Soon to be single mom ?

Ngayon lang inopen ko ung FB ng Asawa ko, don’t get me wrong. Sobrang bihira ko to gawin nasa malayo sya ngayon since lock down di sya makauwi. Chineck ko din ung messenger nya. Sad to see kchat nya ung ex nya. Alam nya Na sobrang pinagseselosan ko un. Sya ung unang nagchat. Hindi ko na binasa ung buong conversation nila kasi nung nakita ko ung tawagan nila Na ayun pa rin tawag sknya nung babae nahammer n ung puso ko. Hinihiwalayan ko n ung Asawa ko. Kasi feeling ko mahal pa talaga nya un at gusto ko sya maging masaya. Every night kinukutuban ako ng di maganda pero lage kong cnasabi sa sarili na impossible, Hndi naman cguro gagawa ng di maganda ung mister ko. Pero mali ako. Sobrang sakit Wala akong makwentuhan. Wala akong mapagsabihan. Ayuko lumaki ung anak ko na lage nya ko nakikitang umiiyak at makikita nyang May pain akong dala. Sana tama ung desisyon ko. Hndi pa sya nagrereply. Hndi ko alam Kung anong irereply nya. Sasabihin nnaman nya sakin nagddrama ako :( Salamat sa app na to nabubuhos ko ung lungkot ko. Open Po ko sa comment and suggestions nyo. Salamat sainyong lahat. Sana mapansin nyo to kailangan n kailangan ko ng kausap

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din nangyari sakin nung 4months na kong buntis. Naopen ko yung lumang fb ng partner ko and nakita kong consistent pa rin ang chat nila ng ex niya, super sweet pa rin nila, and nagrereminisce ng past nila. May mga nabasa pa ko dun na parang nagsisisi silang dalawa, mga ganern. Tas di niya man lang nabanggit sa ex niya na buntis ako. Kaya kinausap ko siya, pinapili ko siya. Sabi ko sa kanya bibigyan ko siya ng time para mag-isip, kung gusto niya bang balikan ex niya or kung gusto niyang ituloy yung samin kasi kaya ko kako ng ako lang mag-isa para sa bata. Ayun, tinigil niya na kasi sabi niya ayaw niya ng broken family and ako daw mahal niya. Yung mga nasabi niya sa ex niya, parang wala lang daw yun. Lagi ko na siyang pinagdududahan pero nakikita ko na rin namang nagtatry siyang iassure ako na wala na. Lagi kong sinasabi sa kanya na nawalan na ko ng tiwala, pero sinusubukan naman niyang i-gain ulit yun. Mahirap pero kakayanin.

Magbasa pa
4y ago

same Tayo mamsh 4months din ako nun makita ko na nakikipag chat pa ung partner ko sa ex Niya, kaya Hindi lang siya ung kinausap ko pati ung ex Niya kinausap ko din na tumigil na dahil magkakaanak na kami 🙄