UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

No momsh. Dont ever abort. Di ko alam kung gaano kasakit yang nararamdaman mo ngayon. After reading everything, sobrang bigat talaga ng sitwasyon mo. Pero dont ever make another mistake by killing an innocent baby just because of all those problems na kinakaharap mo at kahaharapin mo man pag labas ng anak mo. Anong malay mo, paglabas nya, maging okay kayo ng family mo. Ganoon naman kadalasan e. Kahit na sobrang sakit sa mga magulang natin na malaman na buntis tayo, at the end of the day, jan na si baby, matatanggap at matatanggap nila yan. As for your asshole jowa, iwan mo na. Momsh, siguro di nman din to ung first time na maririnig mo, pero di mo naman ikamamatay ang iwan yang jowa mong tarantadong hinayupak na puro kakatihan lang inatupag. Iwan mo momsh. Di naman din anak mo ang kauna unahang batang lalake ng walang tatay. Kesa naman sa pilitin mong magsama kayo pero palipat lipat din sya sayo at kabit nya. Mas mahirap naman na sitwasyon un na ipapaintindi mo sa anak mo. Its better to just keep the baby for yourself. Swerte ang baby, pero pag kinitil mo buhay nyan, wala na. And may kakilala nga ako e. Kahit bagong kasal lang sila, iniwan nya after knowing na may babae asawa nya, ora orada kahit na may 5 month old na silang anak. Di madali yang pinagdadaanan mo momsh pero wag mo po sanang kunin buhay ng anak mong wala namang ginawang kasalanan. Ikaw na rin nagsabi na gusto mong gawin ang tama. Palakihin mo mag isa ung bata, kahit mahirap, kahit masakit tuwing titignan mo sya maaalala mong niloko ka ng tatay nya. Mahalin mo lang sya momsh. In time mapapatawad mo ung tatay, makakalimutan mo, and thankful ka nalang na may iniwan syang anak sayo.

Magbasa pa

Sis wag mo ipalaglag ang baby sobrang laking kasalanan yan kay lord..bago ka gumawa isang malaking desisyon, sampung beses mong pagisipan, kung magdedesisyon cguraduhin mong hindi mo pagsisisihan..dumaan din ako sa isip na ipalaglag ang baby ko dahil sa takot ko sa pamilya ko at sasabihin sakin ng mga kamag anak ko lalo na nag aaral pa ako..pero mas natakot ako sa dyos..nagdadasal araw araw kung anu ba dapat ko gawin at humingi ng advice sa iba..at narealize ko ayoko na may pagsisihan sa huli nagkamali man dahil maaga ako nabuntis pero mas mali kung ipapalaglag..naiintindihan ko ang sitwasyon mo pero lilipas din ang panahon na makakawala kadin sa sakit na ginawa ng bf mo at matatanggap ng pamilya mo ang baby mo kc blessing yan ni god sayo..walang ibang makakatulong sayo kundi ang pamilya mo..wag mo isipin ang sasabihin ng iba..at kung may masakit man na masabi sayo ang pamilya mo tanggapin mo..isang galitan lang yan kapag nagtagal sila ang magiging katuwang mo sa pagpapalaki sa baby mo..wag muna isipin ang bf mo ang isipin mo ang baby mo kc for sure wala kang pagsisihan sa huli kapag binuhay mo ang baby mo..pakatatag ka lang at iwan muna ang bf mo ipakita mo sa kanya na kaya mo ng wala sya..always pray lang ang trust kay god kc hindi ka nya pababayaan may dahilan si god kung bakit ka nya inilagay sa mahirap na position..at alam ni god na kakayanin mo yan basta manampalataya ka lang at magtiwala sa plano ni god sayo..magiging maayos din ang lahat..kaya pagisipan mo mabuti ang gagawin mo..kung magdedesisiyon cguraduhin mong hindi mo pagsisisihan sa huli..be strong and always pray...ang advice ko lang blessing yan ni god sayo kaya wag mo ipalaglag..

Magbasa pa

Pwede ka naman lumaya saknya na di mo pinapaabort ang baby. Di porket bread winner ka nag iisip ka ng ganyan. Ang baby ay isang blessing. Hindi niya kasalanan kung nagloko tatay niya di niya kasalanan kung di mo kaya. Ginawa niyo ung way na makabuo kayo. Yang rason na yan dahil may babae siya at buntis din ay di dahilan para iabort mo yan sis. Sorry ah pero ako once na gagawa ako(sex) inahanda ko sarili ko. Magkababy man. Panagutan man o hindi. Tutuloy ko. Kasi ginawa ko un. Maswerte ka pa nga dahil magkakababy ka. Eh samantalang ung iba ilang beses na nagtatry wala pa rin. You are already 27 Years old. Di kana bata. Kahit ikaw bread winner sa family mo, i Know your family will Support you and tutulongan ka nila. Alam ko masakit sa part mo yan pero you need to be strong para sa baby mo. Makakasama sayo ung stress. Hayaan mo if ung family ng guy may sinusuportahan ung isa. Pakita mo how strong you are lalo na sa babae niya. Kasi di mo alam kung gaano kasaya yan na nakikita kang ganyan knowing na nasaknya ang family ng guy at nauna siya na buntis at nasasaktan ka. Kasalan ng guy un. Cheating is a sin. Not a mistake or decision. Irelax mo sarili mo. Kung need na wag muna kayo mag usap. Magkita para di ka naguguluhan gawin mo. Mas mahalaga ang bata kesa sa bf mo. Ung baby mo kadugo mo yan. Ung bf mo once kana niloko. Pwede maulit un. Ung baby mo once na silang mo yan magbibigay ng tuwa yan sayo. Mahirap man pero worth it. Sa bf mo Kung gusto mo lumaya saknya. Magbigay ka ng condition. Like example. Suportahan mo nalang panganganak ko, at anak mo. Labas na kung ano meron tayo. Sa anak niyo nalang kayo nagfofocus. Di kailangan mag usap araw araw.

Magbasa pa

❗Please wag mo i pa abort si baby yung jowa mong toxic nalang ang ipa abort mo kung makakabalik pa sya sa sinapupunan ng nanay nya. 🙏 ❌ Sorry pero wag mo i justify na gusto mo siya ipa abort dahil lang sa mga kasalanan ng tatay nya, kasalanan ng tatay nya yun, hindi kasalanan ni baby ❌ sorry ulit, pero sa tingin ko hindi kailangan ni baby ng ganoong klaseng ama. mas toxic yun dahil sabi mo (nagmumura sya at naninira ng gamit) Gusto mo ba na habang lumalaki baby mo makikita niya yung ganoong klaseng tatay? na tuwing mag aaway kayo ng tatay niya makikita ng bata kung paano ka i disrespect? wag mo gawin reason ang kawalan ng tatay at buong pamilya kung ganyan klase ng tao ang pakikisamahan mo. ❌ May anak na siya sa kabit niya, 😔 kahit ikaw ang piliin niya may forever commitment na siya sa kabit nya dahil may anak din sila. imposibleng di magkikita yan, magkikita at magkikita yan bcos of the baby. sinasaktan mo lang sarili mo. ‼️ bread winner ka, natatakot ka sa responsibility sa bata baka di mo kayanin kasi nag sosorporta ka din sa pamilya mo? well may obligasyon yung tatay ni baby jan. hingian mo ng sustento dahil karapatan ng bata yun. ❤️ wag mo intindihin yung sasabihin ng iba. masarap ang may anak, you're in the right age anyway at sigurado ako na pag labas ni baby matatanggap at mamahalin sya ng parents/family mo. 🥰 Masarap ang may anak. hindi ko sinasabing magiging madali. pero isang yakap lang tanggal lahat ng pagod mo. kung naiisip mo pa din ipalaglag yan sana wag mo kalimutang isipin na MAY DIYOS. ❤️ Magdasal ka at wag ka laging tumingin sa problema. LIFE MUST GO ON.

Magbasa pa

Alam mo ba napagdaanan ko din yan, 19 y.o lang ako nun nung nabuntis ako ng bf ko at eventually nalaman ko na habang kami pala nagkikita at nagsesex pa rin sila ng ex nya, nabuntis nya rin ung ex nya, actually nauna sya ng 2mos. sakin, pinagsabay dn nya kami at halos sabay dn nyang nabuntis. Nung una ok pa, tinanggap ko nalang para sa magiging baby ko, para lumaki syang may buong pamilya. Nagsama kami ng bf ko sa bahay nila pero nung nanganak ung ex nya halos araw araw na syang wala sa bahay. Sobrang down ako nun at sobrang sakit dahil pakiramdam ko nag iba sya at mas gusto na nyang makasama ang ex nya at ang bby nila. Halos araw araw dn akong umiiyak nun, ung feeling na sana di nalang ako nabuntis para makawala na ako sa kanya. Hanggang sa isang araw pakiramdam ko blewala na ako sa kanya, na mas pinipli na nya ang ex nya. Naglakas loob akong umuwi nun sa mga magulang ko, 7mos. palang tyan ko nun nung nagdecide akong humiwalay na sa kanya. Umalis ako na di nagpaalam sa kanya. Inisip ko na kakayanin ko para sa anak ko. Ni minsan diko naisip ipalaglag sya dahil wala syang kasalanan at malaking biyaya sya ng diyos sa akin. Tinanggap ako ng magulang ako, oo nung una nagalit sila pero nawala dn lalo nung nakita na nila ang apo nila. 7 years old na ang anak ko ngayon at may asawa na rin ako na tanggap kaming dalawa ng anak ko. Masaya at walang pinagsisihan sa buhay. Sana maging inspirasyon ang kwento ko sau sis. Kaya mo yan, nakaya ko kaya kakayanin mo rin cgurado. Balang araw tatawanan mo nalang ang problemang hinaharap mo ngaun. Pray lagi. Ingatan mo si baby at ang sarili mo. dika nag iisa sis. 😊❤

Magbasa pa
5y ago

Ang tatag mo at age of 19 nung tym nayun. Compare skinbna nsa tmng edad na, may maayos n trabaho. Sobrang duwag ko. Slmt sa pag share mo ng story. Nakaka inspire. Sna ako din mtnggp ng pmlya kobpag dting ng araw. Sa ngyon kz knkya ko magisa ung skit n nrrmdmn ko

Una sa lahat, CONTINUE YOUR PREGNANCY. Binigay yan ng Diyos sayo dahil ang batang yan lang ang magbibigay sayo ng unconditional love na hindi kayang ibigay ng bf at pamilya mo. Pangalawa, HIWALAYAN mo na yang walang kwenta mong bf. Wala kang mapapala sa taong yan kundi puro sakit sa ulo at sa damdamin. Kung tutousin, pwede mo nga syang e.demanda at ipakulong sa ginawa nyang pagbuntis sa babae nya while live.in kayo, pati na rin yang mga verbal abuse at mga ginagawa nya pag nagagalit sayo. (Please refer to R.A. 9262 Anti-Violence Against Women and Their Children) Pangatlo, don't mind what other people may say. Hindi nila alam ang dinanas mo kaya wala silang karapatang e.judge ka. Ang isipin mo is how to be happy and healthy para ganun din c baby. Always pray na healthy c baby mo. At sa pamilya/parents mo, sa una lang yan sila magagalit pero paglabas ni baby parang mas sila pa ang parent kesa sayo, mamahalin nila yang batang yan na parang sarili nilang anak. Kung ano man sabihin nilang hindi magaganda sa ngayon, pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga. Lastly, hindi mo obligasyong tustosan ang pamilya mo (it's a choice not an obligation). Mi mga malalakas silang katawan, maghanap sila ng mga sarili nilang trabaho para tustosan ang mga sarili nila. Ngayong buntis ka ang priority mo lang ay ang sarili mo at ang baby mo. Yang niraranas mo ngayon, wala lang yan sa mga dinanas ko. Pero kinaya ko lahat, and I know kaya mo rin yan. Hindi yan ibibigay ni Lord kung di mo kaya. Huwag kana mag isip ng kung ano anong negative. Yang batang yan lang ang makakapagpasaya sayo. Magdasal ka lagi at ingatan mo sarili mo at c baby.

Magbasa pa
VIP Member

I Feel You Ate .. Ganyan Ako Nung Pinagbuntis Ko Ang Panganay Ko .. Pero Mas Malala Sya Hindi Nya Pinanindigan Ang Anak Ko .. Pero Never Ko Naisip Ipalaglag Ang Anak Ko .. Marami Ako Masasakit Na Salitang Narinig At Puro Pagpapahiya Pero Lahat Yun Tinanggap Ko .. Tinawag Akong Disgrasyada Pero Naatim Ko .. Dahil Kasalanan Ko Unang Una Isang Kasalanan Ang Makisiping Ng Hindi Kasal , Pangalawa 17 Years Old Pa Lang Ako Nabuntis Ako Pero Ni Minsan Hindi Sumagi Sa Isip Ko Ang Ipalaglag Ang Sarili Kong Anak Hindi Ako Nagdalawang Isip Na Sabihin Kahit Kanino Na Buntis Ako Dahil Isang Blessing Mula Sa Diyos Ang Mabigyan Ng Isang Anghel 😊😊 Wag Na Wag Mo Pong Ipapalaglag Ang Anak Mo Dugot Laman Mo Yan .. Ipaglaban Mo Ang Karapatan Nyang Maisilang sa Mundo Dahil Kahit Walang Ama Ang Batang Yan Mabubuhay Yan Dahil Isang Buhay Na Yan .. Ipakita Mo Sa Kanila Sa Bf Mo Sa Kabit Nya Sa Pamilya Ng Bf Mo Na Kaya Mo Wag Kang Matakot Dahil May Mga Taong handang Tumulong Sa Iyo .. Pamilya Mo Eh Ako Ngang Walang Trabaho Ni Piso Walang Naibigay Sa Pamilya Ko Natulungan Ako Ikaw Pa Na Nagsusustento sa Kanila Hindi Ka Nila Matutulungan ??? Give And Take Lang yan Kapag Nanganak Ka Paalaga Mo Sa Kanila Pag Sahod Mo Ibigay Mo Sa Kanila .. Ganyan Lang Ang Buhay .. Ako Lahat Ng Hirap Sa Buhay Dinanas Ko Na .. Una Nagka Anak Ng Walang Ama , Nagkasakit Na Halos Kinamatay Ko Na , Namatayan Ng Anak Pero Hindi Pa Rin Ako Sumusuko sa Hamon Ng Buhay Kung Ngayon Pa Lang Susuko Ka Na What More Sa Hinaharap .. Hindi mo alam Kung Anong kukunin Sayo Ng Diyos Kung sakaling Ipalaglag Mo Ang Anghel Na nasa sinapupunan Mo .. Karma Is Real 😊😊

Magbasa pa

hindi sagot ang kitilin mo ang buhay ng sarili mong anak, wlng kasalanan ang bata sa gnwa ng ama nia, at lalong wag mong iisipin n itatakwil k ng pmilya mo dhil s pinagbubuntis mo, ngaun ang oras n higit nlng dpt maintindihan ang sitwasyon mo at dpt mo ring ipaintindi sknila ang laht. wg mong pangunahan ng takot kung ano man anh ssbhin nila, tanggapin mo lht pr s anak mo lilipas lng ang mririnig mong msskot n salita ngunit kung ipapalaglah mo ang bata ay habang buhay mong dadalhin at habng buhay kng bababagabin ng konsenua mo. hindi ginusto ng bata n mbuhay siya sa sinapupunan mo, kaloob yn ng dios. mrming babae ang nangangarap magkaanak n hindi pinagkakalooban ng langit ng sanggol. mrming praan pr buhayin ang anak mo, wag kng kikitil ng buhay dugo at laman mo yan, mas gawin mo yng inspirasyon pr lalo kng maging matatag at magsumikap s buhay.hindi sagot ang pagpapalaglag s bata, malakjng kasalanan sa dios ang iniisip mo, kung dimo kyng buhayin, iluwal mo at dalhin mo s institusyon n mkktulong sknia. mrming institusyon ang bukas pr tumulong s tulad mong naguguluhan. alam kong masakit ang pinagdadaanan mo pero wl ng sasakit p sa pagkitil ng sarili mong anak. alisin mo ang srili mo sa dilim n kinasasadlakan mo, wlng ibng mkkgawa nyn kundi ikaw. kung dika pinapahalagahan ng ama ng anak mo matuto kng pahalagahan ang buhay mo pr sa anak mo, hindi ang lalking yn ang buhay mo, may mga bagay tlg s mundong ito n hindi ntin mkukuha laht, ngunit ipagpasalamt ntin s panginoon ang mga biyaya n bnbgy nia s atin gaya ng anak mo. lht ng pagsubok ay may dhilan, laht ay angkop o katumbas n kaluwalhatian pagdting ng araw

Magbasa pa

Wag mong ipalaglag hindi sapat na dahilan kung anuman ang pinagdadaanan mo sa ngayun siguro na mabuti ng buntis ka sya nalang paghugutan mo ng lakas ng loob na mas tumibay kapa kasi alam mo ang Baby ay gift Of god not a burden not a mistake alam mo na mayroong mga babae na nawalan n ng anak at ang sakit sakit mawalan ng anak at isa na aku dun pinagbuntis ko baby ko ng 9months at active ako sa check up at Prenatal sinantabi ko yung study ko na makapag focus ako ng maayos sa pgbubuntis ko at maalagaan ko ang sarili ko kasi Pharmacy student ako nagpupuyat dahil maraming inaaral kaya minabuti kung ihintu muna pero kahit anung ingat ko para magin safe yung baby pero nung ipinanganak ko sya Normal delivery naman 3,000 grams sya at malusog nai uwi ko na sya sa bahay pero nung 3days na sya iyak na iyak at isinugod agad namin sya sa hospital at dun na nalaman na may Infection yung baby ko Hanggang ngayun nandito parin yung pain nung nawala sya at pinaglaban ko at umasa na makaka survive sya kahit nung 20% nalang yung chance maka survive sya at nakaka 11 na syang CPR 5days lang sya ipinahiram ng dyos sakin tsaka yung 9months na nasa tummy ko pa sya . Ang swerte mo at buntis ka at magkakaroon ka ng Taong magmamahal sayu ng walang kapalit at ang taong magsisilbi na ilaw mo kaya wag mung Idamay yung baby po ipatuloy mo at alagaan mo wala syang kasalanan kun anuman ang galit mo at sakit na nararamdaman isipin mung magpalakas para sa anak mo dahil ang sakit talaga maluko at masaktan ng taong mahal natin . Godbless po sana po ay naka tulong po ito para maliwanagan ang pag iisip mo po.

Magbasa pa

Hi sis. 20yrs old ako. naglive in rin kami ng boyfriend ko almost 2yrs kami. nung nalaman nyang buntis ako nakipagbreak sya pero may communication kami, halos ilang linggo lang nung eksakto kakamatay ng lola ko pumunta ko sa inuupahan namin para lang makita sya at makahinga kasi kahit papano comfort zone konyun e and dun ko na laman na yung pinag hihinalaan ko kasama na nya sa bahay. to cut the story short, yes sila nung babae 3 weeks plng kami break nun, nagkasakitan pisikap emotional ako nun pero i still continue my pregnancy kahit ganun yung sitwasyon. never pumasok sa isp ko na ipaabort yung baby unang una inosente yan, nung ginagawa nyo yan pareho nyo gusto kaya wag kang selfish. yung bata walang ginawang masama yan. kung gusto mo maging malaya you have a choice to be free to him. hindi sa bata. lagi mung tatandaan walang ginawang kasalanan yan, "mali na nga na magsama kayo sa iisang bububong ng di kasal at nag sex ng di kasal dadagdagan mo pa ng kasalanan?" yan paulit ult ko sinasabi sa sarili ko nun at sabi rin ng mami ko gumawa ka na ng kasalanan wag mo ng dagdagan ng isa pang kasalanan. at yung motto ng buhay ko "kapag ikaw na ang tama sa storya wag ka ng gumawa ng dahilan para mabaliktad yun". sana nakahelp ako sa sitwasyon mo , ang tunay na malaya sis yung walang iniisip , yung di ka nakokonsensya. palayain mo sarili mo sa kanya pero palayain mo sarili mo sa possibilidad na pagsisi ng buong buhay. by the way 1 month na yung baby ko and i never felt so happy and loved that way. isipin mo nalang na yan yung tanging taong magmamahal sayo ng totoo at di ka iiwan

Magbasa pa