UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Alam ko mahirap pinag dadaanan mo ngayon. Yung feeling na mag isa ka lang at walang nakaka intindi sayo kaya naiisipan mo ang mga bagay na yan. Pero trust me, once mawala at makalimot k na, marerealize mo na tama pala desisyon mo na ituloy yan. Oo, masakit ksi ung taong minahal mo niloko ka, pero eye opener na rin siguro ni God yan pra sau kng anong buhay ang pwede mo maranasan kng di mo pa nalaman ng maaga. Sometimes you need other people to put some sense in your troubled mind. Makinig ka po sa mga snsbe ng iba dito. Kng hnd mo ittuloy, mas ikaw ang talo. Kpag nkakita ka na ulit ng taong magmamahal sau, kahit may anak ka na, tatanggapin ka nya ng buo. Sabe nga eh 'what's coming is way better than what was lost'. Just trust in the process and everything will fall into place. God bless po mommy. 😊

Magbasa pa

im 27 years old din at single mom din ako .. 36 weeks pregnant then last week lng ako umamin s family ko n buntis ako ..as long as n may work ka wala ka dapt ikatakot .. wag kang matakot kng walang tatay yan ang mahalaga may anak ka .. wag ka magiisip ng ganyan dahil pagsisisihan mo yan .. kasi ngawa ko n dati yan when i was 18 years old .. know what araw araw akong ngdadasal n sana biyayaan nia ko ng anak kahit ganon ang ginawa ko .. at thank god ..bingyan p nia ako .. at kahit walang tatay tong anak ko .. aalagaan ko sya ng husto kasi eto ung pingdasal ko araw araw .. kng wala man akong asawa cguro un tlaga ang nakatadhana sken ee tanggapin ko nlng .. at ung family mo wala kang maririnig jan .. kasi nga ndi mo nmn kasalanan n babaero ung bf mo .. mas susuportahan ka pa nila .. sana makatulong sayo to ..

Magbasa pa
6y ago

oo sis tama nmn db .. kesa nmn may masabing may asawa ka pero puro pasakit nmn ung dinadala mo .. thankful ako kasi ndi ako stress sa pgbubuntis ko kasi alam kong kaya ko to at pingdasal ko to .. e kng ayaw tlaga ako bigyan ni god ng partner s buhay or baka ndi pa tlaga right time .. ang mahalaga may anak ka na cguradong mamahalin ka .. ndi tulad ng mga lalake ngayon na may expiration date ang feelings ..

VIP Member

Sorry sis di ko na tinapos basahin. Naaawa ako sa baby mo eh. Unang una, issue ng bf mo, issue niya lang. Walang kinalaman ang bata. Pangalawa, kung kaya mo naman siyang buhayin, y not? Pangatlo, kung di ka satisfy sa kinikita mo at feeling mo di sapat yun para kay baby mo, hingan mo ng sustento. At panglima, kung pino-problema mo e yung mas gusto ng pamilya ng lalaki yung anak ng isa, SO WHAT? May pamilya ka. Sila pa lang sapat na. Di mo kailangang magmakaawa para gustuhin ka din nila at yung baby mo. Payo lang sis. Mas mabigat sa pakiramdam yung gumawa ng mali dahil lang sa nahihirapan ka. Wag kang gumawa ng aksyon na pagsisisihan mo. Isipin mo si baby mo. Di lang naman ikaw yung nag iisang naka encounter niyan. Pagsubok lang yan. Matatapos din. Lagpasan mo. Daanan mo lang. Kaya niyo ni baby yan.

Magbasa pa
VIP Member

No matter how hard life is.. Just Keep goin' not acceptable yung reason mo sis para ipa abbort yung baby, in the first place digo at laman nyo yan.. Kng nagkamali papa nya pde mo naman na ndi na sya pakisamahan basta hingan mo nalang ng sustento and about what other people say to you, its not important.. Bumula man bibig nila sa kakahusga sayo, itakwil ka man ng pamilya mo ngayon at the end of the day pamilya mo parin sila .. At lagi mo tatandaan na wag na wag mo iisipin ang sasabihin ng iba tao dahil mas mahalaga yang dinadala mo.. Ang mga tao kahit gumawa ka ng mabute may masasabe at masasabe sayo yan. Just focus on your baby, wag mo i stress sarili mo dahil kawawa baby mo.. Kapit lang kay god. Mag pray at kahit gano pa kabigat yang prob. Mo alam ko malalagpasan mo yan in Jesus name πŸ™

Magbasa pa
6y ago

Ang daming babae na gusto magkaanak pero di mabigyan ng anak.. See how blessed you are having a baby on your tummy 😊 mapalad tayo na magiging mommy na.. And about sa family mo.. Alam ko ndi din nila gugustuhin na ipa abbort mo yan. Oo magahalit sila makakapag bitaw ng masasakit na salita its just because nasaktan mo lang sila.. Pero believe me mawawala din yung galit na yon 😊

Please wag mo ipalaglag your baby, sis ikaw lang being a mom enough na para magpalaki ng bata, hindi mo kailangan ng lalaking manloloko para ituloy ang pagbubuntis mo, God gave that blessing to you and hindi lahat nabibigyan ng chance para magkababy. Overwhelming yung situation mo naiintindihan kita, pero lahat ng struggles mo in time mawawala lalo na kapag nakita mo na si baby pagkapanganak mo. Blessed lahat ng mothers kaya wag ka matakot always pray and ituloy ang buhay hindi ka nag iisa sis. Continue that pregnancy and God will continue to bless you no matter how life hard is trust me. Speaking from my experience as a single mom. Just keep going and plan your future with your baby. Mag save and magwork pa rin. Lahat tayo may struggles pero lahat yan hindi naman permanent sis have faith. πŸ™

Magbasa pa

Ito lng maipapayo ko sayo marami satin nagdanas pinagdadanasan at nadanasan ang gnyang sitwasyon. Pero alam mo ba ang pinaka malaking kasalanan ng isang tao higid sa anoman? Ang pumatay! Lalo pat isang anghel yan. Na minsan lng ipagkakaloob ng dyos sa isang babae at ang pag bubuntis ay isang regalo na khit kelan piling pili lng ang pinagkakalooban nyan ng dyos! Isa ka sa ma swerting nilalang ang pinagkalooban ng regalo kahit nagdanas ka sa isang sitwasyon na pumunit sa yong pagkatao sumisira sayong pagkatao ay di basihan ang isang anghel na regalo ng dyos naitatapon mo. Tanggapin mo ng boong puso ang biyayang yan khit ayaw mna sa tatay nyan ang mahalaga binigyan mo ang isang buhay ng buhay. Isipin mo nlng yang buhay na yan na isisilang mo ang xang magbibigay sayo ng kaligayahang walang hanggan.

Magbasa pa

Mahirap ang sitwasyon mo sis, pero wag mong iisipin ang ang only solution para makawala ka sa kanya ay yung ipalaglag mo ang bata. A child is a gift, no matter what our circumstances are. Bahalag araw makikita mo rin na tama na piliin mo ang anak mo. Maraming tao ang gusto magkababy na di mn lang nabigyan ng pagkakataon, wag mong sayangin. Iready mo lang yung sarili mo na sa pagdaraanan mo, mahihirapan ka, makakarinig ka ng mga masamang salita pero panindigan mo ang bata. Wag mong isipin na kahihiyan sya kasi bahalang araw, ang batang yan ang magiging kakampi mo at katuwang mo sa buhay. God bless you sis. May God enlighten your heart. Wag kang padadala sa sakit na nararamdaman mo ngayon, walang sitwasyon na permante... temporary lang to lahat basta manalig ka lang. Be strong sis! Kaya mo yan!

Magbasa pa

Sis continue mo lang, wag ka masyado magoverthink. Ngayon gnyan talaga ang maiisip mo kasi nga nasasaktan ka. Pero makakayanan mo lahat yan. Lalo pag nakita mo na ang baby mo. Ganyan din ako nung 2mos preg ako,naisip ko din ipalalag at naisip din nung guy kasi syempre nde niya kaya panagutan. Pero kahit alam kong massakit na salita ang mkkuha ko sa mgulang ko kelangan ko tiisin yun pra sa baby ko. And thank God dahil sa pagtagal eh natanggap ndin naman nila ang nanyre sakin. Hindi nman tayo matitiis ng pamilya natin. Just ask God for strength, and isipin mo nlang yung baby mo. Magpakatatag ka para saknya. Ngayon im 9 mos na waiting nalang na lumabas si baby. Kahit hindi ko pa alam pano kami mabubuhay ng kming dalawa lang i know nde kami pababayaan ni God and ng family ko. Be positive always.

Magbasa pa

hello momsh, wag mo idamay si baby wala syang kasalanan. kung gusto mo namang iwan yung partner mo then go di pa nman kayo kasal para matali ka sakanya and may trabaho ka nman para suportahan si bby mo ☺️ as for your parents nman sabihan mo na silang buntis ka kc anjan na yan. Im 22 yrs old, 27weeks & 6days pregnant parehas tayong takot malaman ng mga parents natin yung nangyari at bread winner din ako gaya mo. kelangan natin magpakatatag para kay baby at isa na jan ay yung dpat malaman na ng parents natin for future instances. sa totoo lang ngayon ko lang din nman nasabi sa mama ko na buntis nga ako and di pa alam ng papa ko but Im still hoping and praying na sana matanggap nila yung baby ko. lakasan mo lang yung loob mo at tiwala lng ky God malalampasan din natin to β˜ΊοΈπŸ˜‡πŸ™

Magbasa pa

HI po. Wag mo po ipaabort si bby. Suggest qpo n tignn mo sya as s blessing n ddting sa buhy mo khit gling sa isang llking mapangabuso. Hiwalyan mo sya. For me po kse It's ok n hindi nya killnin n ama ang llking yan. Kesa nmn lumaki sya n makita n gnyn ugali ng llking yn hnggng sa mghiwalay kyo mgkktrauma sya pg lki. Lumapit ka sa pamilya mo. Mkkpgsalita sila ng msskit n salita, natural po yun pero in the end, mttnggp p rin nila ysn dhil anak k nila at apo nila yang dinqdala mo. Ang bby po n yan ay ang mgbibigay ng kalakasan, kasiyahan, at kapayapaan sa buhay mo. After the rain, the joy that will come is nothing comparrd to the sadness youre feeling right now. And your baby will indeed bring you joy. Pray lng po plgi at manalig sa Dyos ggbyan ka nya at all times. God bless you po πŸ’•

Magbasa pa