Hindi ko na maintindihan.

Normal lang po ba na madalas nakakaramdam ng lungkot at parang nag iisa? Sobra dami kong iniisip and I don't know how to overcome it. Ang hirap kasi parang lahat ng nararamdaman ko hindi valid. Pag umiiyak ako, parang akala nila nag iinarte ako knowing na hindi ko mapigilan lahat ng negativities sa utak ko. Sino ba naman ang taong gustong malungkot at naiyak? Parang mag isa nalang ako at wala ng mapagsabihan. Sobrang hirap ng nararanasan ko. I'm abused mentally and physically by my partner. Ilang beses ko na rin nahuli na niloloko ako. Gusto ko ng kumawala pero pano yung anak ko? Sabi ko ayaw ko maranasan niya yung broken family tulad ko. Umaasa akong magbabago pero mukhang wala naman ng pag asa. Dagdag pa yung isipin financially at yung sa acads ko. Pagod na talaga ako.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas kawawa anak mo kung mag sstay ka sa partner mo. hahayaan mo ba syang lumaki na ginaganyan ka ng asawa mo? dapat nga mas malakas loob mo makipag hiwalay dahil sa anak mo. magiging miserable lang buhay nyo at walang mag babago kung di ka gagawa ng aksyon. you can file a case against him by abusing you physically.. next time taasan mo standards mo sa lalaki girl wag magmadali.. life is to short para makisama sa ganyan klaseng tao. just sharing my motto in life: Let go of the things that you can't control. Let go, and Let God.

Magbasa pa