UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kahit anung reason mo momsh mali pa rin yung ipalaglag mo, dhil lang sa niloko ka ng boyfriend mo. mas gusto mo pang mawala baby mo kaysa itaas pride mo to the highest level dhil sa bf mo at dhil na rin walang support yung family ng bf mo sa baby mo. sabi mo po nasa tamang edad kana so kaya mo yan. kung mawawala yung baby di kasalanan ng lalaki, kasalanan mo dhil yun plano mo. tsaka alam mo khit pa ipalaglag mo yang baby di ka kahit kaylan man magiging masaya. hndi abortion ang sulosyon para makalaya ka sa knya. kung gusto mo umalis ka magpakalayo layo ka kasama baby mo, dios ko idahilan mo pa yan baka lang tlga ayaw mung humiwalay kaya gnyan. palusot ka pa po. nasa tamang edad kana peru pag iisip mo parang iwan.

Magbasa pa

Please please please Keep the baby. At least give birth sa knya at kung ayaw mo pa din, give him/her sa mag.asawang hirap maka buo at gustong mag ampon but wag mo lang ipalaglag please. Walang kasalanan ang bata.. Momshie, baka habang nag ggrow si baby sa tummy mo, mag iba isip mo. Specially when ur baby gets to move na na para bang nagsasabi na 'mommy im here..im excited to see you soon. Pls keep us healthy and know that i love you and will never leave you.' i'll pray for you na sana bigyan ka ng clear mind ni God. alam ko na mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, God will make a way to remind you that you are not alone. Mag worship ka momshie. Iyak mo lahat sa kanya. Sumbong mo skanya mga hinanakit mo. πŸ™πŸŒ·

Magbasa pa

Eow sis.. Isipin mu na kaya mu kaht wala sya sa tabi mu. Yung ganya lalaki pinapatay yan, walang kwenta at ndi mu diserve lahat ng nararanasan mu sknya naun. Tama ka ndi makukuha ng sorry pag trust na ang nawala.. Once be cheater always be cheaters tandaan mu yan sis.. Bitawan mu na sya,, Den wala nmn cgurong magulang ang nakakatiis sa anak nila lalo naun na nid mu cla.. Laht ng sermu matitikmun pero pag nailabas mu na ang bby mu. Mawawala na un dahil mamahalin nila yan ank mu, dahil apo nila yan. Den explain u na lang yan side mu sknila knh bkit ka nagkakaganya.. Den humingi ka ng sorry.. Sa naun gulong gulo kapa.. Pero lagi mung iisipin everything happens have a reason.. Den everything Will be OK soon..

Magbasa pa

Hi, pls. Wag mo i-abort ang baby mo. In the first place ndi nya kasalanan kng bat sya andyan kau dlawa bumuo nyan. Second kng ayaw mna sa kanya at second time nya na ginawa yan bat mpa pipilitin sarili mo right? Sa tingin mba abortion ang sagot para maging free kna sa kanya? Ang babaw non kung un iisipin mo. Believe me kaya mo buhayin yan ba y mo with or without him. Kng worry mo un tatayong father then be with him or kung ayw mna sknya trust me mkkhnap k ng mas better sa kanya just pray. Take note lahat ng bata ay blessing kya wag kang magisip ng abortion dhl mas katakutan mo sa lahat un magiging karma nyan sau at c God. I hope na enlighten kta sis.. just pray and believe in yourself na kaya mo yan..πŸ˜‰

Magbasa pa
VIP Member

Alam mo sis kng ano nag papahirap sayo yng bf mo siraulo ! Hindi dahil sa buntis ka wag mo isipin ibang tao wala naman yan ma i aambag sa buhay mo kng sakali , isipin mo baby mo at ikaw, madali mag salita o mag comment lang basta alam namin ang hirap at stress mo, ynf pamilya mo naman mag open ka sa kanila ma iintindhan ka nila , ganyn ako una ko laman buntis dn ako kasi ayoko pa dn talaga marami pako gusto gawn sa buhay yng bf ko nalaman nya buntis ako masaya sya pero di kami ok nun kasi bago sya umalis ng pinas magka away kami at nag hiwalay , pero nung sinabi ko buntis ako pinanindigan nya ako at baby ko nag balikan dn kami 8mos Preg nako now,, sa una lang yan mahirap kakayanin mo dn tiwala ka lang kay GOD.

Magbasa pa
VIP Member

Alam mo te if ung family ng bf mo d tabggap yang baby mo atleast ikaw bilang nanay tanggapin mo cia. Unang una walang kasalanan ang bata. Pangalawa magisip ka ng sampung beses bago mo kitilin buhay mo at buhay ng anak mo. Eh ano naman kung ndi yan tanggap ng pamilya ng bf mo? Bakit? Sa kanila ba umiikot mundo mo?? Akin nga mas masaklap eh d ako tanggap ng biyenan ko dhil ndi ako maputi eh, pero tuloy ang buhay at ipaglalaban ko anak ko kc my child is worth fighting for. Wala akong pakielam kung ayaw nila sakin ang mahalaga may blessing na dumating sakin at un ang ipinagbubuntis ko ngaun. Ganyan talaga u cannot pleas everybody, kaya kill them with ur strength. Pakita mo na kaya mong magkaanak khit na wala cla.

Magbasa pa

Alam mo sis, pareho tau ng sitawasyon except lang sa hindi buntis yung kabit ng bf ko. Nung nalaman ko na matagal na pala nila ako niloloko, saka naman ako nabuntis. Sa 7 yrs namin, ngaun lang dumating ang baby. Grabe ang hirap ng stress sa pagiisip ng kasalanan nya habang buntis ako, as in umiiyak ako halos araw araw. 36 weeks na ako ngaun. Tinuloy ko sis. Wag na wag mo ipapaabort. Alam mo ba, pinagdasal ko sa Diyos na bigyan nya ako ng taong magmamahal ng totoo sa akin, at ito ang binigay nya. Si baby. Mahirap, pero kailangan kayanin natin. I suggest humiwalay ka na sa kanya. You need to be stronger, wag ka papaloko ulit sa kanya at sa pamilya nya. You will be filled by you baby's love. You deserve better.

Magbasa pa

Hi baka hindi mu din mapansin tong message ko sau sa dami ng replies na natanggap mo pero sis lahat ng nangyayari sau may dahilan at malalaman mo lang un pag dating ng araw kaya be strong. Lahat ng hirap mo ngaun mawawala yan pag nakita mona at nayakap mo ung baby mo trust me walang kasing sarap ung feeling na un. Kaya dont waste na chance na maramdaman mo un. Minsan na din yan sumagi sa isip mo nung time na nalaman kong preggy ako pero inisip kong plano un god kaya minahal at tinggap ko un ng sobra. Gawin mong motivation ung angel na nasa tummy mo walang imposible basta gawin mu lahat ng alam mong tama. Wag kang matakot sa lahat ng iisipin ng iba walang ibang makakatulong sau kundi sarili mo lang

Magbasa pa

Always think positive mommy! God has a better plan for you ang your baby. Hindi mo kaylangan ipalaglag yang baby mo kasi sya yung gagamitin ng Panginoon para maging lakas mo at inspirasyon mo. Maybe nahihirapan ka sa sitwasyon mo pero dapat mong kayanin para sa baby mo wag kang susuko at wag mong isusuko ang baby mo napakalaking kasalanan ang gagawin mo. Ipagdasal mo lang yung sitwasyon mo maging open ka sa taong malapit sayo para gumaan ang pakiramdam mo. Kaya mo yan mommy! Ipagpasa Diyos mo lahat ng nangyayari at gagaan ang pakiramdam mo hindi masosolusyonan ng isang kasalan ang problema mo. Mas lalo ka lang mag hihirapan sa mga consequences na darating. Think positive! Tiwala lang! Kaya mo yan! Godbless!

Magbasa pa

hiwalayan mo sya ng di mo kailangan ipalaglag yung bata, wala sa bata ang kasalanan kaya dapat di sya yung madamay. Prove to your bf na kaya mong buhayin yung anak nyo ng ikaw lang, tsaka mas magfocus ka sa baby mo. Yung baby mo yung mas mahalin mo at isipin mo. Hindi naman ibibigay ni Lord ang pagsubok n yan kung di mo kakayanin, at maraming single mom ang kinaya at naging successful sa pagpapalaki ng anak, kaya makakaya mo rin. Basta tiwala at magpray lang kay Lord. Kung sa tingin mo makakalaya ka sa partner mo, mas makokonsensya at mas hindi ka naman makakalaya ang pag-iisip mo kapag pinalaglag mo yung bata dahil pumatay ka ng walang kasalanan. Kaya isipin mo yung anak mo. at iwan mo na yang partner mo.

Magbasa pa