ngcrequest for swab...as prep sa panganganak ko...Aug 16 ng grocery pa kami ksama ko sister ko...ok nman po ako nun..normal day..then Aug 17 nagising ako aroung 5:50 am kasi medyo msakit tyan ko..nag CR ako..and there it was...mucus plug..tumawag ako sa OB ko to confirm..nag message dn ako sknaya through messenger with pictures (yes po..friends kmi sa fb ni doc..and sometimes through messenger yung consultation ko..if hndi nman emergency)..ginising ko si boyfie..taz tinanong ako ni doc if..tumitigas ba..sabi ko..kumikirot na sia..and magalaw si baby..tumawag dn ako sa mama ko..nahilab na tyan ko..with 10-15 mins na interval...sabi ni doc pumunta na ako ng ER..nag usap kmi kng saan na hospital..taz sabi niya..text ko siya kungnnasa ER na ako..but hindi ako tinanggap dun sa first choice ko kasi wala na daw bakante..so tumawag ako ulit kai doc...so sa second option ako napunta (private hospital)..sabi ni doc..mas okay na yun since preterm labor ako..nasa 35 weeks and 4 days lang ako..around 10 am..nasa ER na ako..yung hilab ng tyan ko 8-10min interval nlang .I was checked...pgka IE..I was 3cm dilated. then pinag covid test ako..since hndi na ako nkpag pa appointment (supposedly that day tatawag ako sa hosp para mgpa sched ng swab test)..bag wait for result..around 11:30 am...npapadalas na yung sakit/hilab nasa 5-8 min interval pero kaya ko pa nman...pgka IE...5cn na ako..dumating yung OB ko..after ma follow up yung result ng covid test ko (negative po)..pinag x-ray ako..taz deretso na sa labor room..pg dating po sa labor room..12:30 chineck ako ulit.. IE..8cm dilated na po ako...around 1pm..pina ready na nk doc yung delivery room..kasi sabi nia..maya.maya mag crowning na si baby...subran dalas na po humilab tyan ko nun..every 43-46 seconds..taz subrang sakit na dn..napapa unat ako sa sakit...napapahawak ng mahigpit sa stretcher ...humihinga nang malalim..sa bibig..at medyo mabilis..iniipon ang energy para sa pag ire plabas kai baby..bago mag 2pm fully dilated na po ako..taz ireng-ire na...agad agad dinala ako sa delivery room...pagka sabi po ng OB ko na sa next na tumigas yung tyan ko..i.ire ko na...sa awa po ni Lord..one strong push..lumabas po si baby ka agad..laking guinhawa...napa luha ako when I first heard my son cried..now I have an added meaning to my life...sabi ng OB ko..ang bilis ko nga lang daw mag labor at subrang taas pa ng pain tolerance ko.πŸ˜…..yung kasabay ko po kasi manganak...nagsisigaw sa labor room..hanggang sa delivery room...sabi kasi nung nurse na chill lang daw ako sa labor room..nakikipag biruan pa ako sakanila..saka pa tawa tawa pa daw..ang totoo po..masakit po mag talaga mag labor but..naisip ko lang na mababawasan lang yung energy ko kng isisigaw ko pa..pero yung pain would still be the same.. nag stay pa po si baby sa NICU ng isang gabi bago po sia pinag room-in sa akin...thankfully po..he didn't have to be incubated..though they prepared an icubator pra saknya incase na kailanganin...ang sabi po ng pedia nia sa akin..hndi nman daw po pre term si baby...based daw po kasi sa development nia..pasok na sia sa 37 week/s old na baby...his lungs is ok..and his heart is fine as well..over all po okay si baby..except lng dun sa birth weight nia po..na mas mababa ng 200g kesa sa average weight..(2.5kg po average weight...si baby is 2.35 lang)...but nothing to worry nman po..inantay lang yung result ng tests saka sia pinag room-in sa akin...August 19 na dismiss na po kami sa hospital..mgkasabay kami umuwi ni baby..ngayon po si baby is 24 days old na..😊😊😊 Shinare ko po ang story ko..to point out..things as follows... 1. TRUST - importante po na may trust tayo sa ating healthcare provider in order to attain desired results...look for a healthcare provider you are most comfortable with (yung OB ko po is suler maalaga and she's like friend)...because doubts can go a long way. 2. COMPLIANCE - we have to listen and obey kung anung sinasabi ng OB or doctor po natin..they mean no harm.. 3. BE VIGILANT - pakiramdaman po natin and listen to what our body is telling us..(I should have filed for leave..since tag.tag ako sa byahe araw.araw)..be watchful of what we eat..during pregnancy and breastfeeding but can go for the long run..and also maging keen dn po tayo...in reading articles...and listen dn sa mga advices ng mga mommies na..I learned a lot din here sa TAP.. 4. BE PATIENT- marami po ako nababasa dito (silent reader dn po ako..but at times I'm answering questions) na ngmamadali po..like below 36 weeks but nagtatanong na ng exercises pra mag labor..I can say po..to pls wait till your baby is in full term (36-37weeks) then you can go have that exercises to help you go in labor (ito po natutunan ko in my experience of pre term labor..I was just blessed and lucky enough that my baby was perfectly fine) wag po sana masamain ito.. 5. PRAY AND TRUST HIS TIMING -let God do His stuff..unload your burdens into His hand..and have faith that He will provide..😊 -first time mom po ako.. thank you po sa inyo for sharing your experiences...may we all keep empowering each other...keep safe po mga mommies..love yourself above all that we may be able to share and give love to our children..it will teach them that each individual matters..😊😊..keep safe and God bless..❀❀ PS sorry po if may mga typo...πŸ˜…

38 Replies

ang haba nga,,heheh.pero tinapos ko po. 36weeks to be exact napo ako ngaun,,sobrang Likot n din n baby.parang gusto n nyang Lumabas.sumasakit ndin ang Lower part ko,minsan kumikirot kirot ndin xa.Lage ko xang kinakausap n magwait pa kasi maLapit n naman kami mag 37weeks.excited n kaming Lahat n makita xa,pero gusto ko magpaLakas pa xa sa Loob..anyway,congrats mommie sa inyo n baby..😊❀️❀️

sobrang heaLthy & strong n baby,kasi kahit sobrang Lau pa ng EDD nyo,hnd n xa need iLagay sa NICU..hnd kpa nya pinahirapan sa panganganak.good job ka jan bebe boy..❀️❀️😘😘

I'm so inspired by your story. andami kong anxieties at worries sa pregnancy ko.to the point na nakakalimutan ko na na ang baby ko ang mas importante kesa sa nararamdaman ko. kumakapit si baby,so kailangan ko ring kumapit. kahit gaano kahirap. everyday sinusustain kami ni Lord.... His mercy and unfailing love,dun kami kumakapit ni baby. thank you sa inspiring story mo.you are so blessed. ❣😊

Thank you po mommy..just keep in mind po na you need to be strong especially para kai baby...I know po hindi natin maiwasan ang anxieties dahil marami tayong worries especially po pag palapit na yung panganganak...but kailangan niyo po ang self trust..maniwala din kayo na kaya niyo..at kakayanin din ni baby..just keep on talking po with your little treasure. 😊😊😊it works po..just like how our prayers work..😊😊😊❀❀❀God bless po...God provides..He protects and most of all he listens...

Congrats Momsh.. Nakaka inspire po yung story nyo.. Hindi po ako FTM pero 11 years bago nasundan yung panganay ko kaya naninibago ako.. Sobrang bata pa at nag aaral pa ako nung nabuntis ako non kaya di ko alam yung mga pag galaw ni Baby kaya ngayon talaga amaze na amaze ako kapag gumagalaw si baby sa tummy ko..

thank you po..God bless po..and congrats din po sa panibagong journey with your second child..😊😊❀❀keep safe mamsie..

VIP Member

Thank you for sharing your experience and insights sis! Big help yan sa amin na waiting na manganak😊 congrats nakaraos na and you have a little warrior!❀️

Thank you po...😊😊❀❀❀ God bless po sa journey nyo..πŸ™πŸ™πŸ™..keep safe..

Congrats momsh.binasa ko po kahit mahaba.😊nakakainspire po. Dasal lng talaga at tiwala sa Diyos,malalagpasan natin ang pgsubok.❀

thank you po sa patience..πŸ˜…πŸ˜…..pareho po tayo..kahit gaano ka haba na posts dito..nakikita ko I take time to read...πŸ˜†..God bless you po..😊❀❀

congrats mommy. cute ni baby sa 3rd pic naka smile pa😍 Sana kayanin ko din yung 'one strong push' πŸ™

Super Mum

congratulations mommy! Godbless po..Same bday cla ng mama ko hehe. Stay safe always Kisses ky baby😘😘😘

Thank you po..😊😊❀❀God bless po sa inyo...and your mom..😊😊

Congrats mommy! Dami pong situation dito na relate ako haha katuwa naman! Cute pa ng shorts ni baby πŸ˜πŸ€—

Thank you po..😊😊 God bless you po..😊❀..strong din po si baby..😊

ganda ng birthing story mo mommy. πŸ’• super encouraging. Keep safe both kayo ni baby.

Thank you po mommy..😊😊..God bless po sa journey nyo..❀❀

worth it basahin. yehey praise the Lord okay si baby. God bless you Mommy. ganda mo po

Thank you po...God bless.😊❀❀❀

Trending na Tanong