Pampakapit

Niresetahan ako ng pampakapit ng OB ko. 30 days na inuman yun. 1 capsule per day. E ang mahal po nun. 20 days ako nakainom kaya may natira pa ko 10 days. Pwede kayang magstop na muna ko kasi ubos na budget ko, tagal pa sahod. Ayoko naman na muna magpunta ng OB ko at baka pagalitan ako. Haha.

54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku sis need mo sundin yung sinabi ni OB mo. Dapat walang palya, lalo na pag nagbibleeding/spotting ka. Ako nun buong 1st trimester pinapainom ako pmpakapit 3x a day. May mga araw na hindi ako umiinom nakakalimutan ko, so ayun pgbalik ko ng OB akala ko ngstop na bleeding ko kc wala lumalabas pero nasa loob pala, may mga bleeding pa sa loob. Kaya sinabihan ako na dapat walang palya yung pag inom ko.

Magbasa pa