UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis im sorry sitwasyon mo. Pero sis ni kailanman hinding hindi naging solusyon ang ipalaglag mo ang bata para lang matakasan mo lahat ng problemang hinaharap mo. Tandaan mo sis simulatsapul pa lang eh choice mo, niyo pa rin kung nabuo man ang bata o hindi. Sis, di lang sarili natin ang iisipin natin sa sitwasyon natin ngayon. May dala kang precious life sa sinapupunan mo na HINDI LAHAT meron niyan. Yung iba gabi2x ng umiiyak dahil sa infertility nila. Yung iba matagal n nilang inaantay na magkababy sila. Yung iba desperado na at kahit anong paraan na ang sinusubukan makabuo lang sila. Kahit pa ikaubos man ito ng kayamanan nila. Tapos tatapusin mo lang buhay niya? Alam kong its easy said than done pero sis kung di ka na masaya, di buhay ni baby ang tapusin mo kundi ang relasyon mo sa lalakeng niloko ka to the point na nahantong ka sa ganitong magulong desisyon. Siya ang di healthy sayo hindi si baby mo. At sa family mo nmn, naiintindihan kong ikaw ang breadwinner pero since breadwinner ka nga sana nmn magpakita sila ng suporta sa bawat sakripisyong nilaan mo sakanila. Pero alam ko nmn d lahat makkaunawa. Pero sis ito p b yung time na isipin natin reputasyon natin? Dahil ba nabuntis ka eh ganyan na kababa tingin mo sa sarili mo? Walang mali kung may nabuhay na precious life sa sinapupunan mo. Nagkataon lang siguro na ang unhealthy ng environment mo pero sis, ganun talaga. Di natin maplelease ang lahat. The best thing you do right now is to do what is right. Buhayin mo ang precious baby mo. Mag dasal ka ng maimtim Sis. Mahalin mo ng buong buo ang bagong buhay na dala2x mo at higit sa lahat, SELF LOVE. Yun yung kailangan mo sis. Mahalin mo sarili mo at sana isang araw sapat n sarili mo at si baby mo para harapin ang lahat. Sis, di ka pababayaan ng ni Papa God. Ika nga God will provide. Focus on your blessings more than every negative na nagbobother sayo. Pag gising mo bukas, yun pa lang blessing na yun sis. Appreciate every blessing you receive. At sana one day i can see a post from you na talagang binuhay mo si baby. WE WILL ALL BE PROUD OF YOU SIS kung ibubuhay mo yan at mamahalin mo ng buong buo. ❀

Magbasa pa