.
Not asking for advice, pero kung magmamalasakit ka mag advice at babasahin mo to ng maigi, thankyou. Maglalabas lang ako ng saloobin yun na lang. Gustong gusto ko na kasi umuwi samin yung tipong umalis dito kasi naman yung asawa ko hindi ko na kaya ang ugali. Palala ng palala simula nung kumikita na sa negosyo take note sideline lang yan pero jan nagstart lahat. Palagi na lang pinapamukha sakin na wala lang yung pagiging ina ko at pagiging asawa ko sa kanya. Yung lagi na lang sya ang nagmamataas yung ang yabang yabang na lagi ng dating nya kasi sya ang kumikita sa amin. Samantalang ako tinutulungan ko naman sya kumuha ng mga buyers naghahanap ako ng customer at resellers, sinusuportahan ko sya pero kung tratuhin ako ang liit liit ng tingin nya sakin. Hindi ako pwede mag complain o magreklamo pero sya okay lang. Worst? Sakin nya ibubuhos yung stress at pagod nya. Ako pag didiskitahan nya. Hindi na ako kinakausap ng maayos mataas na ang tingin sa sarili. Kung utusan ako kausapin ako ng parang hindi asawa wagas. Nakakasawa lang. Sobrang nakaka down kasi stay at home mom lang ako tapos ganito. Ni hindi na ako naaappreciate sa mga ginagawa ko. May time nga nilait pa ako. Sa araw araw na lang.. Sana makalabas na ako dito at maka uwi sa amin. Umiiyak na lang ako gabi gabi at tinitiis lahat para sa anak namin. Pero natatakot ako kasi baka hindi ko na kayanin.. Ang hirap pala ng may asawang ganito. Wala pa akong maka usap. Kasi pag nagkwento ako o nagshare ng ganito kahit sa nanay ko, aawayin lang ako non. And also, gusto ko kausapin yung tita ko and dad ko para makaalis na dito and para magka trabaho na kaso natatakot ako kasi alam ko aawayin lang nya ako at baka kung ano pa mangyari. So ayun. Porket ba stay at home lang tayo at hindi nagta trabaho walang sariling pera gaganitohin na lang tayo ng mga asawa natin? Is that even normal?? ?