Soon to be single mom ?

Ngayon lang inopen ko ung FB ng Asawa ko, don’t get me wrong. Sobrang bihira ko to gawin nasa malayo sya ngayon since lock down di sya makauwi. Chineck ko din ung messenger nya. Sad to see kchat nya ung ex nya. Alam nya Na sobrang pinagseselosan ko un. Sya ung unang nagchat. Hindi ko na binasa ung buong conversation nila kasi nung nakita ko ung tawagan nila Na ayun pa rin tawag sknya nung babae nahammer n ung puso ko. Hinihiwalayan ko n ung Asawa ko. Kasi feeling ko mahal pa talaga nya un at gusto ko sya maging masaya. Every night kinukutuban ako ng di maganda pero lage kong cnasabi sa sarili na impossible, Hndi naman cguro gagawa ng di maganda ung mister ko. Pero mali ako. Sobrang sakit Wala akong makwentuhan. Wala akong mapagsabihan. Ayuko lumaki ung anak ko na lage nya ko nakikitang umiiyak at makikita nyang May pain akong dala. Sana tama ung desisyon ko. Hndi pa sya nagrereply. Hndi ko alam Kung anong irereply nya. Sasabihin nnaman nya sakin nagddrama ako :( Salamat sa app na to nabubuhos ko ung lungkot ko. Open Po ko sa comment and suggestions nyo. Salamat sainyong lahat. Sana mapansin nyo to kailangan n kailangan ko ng kausap

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i've been there before.. nakipag communicate din yung ex ng mister ko sa kanya.. since alam ng babae na pinagseselosan ko sya, panay yung pang aasar nya kaya lagi nya tinitext mister ko at minsan tinatawagan pa.. yung mister ko umiiwas naman sya at pinaalam nya na rin sa babae na masaya na buhay nya and so on.. kaya akala ko after nun wala na.. one time nabasa ko na lang sa cp nya may nagtxt at naka phonebook pa na "I DON'T KNOW".. pgka open ko nung message alam ko na agad kung sino.. kaya nangyari, tinanong ko sya kung bakit nakkpagcommunicate pa sya sa babaeng yun.. sabi lang nya, yung babae lng dw ang panay text ng text sa kanya.. sabi ko naman bakit naka save pa number nya sa phone mo kung wla kang interes na makipagcommunicate sa kanya.. sabi naman nya wala lang dw.. dahil sa galit ko, binato ko yung selfon nya na remembrance nya sana dahil yun yung unang bagay na binili nya pra sa sarili nya from his own hardwork.. nag away tlga kami nun.. pero after nun hindi na sya umulit pa.. the girl is still trying to reach him pero dinededma nya na.. thankful lng din ako kasi so far, nakikita ko naman na pinipigilan nya sarili nya pra gumawa ng bagay na alam nyang ayaw ko.. kahit nga okay kami ngayon hindi ko nga isinasantabi ang possibility na baka pumatol sya sa iba.. kahit saan tayo magpunta maraming sulutera, nasa tao lang talaga kung marunong syang makuntento o hindi.. mahirap pigilan ang taong ayaw mgpapigil, kaya dpat e ready na rin natin yung sarili natin kung sakaling mangyari man yun.. para atleast hindi na masyadong masakit.. kaya cheer up lng momsh.. kayanin mo lahat para sa baby mo.. mas kelangan ka nya 🙂

Magbasa pa