Hindi ko na maintindihan.
Normal lang po ba na madalas nakakaramdam ng lungkot at parang nag iisa? Sobra dami kong iniisip and I don't know how to overcome it. Ang hirap kasi parang lahat ng nararamdaman ko hindi valid. Pag umiiyak ako, parang akala nila nag iinarte ako knowing na hindi ko mapigilan lahat ng negativities sa utak ko. Sino ba naman ang taong gustong malungkot at naiyak? Parang mag isa nalang ako at wala ng mapagsabihan. Sobrang hirap ng nararanasan ko. I'm abused mentally and physically by my partner. Ilang beses ko na rin nahuli na niloloko ako. Gusto ko ng kumawala pero pano yung anak ko? Sabi ko ayaw ko maranasan niya yung broken family tulad ko. Umaasa akong magbabago pero mukhang wala naman ng pag asa. Dagdag pa yung isipin financially at yung sa acads ko. Pagod na talaga ako.