Soon to be single mom ?

Ngayon lang inopen ko ung FB ng Asawa ko, don’t get me wrong. Sobrang bihira ko to gawin nasa malayo sya ngayon since lock down di sya makauwi. Chineck ko din ung messenger nya. Sad to see kchat nya ung ex nya. Alam nya Na sobrang pinagseselosan ko un. Sya ung unang nagchat. Hindi ko na binasa ung buong conversation nila kasi nung nakita ko ung tawagan nila Na ayun pa rin tawag sknya nung babae nahammer n ung puso ko. Hinihiwalayan ko n ung Asawa ko. Kasi feeling ko mahal pa talaga nya un at gusto ko sya maging masaya. Every night kinukutuban ako ng di maganda pero lage kong cnasabi sa sarili na impossible, Hndi naman cguro gagawa ng di maganda ung mister ko. Pero mali ako. Sobrang sakit Wala akong makwentuhan. Wala akong mapagsabihan. Ayuko lumaki ung anak ko na lage nya ko nakikitang umiiyak at makikita nyang May pain akong dala. Sana tama ung desisyon ko. Hndi pa sya nagrereply. Hndi ko alam Kung anong irereply nya. Sasabihin nnaman nya sakin nagddrama ako :( Salamat sa app na to nabubuhos ko ung lungkot ko. Open Po ko sa comment and suggestions nyo. Salamat sainyong lahat. Sana mapansin nyo to kailangan n kailangan ko ng kausap

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi momsh😊ang hirap ng situation mo pero sana makatulong itong ipapayo ko. sa una walang madali, walang magaan puro pain ang mararamdaman mo, pero kasi kailangan mong irespeto ang sarili mo bago ka irespeto ng iba. at sa desisyon mo hinahangaan kita mas pinili mong kumawala sa tanikala na alam mong mahirap dahil may anak kayo samantalang ang iba ay laging isinasangkalan ang mga anak para hindi lumayo at para hindi maghiwalay. once na nag cheat ang lalaki broken na ang family. broken ang respeto, tiwala kahit andun pa ang pagmamahal. hayaan mong ang Panginoon ang iyong lapitan at kapitan sa oras na pinanghihinaan ka ng loob at parang walang makakapitan.always remember God is always there for us no matter what happened . just learn to let go and move on with your life kasama ang anak mo. mahirap diba??? hindi namn agd agd let go tapos move on!! marami ka pang iiiyak 😭😭😭marami pang sakit na mararamdaman😭 pero sana sa paglipas ng mga araw., you'll learn to value your self,learn to love your self ,learn to accept na hindi lahat ng relasyon ay patungo sa magandang wakas. .the fact na nahuli mo at nalaman mo ginagawa ng partner mo ng mas maagap diba? nailigtas ka sa mas maraming sakit at pagdurusa. sa paglayo mo think 10 times. magbibigay kaba ng 2nd chance o tama na.? ? you are the only one na makakasagot nyan momsh. always lift your problems to God. He is always their to listen.😊 i hope nakatulong kahit papaano itong answer ko sayo.😘 be strong! have faith love yourself love your child/children.

Magbasa pa
4y ago

Thank you momsh. I'm happy that in my little way of giving advice, nakakalift ng spirit .. Continue to move on. Just hold on. Sending hugs and prayers for you momsh😊🙏🙏🙏