Agree ka ba na hindi dapat paluin ang bata?
Agree ka ba na hindi dapat paluin ang bata?
Voice your Opinion
YES
NO

2597 responses

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tama naman yung pinapalo natin sila kapag nag didisiplina tayo... it's biblical. Ngunit dapat gawin natin yun ng hindi tayo galit, kasi kapag namalo tayo at galit tayo may tendency na magiging violent tayo at nararamdaman yun ng mga bata. We should explain it to our kids bkit natin sila pinalo at dapat after mapalo kinakausap natin sla at pinaparamdam natin sa kanila na mahal na mahal ntin sila regardless of who they are and what we can and cant do.

Magbasa pa
VIP Member

Lumaki ako sa palo kapag may mali, I guess nasa sayo yan. Huwag paluin ng walang dahilan at pag galit. Kung papaluin explain muna bakit papaluin then paluin. Nasa bible ang proper na pag didisiplina. Iba ang pinapalo lang para masaktan sa dinidisiplina. :)

Magbasa pa

yes, kasi iba ang magiging dating nun sa bata. As my childhood days di ko po naranasan mapalo kahit isang beses more on sermon at may takot kami sa tatay namin pero lumaki kaming marespeto at may takot sa Diyos thanks to my parents. God bless 💕

VIP Member

Nadadaan naman sa magandang usapan ang bata. I-explain mo nga lang ng maigi... Wag mo din ipapakita ung impatientness mo. Never ako pinalo ng mama ko nung bata ako. Nadaan ako sa face-the-wall and ung hindi ka kakausapin/no pansin...

mas mdididisplina pag pinapalo.. sa tamang parte ng ktwan, hndi sa kung san2 lng. nakita ko diperensya ng mga batang pinapalo sa hindi.. mas ngging magalang ,mrspeto ung pinapalo.unlike sa hndi.. lumalaking bastos.

Depende parin sa parent. But for me, hindi kailangang paluin ang bata para madisiplina. Naidadaan ito sa maayos na pakikipag usap, lalo na kung simula bata pa lang ay palagi mo na itong pinagsasabihan.

Agree sa palo until 3 years old. Tska hndi laging palo. Pag sobrang disobedient lang. For us, ssbhn nlang namin na "do you like slippers?" alam n nya kasi palo un. Kaya Obey na sya agad 😂

yes, pero napapalo ko pa rin siya. depende kasi sa sitwasyon, my times talaga na kelangan mo rin mapalo pa minsan2x para mgtanda dahil na rin sa minsan ayaw na makinig.

Wala naman mali sa pagpalo sa bata basta mali yung ginawa niya and na explain ng mabuti kung bakit kailangan paluin pag may nagawang mali. 😊

No. Pero palo lang sa pwet or kamay at in moderation lang nmn, yong hindi nmn po maabuso or masasaktan ng husto yong bata.