UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po. Sana po wag nyo nalang po ipalaglag anak nyo. Wala naman po syang kasalanan. May reason si Lord kung bakit binigay niya sayo si baby. Kayang kaya mo yan mommy. May nabasa po kasi ako na libro na ang pagaabort ng baby eh aside po sa kasalanan xa, di ka po papatulugin ng konsensya mo. Hanggang sa pagtanda nyo po, maiisip at maiisip nyo po ang pinaabort nyo. Huwag nyo po pansinin ang sinasabi ng iba. Regalo po yan si baby galing kay Lord. Mahirap po maging isang ina pero kapag po palagi po tayong lumapit kay Lord tsaka pagnakita po natin anak natin na tumawa, humalakhak, mawawala po lahat ng problema at pagod natin. Regarding po sa BF nyo po, mabuti po iwanan nyo nalang po xa. Masisira lang po buhay nyo sa kanya. Nagadvice din po ba siya sa kabit nya na ipaabort din yung baby? Kung wala po, mas pinipili nya po yung kabit nya kesa s inyo. Sa palagay ko po, di po kayo mahal ng bf nyo. Di rin po nya mahal ang batang nasa sinapupunan nyo. Mas mabuti po lumayo na ho kayo sa kanya, bumalik nlng ho kayo sa pamilya nyo. Kung may masasabi mn po ang pamilya nyo n di kaaya aya. Tanggapin nyo nlng po yun pero sure po ako mahal po kayo ng pamilya nyo. Sana po wag nyo po ituloy pagpapaabort kay baby. Kawawa naman po.

Magbasa pa

Mahirap Masakit Oo Pero PiLitin Mong KumawaLa . sa sitwasyon Mo ngayon pero di sagot Yung pagpapalaglag. Same expirience sa Una Kong Baby . 2yrs kaming Leave in Nbuntis ako 3months nung iniwan Nia aKo s diko aLm n DhiLan huLi ko na nLamn. ayaw din skin Ng FamiLy nia. dhiL Gusto s Mayaman Wat the. sobrang Hirap sakit Iyak Tinangka Ko magPakamatay halos 1month akong iyak lugmok . then nag 4mnths na tyan Ko knakausap Ko baby Ko tas nag respons sya . alam kong sobrang aga pa para Gumalaw sya ng Ganun . tas naiyak ako na May Nadadamay at may Nahihirapan n Palang Bata . umalis ako smin nag work Ako kahit buntis dahil atuko umasa s mgulang ko o s sustento ng kahit sinu snabi k s srili ko na kakayanin ko at hinding hindi nako mkikiblaita sknya . Stay in ako s tahian. mag isa. nattuLog s Gabi. di maalis ung lungkot . pero kinaya Ko naraos Ko nganak ako at sobrang sarap s pakiramdam at mas lalo ako nagkaroon ng inspirasyon para ipag patuloy ung buhay ngaun 5yrs old na sya. super lovely sweet daughter . never nia pa hnanap ung papa nia. sguro s iba ntatanung nia pero skin ndi. kaya kung ako sayu . tuloy m buhay mo sabi m ng amay maayos ka nman trabho . Masarap maging single mom . magdasal ka lang fight lang

Magbasa pa

If you kill yourself, parang pinasaya mo lang ang manloloko mong bf, so don't. Kung may kailangang i-abort dito yun ay ang bf mo at ang pamilya niya. Minsan, masarap din ipahiya mga yan sa social media pero ayaw ko naman na magkaroon ka pa ng additional stress kasi dapat nakafocus ka sa pregnancy mo. Pwede mo rin sabihin sa kanya na kung talagang sorry na sorry sya, ipaabort nya yung anak nya dun sa babae nya. But that would be also bad, so yeah, continue your pregnancy but break ties with them already. Or break ties but make him responsible para sustentuhan ang anak nya hanggang paglaki (pwede iyon maareglo sa korte. Kung iniisip mo ang gastos sa lawyer, pwede lumapit sa PAO/Public Attorney's Office for a budget-friendly or free lawyer). Anak nya yan so kahit sa pera man lang mabawian mo ang kahayupan nyan. Papahirapan ka lang ng mga yan sa sama ng loob kapag kasama mo pa sa iisang bubong at yung sama ng loob ang isa sa mga bagay na pinaka dapat mo iwasan kapag buntis. I hope everything ends well and you will have a safe pregnancy. Huwag na huwag ka makikisama o makikipag ayos sa ganyang klase ng lalaki. You deserve better and your child deserve a better father figure-- at hindi yun ang manloloko mong bf.

Magbasa pa

hindi ka nag iisa sis.... aqu nga noon 8months ang baby qu tapos nasundan pa buntis uli aqu sa pangalawa dahil ang ugali din ng live in partner q noon ay mambogbog ,iresponsible .mamas boy at sex langblage gusto niya pag dimo sia pinagbigyan binubugbog aqu...natuto aqung lumaban noon dahil matapang aqu kinaya qu hiniwalayan qu siya tumayo aqung ama at ina ng dalawa qung anak noon kahit wala silang ama inisip qu kapakanan nila, hinyaan qu mga salisalita ng mga tao.. nagtrabaho aqu sa beach resort at mga hotel dahil grafuate naman na aqu ng pagka hrm, kaya nakakahanap aqu ng work at dahil lumalaki na sila noon nag aply aqu ng work sa abroad at bfore aqu nag aply doon naman may nanligaw sa akin at schoolmate q sa college ,pero pinaghintay qu siya for almost 11years at nong pagdating q galing abroad tsaka kami nagsama at pinakasalan niya aqu kahit may dalawa aqung kids na, ngayon may anak na rin kaming 2yrs old at prgnant aqu uli now...kaya qung aqu ikaw hayaan u siya makakatagpo ka rin ng tatangap sau kahit may anak kana after ,paglaki ng anak u ipaliwanag u sakanya ang mga nangyari maiintindihan ka niya...ito lang advice q sau sis..dont give up kaya yan walang problema na di nabibigyan ng kasagutan...

Magbasa pa

kawawa naman ang baby sis... binigay yan ni God... gift nya yan sa inyo... nabuo si baby dahil sa pagmamahalan nyo... nagtiis kana dahil sa pagmamahal mo...need mo naman lalo tiisin ang dapat mong tahakin pra sa anak mo...nanjan man ang bf mo o wala.... alAm mo pamilya ay pamilya... bread winner ka ikaw natulong sa kanila ano ba naman ang intindihin ka nila sa pinakaworst n sitwasyon mo ngayon... kausapin mo sila ng maayos... kung sa tingin mo naman e pananagutan at susustentuhan naman ni bf si baby accept mo krapatan ng bata yun...sya ang ama obligasyon nya yun... sa pamilya naman ng bf mo kung mas suportado nila yung isa wag mo na isipin yun isipin mo lang... mas importante mabuhay mo anak mo... at kung sayo naman papanig ang bf mo e... kayo naman magkasama sa bahay... hilutin mo lang gawin mo yun bagay na magiging komportable sya sayo... para maicompare nya paano ka magmahal at pano ka mag alaga ng pamilya... ako kasi matiisin din ako... 2 babae pa nga kalaban ko... pero sakin sya tumino... sakin nagbago sya kasi narealize nya na mas magaan ang buhay nya na kasama ako... be strong girl... kaya mo yan... unahin mo si God sa puso mo then ang pagmamahal mo sa anak mo...makakaya mo yan...

Magbasa pa

Kahit kilan d maittama ang isang bagay na mali sa isa png pagkakamali. Wag mong gawin ang bagay na habang buhay mong pag sisisihan abortion is not the option and never. Lahat ng bagay may dahilan si Lord at wag mong ipagkait sa Baby mo ang plano sa kanya ni God. Darating ang panahon na mag ppasalamat ka dahil sa blessing nayan. Sangayon mahirap pero lahat naman ng bagay lumilipas lahat ng problema at unos humuhupa kya pakatatag ka huwag mong hayaan na galit at hiya sa puso mo ang syang mangibabaw mag Pray ka ate hayaan mo darating din ang panahon na lahat ng sakit ng problema mo ngayon ay ngingitian mo at massabi mong Thankyou Lord๐Ÿ™โค huwag mong masyadong isipin ang mga sasabihin ng ibang tao sayo isipin mo ang tingin sayo ni God dahil yun ang tutoong mahalaga. Wala ka namng kilangan patunayan sa kanina dahil kung dun ka nakatuon hinding hindi ka sasaya. Kya ate lagi mong tatandaan na talikuran kaman ng lahat isa lng ang hindi ka ttalikuran at iiwan yan ay si God. Isipin mo na sya ang mahalaga at walang iba maniwala ka hinding hindi ka nya pabbayaan at lahat ng problema malaki man o masmalaki pa, mallagpasan mo ng naka ngiti at my kapanatagan. Godbless at sa Baby mo๐Ÿ˜˜โค

Magbasa pa

iwanan mo na yung gagong yon at maging malakas ka for yourself and especially for your baby kasi kung lahat ng tao ipagtatabuyan ka o iiwan ka o ayaw sayo, yung anak mo lang ang meron ka and for me okay na yon at yun yung importante para lumaban sa buhay. wag mong sayangin yung buhay mo at buhay ng bata para lang sa walang kwentang tao. maging matatag ka at tuloy lang sa buhay kasi ganon naman eh. hayaan mong yung baby mo yung maging lakas mo sa lahat ng bagay, sa araw araw. ang gawin mo nalang eh gawin yung tama which is ituloy mo yung pagbubuntis mo dahil hindi ka naman mamamatay tao para pumatay ng inosenteng bata. hayaan mo na sila kasi wala kang magagawa kung ganong silang klaseng tao. ipakita mo na masaya ka at kaya mo na wala sila. ipakita mo na hindi kawalan yung lalaki na yon kahit siya yung tatay. ikaw sumuporta sa anak mo at ipakita mo sa parents mo na kaya mo gawin lahat kahit tumutulong ka sa family mo at now na may baby ka. kaya mo yan. mag dasal ka palagi para gabayan ka ni Lord at wag na masyadong magpapakastress dahil walang magagawa yan hindi mo na mababago yung tao kahit umiyak ka pa ng dugo diyan. cheer up and be strong! makakaya mo rin yan trust me. ๐Ÿ˜‰๐Ÿค—โค๏ธ

Magbasa pa

sis, almost the same tayo ng sitwasyon, nalaman kong may iba na siya at nalaman kong buntis din ako... hindi buntis ang kabit pero mas pinili niya yun kesa samin.... naiinitidihan kita kung gusto mong mawala ang baby pero hindi niya naman kasalanan ang lahat kaya pagisipan mong mabuti. bago ako mabuntis, nakunan ako last december lang kaya kahit naiisip ko na wag ituloy, mas nangingibabaw sakin yung sakit nung nawala ang una kong baby kaya ayaw ko na itong mawala saakin kahit na iniwanan na ako ng partner ko. hindi na kami magkasama at hindi na maayos ang pakikitungo niya sakin... nag decide akong sabihin sa fam ko and kahit papano ay tinutulungan nila ako.. oo may masasakit na salita pero maiintindihan at tutulungan ka nila, lapit ka din sa mga friends na pinagkakatiwalaan mo para naman ma comfort ka nila... SAVE YOURSELF, umalis ka na sa partner mo dahil wala siyang maidudulot na maganda for you and for your baby. kahit mapagisipan mong di ituloy ang baby, wala na din, sira na kayo, kaya ikaw na ang umalis at mag let go, mahirap pero kayanin mo for your own. Di mo kaylangan madaliin dahil process lahat pero unti untiin mo. kaya mo yan. if ever need mo kausap, nandito ako โ™ก

Magbasa pa

Hi sis. Alam mo sa totoo lang hindi lang ikaw ang first time mom na nakaisip na ipalaglag ang anak dahil sa takot sa pamilya lalo na kung biglaan. Maraming dumaan jan pero mas pinili parin ang takot sa Diyos. Isipin mo na walang kasalanan ang bata sa mga bagay na ginusto nyong mangyari sa una. Kahit gaano pa kasama ang tatay nyan, anak mo parin yan. Kadugtong na ng buhay mo yan at hindi pwedeng basta bastang ipalaglag mo yan. Although wala man ako sa sitwasyon na sabihan ka kung anong dapat mong gawin kasi wala naman ako sitwasyon mo, sana hindi madadamay yung bata kasi blessing yan sis ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š Hindi natin alam kung bibiyayaan pa ulit tayo kaya di dapat option ang abortion unless may medical complications na pwedeng maging fatal sa inyong dalawa ๐Ÿ˜Š Be strong, sis for the sake of your baby. I will pray for you. We will pray for your mind to be cleared out and your heart be cleansed sa galit at takot ๐Ÿ˜Š God will make a way. Hindi nya ibibigay yan sa ganyang sitwasyon kung alam nyang hindi mo kaya. Keep your faith, sis. And about sa family mo, sa una lang din yan. Unti unti matatanggap din nila, bigyan mo lang sila ng time na mag-adjust. Makakabawi ka rin in the right time ๐Ÿ˜™

Magbasa pa

27 years old kana po blessing si baby sayo,wag mo ng isipin sasabihin ng mga tao sayo..family mo matatanggap ka din nila sa umpisa lang yan..kase pag pinalaglag mo yan mas malaking kasalanan ang magagawa mo..hindi mo maitatama ang isang mali kung gagawa kapa ng isang pagkakamali..i hope you do understand what i mean..tsaka andaming gustong magkaanak dyan hindi nabibigyan baka pag pinalaglag mo yan tapos darating ang time na gusto mo ng mgkababy pero di kana bibigyan ni Lord.nasa huli ang pagsisisi kaya tanggalin mo sa option mo ang pagpapalaglag..pwede mong itama ang pagkakamali but this time with your baby..may work ka kaya mong buhayin ang baby mo without your bf kase kahit saan anggulo tignan walang legal sa inyong dalawang nabuntis nya kaya much better na ikaw na ang magparaya kase kung talagang mahal ka ng bf mo hindi na sya gagawa ng bagay na makakasakit sayo..cheating is a choice,walang panglolokong hindi sinasadya..means mahal din nya yung babae kase nabuntis nya..try to think of it niloko ka ng minsan,niloko ka ulit at same girl din baka nga hindi naman sila totally hiwalay kase nauna nyang nabuntis yun..baka inaantay lang nyang bumitaw ka kaya hanggang ngayon kayo pa..

Magbasa pa