Picture ni sister in law
Normal lang po ba na magsend yung kapatid ng asawa ko ng pictures niya araw araw. Basta may selfie sya matic send sa asawa ko, like mga outfit nya araw araw. Hiwalay nga po pala sa asawa yung sil ko at may isang anak. Though nagsisend rin sya ng pictures ng anak nya sa mr. ko. Btw, ldr po kami. One time inopen ko account ni mr. At yun nga nakita ko mga pinag sisend ng kapatid nya. Kahit pag naghihilamos pero mukha lang pinapakita. Alam ko close sila, Pero di ko lang nagustuhan mga mii is yung pagsisend nya na kuha ang legs, normal po ba yun sa isang kapatid na babae magsend sa kapatid nya? May relate po ba na scenario dito mga mii? Tama po ba yung ganon? Or masyado lang akong nag over react sa mga pinagsisend ng sil ko? Kahit may kuya ako, di ko ginagawa yung ganon.. Naiinis tuloy ako sa sil ko. Preggy pa man din ako😥.

la ang weird naman ng ganun mi, may mga kapatid din akong lalaki pero never ako nag send ng ganyan sa kanila. di sa pinag ooverthink kita mi ha pero parang may hidden relationship sila. Ano ba napapansin mo kapag magkakasama kayo ng asawa mo at sil mo?


