Maharot 2yrs old
Normal po ba na maharot msydo, iyakin, di mapagsabihan etong 2 yrs old na bata?

Ganyan din 2years old ko, sobrang kulit at di mapagsabihan, maharot sobra hanggang mag suka sya kakaharot nya. napansin din ng pedia nya yun, advise po samin wag masyado sa gadgets and tv. More on physical activities lang dapat. Pero masyadong spoiled sa daddy kaya makulit parin. Pero na try namin na hindi sya pahawakin ng gadget for 1 month, may changes naman sa behavior nya, tapos naging mas malambing sya at napagsasabihan na rin. Pero last week eto na naman si daddy, pinagamit na naman ng gadgets, naging makulit na naman sya. As in sobra to the point na napapasigaw na ko at gusto ko na sya kurutin, 36weeks preggy pa naman ako, feeling ko manganganak ako ng di oras sa sobrang kulit nya.
Magbasa pa

