5 WEEKS PREGGY

Normal lang po ba na wala akong sintomas ng pagbubuntis pero nung nag pt po ako apat na beses puro positive. As in Wala po akong nararamdam na pagsusuka, nahihilo, palaihi or what.. Unang beses nag pt ako June 6 positive inulit ko ulit ng Gabi positive ulit tapos kinabukasan unang ihi ko positive ulit tapos dalawang Araw pinalipas ko positive ulit#advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy #1stimemom

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi po . Ask ko lang po .. hi bago po ako sa apps na to Sana po matulungan nio po ako Ako po ay nahingi ng konting kaalaman. last year Po may case po ako ng cyst ovarian then nag take po ako ng almost 2 months ng gamot . .tapos po ngaun di ko po alam kung may nag bago na po ba sa bukol ko .. then nag tatalik nmn po kame ng ASAWA ako . Ehh Kase last men's ko is may 11 then until now Wala parin po ung men's ko .ehh may 16 na po . Di pa Rin po ako nag kakaron

Magbasa pa

wag ka po muna mag pa tvs. inom po kayo ng folic acid and ferrous sulfate. mag wait kana lang po hanggang 8weeks na. para dika po ma stress pag nalaman mo wala pa hb si baby. early pa kasi. sakin kasi nag isip ako ng nag isip nung 1st tvs ko no hb pa, gestational sac pa lang. hanggang sa na stress ako hayun dinugo po ako. hanggang sa nag miscarriage. first baby sana😥

Magbasa pa
2y ago

Mga what time po mas mainam uminom ng ferrous sulfate??

yes sis.. ako nga ehh 10weeks ko na nalaman buntis ako kasi wala talaga akong sintomas na buntis tsaka late na din ako nag pt kasi irreg ako kala ko d lang ako dinatnan.. Tsaka d ko na din naisip mag PT kaagad kasi galing pa kami nabagyo ni Odette dito sa bohol nun.. Praise God. 26weeks na ko ngayon. Praying for healthy baby and Safe pregnancy sa lahat nang mommies

Magbasa pa

same here no pregnancy symptoms. o went to my OB when I found out na buntis ako. the OB said i was 5 weels preggy back then, she did TVS and ayun so happy to see na sac na. pero wala pang heartbeat. she gave me supplements and ask to comeback at may 7 weeks to hear and sew the heartbeat. 8 weeks na ako and meron ng heartbeat at 7 weeks

Magbasa pa

yes sis, may mga mommies na ganyan. maswerte ka hehe ako kasi malala pa din morning sickness ko. all day sickness na nga sya for me. 1st trimester pa din ako. basta mahalaga sa check up mo with OB okay lahat sayo at kay baby 🙂

normal lang po yan mami. sana all gnyan ☺️😅 ako sumpa na sakin 4mos na maglihi kada kain suka. halos di ako makaligo mag isa. pero once nasa 5mos nako aun parang ndi na naman ako buntis. dun lang nakakabawi ng kain at lakas. ☺️

ganyan dn po ako sa 1mon and 2mons wla akong narramdaman pero now 3mons ang dami kung ayaw na pagkain , ultimo amoy ng bawang at sibuyas ayaw na ayaw kung maamoy kc nsakt ang tiyan ko. kaya normal lang po yn mii may mga ganyan tlaga .

2y ago

salamat mii💖

yes Mii. normal lang po yan 🤗 ganyan din po ako sa 1st at 2nd baby ko.. 2months na akong preggy now at yess sa kasamaang palad di pa din ako naglilihi na gusto ko sanang maranasan HEHEHE 😊😅🥰

VIP Member

Okay lang po yan 😊 ako buong pagbubuntis ko di ako maglihi, bloated lang nung una pero walang arte whole pregnancy, basta pag nagpacheck ka, basta healthy nman kayo ni baby yun ang mahalaga 😊

VIP Member

Yes sis, ibat ibang babae ibat ibang pregnancy experience din. As long as normal at healthy ang mga nararamdaman mo no need to worry kung iba sa na experience nang iba. Congratulations!