SAFE PO BA

Niresetahan po kasi ako ng OB ko na magtake ng Aspirin once a day. currently 8 weeks po ako, safe po ba ang aspirin? Meron po bang mga mommies dito na pinagtake ng aspirin and walang naging problem si baby at normal naman? thanks po sa sasagot

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako din niresetahan ng aspirin 8weeks pregnant. nag ask ako sa OB if mkakakaapekto sa baby sabi hndi naman daw at safe naman sya. basta mababang dosage lang 80g ata un hnggng 5mons ko sya ininom. wala naman naging problem. ang sabi kse dn OB since may history ako ng miscarrige dati kaya niresetahan ako para daw di matalo ng dugo ntin si baby. kse nag spotting dn ako 6weeks. tska para makaiwas sa preeclampsia. as of now 36 weeks na ko at normal naman si baby lapit na dn makaraos..

Magbasa pa

ako dn my reseta ng aspirin. galing kse ako s preterm twice at 1x ectopic. d p me bumili😅 nkita ko kSe s google. safe sya Inumin kapag mag 12weeks. nd ko Kase naitanong s ob ko dn.. pero balik ako s sept11. ask ko Muna Bago maginom sna. pero since nkabasa me dto na naginom dn sila aspirin ng ilang weeks plang..bukas bbli n me ahhahahha ..

Magbasa pa

Hello po, pinag take din po ako ng aspirin daily since nung nasa 7 weeks pa lang ako kasi may hemorrhagic focus ung unang ultrasound ko and may thrombocythemia ako. 26 weeks preggy na po ako now, okay naman po si baby and ang result ng CAS ko. Hindi naman po irereseta ng OB yan if hindi po safe and kailangan.

Magbasa pa
4mo ago

May risk kasi ako na mag form ng blood clot if di ako magtake ng aspirin dahil sa taas ng platelets ko kaya need ko talaga mag take, may risk of miscarriage din pag di ko sinunod advice ng OB. Better safe than sorry.

Mas maniwal po kau sa ob nyo,, d nmn bibigay Yan kung bawal.. May kakilala ako binigyan NG antibiotic NG doc nya Para sa uti hindi nya iniinum, kc baka daw nay side effects Kay baby, ngaun anak nya may infection sa dugo, kc d sya nag take NG antibiotic ang tigas NG ulo nya napasama PA anak nya.

Yes. reseta din sakin yan ng OB ko start ng 6weeks ko until 35weeks. May history kasi ako ng miscarriage at ectopic. Aspirin 80mg. Sabi nya makakatulong yan para maiwasan ang miscarriage. I think High risk po ang mga mommies na nagte-take ng aspirin. Kaya double ingat po tayo

yes, di naman po irereseta ni ob yan kung hindi po safe. mawawalan po sya ng lisensya if mapapahamak kayo. bago ako magbuntis at habanh buntis nakaaspirin na ko. ngayong buntis ako 100mg a day yung dose ko dahil 2 beses na ako nakunan at treated as APAS ako.

4mo ago

1 yr and 6 months

During frist trimester ko niresetahan din ako nyan mi, 26weeks na ko now and ok naman lahat ng result ni baby ko sa CAS thank God😇 di naman yan irerecommend ng OB if makakasama sa inyo ni baby mi☺

Same with me po. Don’t worry mommy safe po yon and wala naman naging problem sa baby ko. Very healthy pa rin po siya at normal ang lahat. God bless your pregnancy mommy! 🫶🏻

Hello.. Ako po nag ttake ng aspirin since 8 weeks din. May RHD kasi ako. So far ok naman and walang problem. Currently 27 weeks na ako :)

ako po, 2nd tri niresetahan ako ng aspirin once a day...kasi nagbibleeding ako kasabay po ng isoxilan yung aspirin.