Hindi ko na maintindihan.

Normal lang po ba na madalas nakakaramdam ng lungkot at parang nag iisa? Sobra dami kong iniisip and I don't know how to overcome it. Ang hirap kasi parang lahat ng nararamdaman ko hindi valid. Pag umiiyak ako, parang akala nila nag iinarte ako knowing na hindi ko mapigilan lahat ng negativities sa utak ko. Sino ba naman ang taong gustong malungkot at naiyak? Parang mag isa nalang ako at wala ng mapagsabihan. Sobrang hirap ng nararanasan ko. I'm abused mentally and physically by my partner. Ilang beses ko na rin nahuli na niloloko ako. Gusto ko ng kumawala pero pano yung anak ko? Sabi ko ayaw ko maranasan niya yung broken family tulad ko. Umaasa akong magbabago pero mukhang wala naman ng pag asa. Dagdag pa yung isipin financially at yung sa acads ko. Pagod na talaga ako.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag mo palakihin ang anak mo doon sa pamilya na wala ng love. Mas mabuti na din siguro yung mag hiwalay kesa malakhan niya na buo nga ang pamilya niya pero wala ng love. Mababawasan ang bigat ng dinadala mo kung ibaba mo ang nakakapag bigat at nakakapagpahirap sa kalooban mo. Isipin mo ang ikaw at ang anak mo. Physically na sakit kaya pa gamutin kung sugat sugat lang pero kung mental and emotional mahirap gamutin. Habang buhay na pilat ang iiwan nya.

Magbasa pa