Normal ba na makaramdam ako ng inis sa lip ko?

Normal ba na makaramdam ako ng inis sa lip ko? Kasi simula lockdown wala syang work. Wala syang pera. Umaasa lang kami sa tatay nya. Though wala pa kaming baby, nagpplano na din kami. Baka next year. Ako naman may income kahit papano. Pero unti-unti ako nawawalan ng gana sa pinapakita nya sakin. Kumuha sya ng sasakyan dati pang grab nya, di pa nya fully paid un, 3yrs pang huhulugan. Nagsuggest ako na mag grab ulit sya kahit twice a week lang. Atleast may pera sya kahit papano. Ayaw nya kasi malalaspag daw sasakyan. Edi okay di ko na pinilit.. Nagsuggest ulit ako kukuhanan ko sya motor na click para pang food panda nya kasi wala naman syang ginagawa, aba nagrerequest pa ng NMAX o AEROX na lang daw. Alam nya na di ko kaya ung ganon kasi chineck na namin dati at sobrang laki ng interest. Nakakasama ng loob. Eto pa, gumala kami sa moa kagabi, bibili sana ako ng facemask na cloth. Maganda naman sya compare sa aidelai. Ung tipong pamporma, aba ayaw nya, gusto nya daw ung coppermask na lang. Iniisip ko ano ba tingin sakin neto sugarmommy nya? Eh nung dating wala akong work at sya ang nagastos never ako naganon sakanya. Sobrang nahihiya pa nga ako nun kahit pakainin nya ko sa tusok tusok okay lang wala syang naririnig sakin. Masaya lang ako basta kasama ko sya. Iniisip ko na lang tuloy sagutin ko na lang ung matandang mayaman na nanliligaw sakin atleast aalagaan ako at may pera pa ko lagi kesa sa ganto mahal ko nga, ang sakit naman sa dibdib ng nararanasan ko. 😔

13 Replies

minsan po hindi sapat na mahal mo siya para manatili ka, mahalin mo muna ang sarili mo.

Iwan mo na sis, you deserve better. Just my opinion lang ah, wala ka future sakanya.

Masasayang lang oras mo sa ganyan. Decide now before it's too late.

Trending na Tanong