UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

LEARN TO LET GO. let go of the TOXIC people around you. wag kang matakot sa pamilya mo. maiintindihan ka rin nila. sa una , magagalit sila, oo. natural yun. pero ipakita mo na pinaninidigan mo yang baby mo kesa naman ipalaglag mo ang walang muwang na baby. kung di ka tanggap ng pamilya ng bf mo, so what?? nabuhay kang wala siya, at wala sila. kaya mabubuhay ka pa rin ng wala sila. BE INSPIRED. gawin mong INSPIRATION and MOTIVATION si Baby. for sure, matutuwa parents mo pag nakita na sya. been there, done that. as for the future, makakahanap ka pa ng trabaho after mong makapanganak. hindi pa tapos ang mundo dahil may dadating pang TAMANG LALAKI sa buhay mo at sa buhay nyo ni baby. PRAY. Kumapit ka kay GOD. Talk to him. He already wrote your fate kaya TIWALA lang kay God. He loves you. so please love that BABY too. GOD BLESS YOU, SIS!

Magbasa pa

Same tayo nang sitwasyon sis. Hindi ko alam na may gf pala sya or talagang hiwalay na sila. 1 month ang gap ng pregnancy nmin ni girl ako yung naunang binuntis pero sya ang pinakasalan at sabe sakin ay mag susuport nlng sya. I know what you feel the depression, stress, hindi madali. From 2 months sobrang stress ako iyak ng iyak kada gabi until now na manganganak na ko. But somehow i realize na hindi worth it stressan yung guy and with the support of my family alam ko na hindi ko sya dapat intindihin. Hindi nga alam ng parents ko ang real situation sinabi ko lang na ayaw nung guy sa bata para iwas gulo at totoong nakakahiya. PRAY. ALWAYS PRAY. Hindi madali ang pag dadaan mo just like me but somehow on my last month the excitement is there. 22 plng po pala ako jobless but i know after this brighter things will come. Godbless❤️

Magbasa pa

Wag mo ipalaglag baby mo... Swerte ka nga ei kasi nabiyayaan ka ei ako??? Malabo na atang magkababy... Wag mo sya idadamay sa kasalanan ng ama nya... Kaya mong palakihin ang baby mo ng wala sya... About sa family mo... Umuwi ka at magsorry sa kanila... Matatanggap ka naman nila ei... Lalo na pag nakita na nila yang baby mo... Sa una oo magagalit sila... Pero sa bandang huli susuportahan ka parin nila... Lalo na ng mama mo... Sya unang una na makakaintindi sayo... Kasi walang ina na kayang tiisin ang sariling anak... Alam mo yan... Mapapagtanto mo rin yan once na isilang at nasusubaybayan mo na ang bawat paglaki nya... Na kahit may mali syang magagawa ndi mo sya matitiis kasi anak mo sya at mahal mo sya... Wag mong papatayin yang blessing ni god na pinapangarap ko... Na pinapangarap ng bawat babae... Napakswerte mo na sis nabiyayaan ka ng isang anghel...

Magbasa pa

Abortion is not the solution. Wag mong hayaang maging makasalanan ka sa kasalanan ng kapareho mo. Hindi pa katapusan ng mundo kung itutuloy mo ang pagbubuntis mo... paglabas ng anak mo, mararamdaman mo kung gaano kasarap ang may anak. Hiwalayan mo.kapareho mo lung hihiwalayan mo. Wag mo idamay ang bata. Mas mahalaga ang anak kesa sa kapareho mo. Dugo't laman mo yang dinadala mo. Nasayo ang desisyon ng relation nyo pero sa anak malaki ang magiging pagkakasala mo sa Diyos. Matakot ka. Kawawa din ang bata. Hindi din solusyon ang pagpapakamatay. Walang patutunguhang maganda yang iniisip mo. Magbasa ka ng bibliya ng maliwanagan ka.. mahalaga ang buhay mo at ng anak mo. May tatay o wala mabububay kayo magtiwala ka lang sa Diyos . We will include you to our prayers na mabigyan ka ng kaliwanagan at lakas ng loob para sa baby mo. GOD BLESS YOU AND YOUR BABY.

Magbasa pa

Just keep the baby.👼 It's a blessing! Just always remind yourself na, maraming hoping na magkaroon sila ng baby... And besides, wala din namang kasalanan yung baby. Don't be afraid sa mga sasabihin sayo ng family mo at ng ibang tao. Be brave enough para sa sarili mo at para na rin sa baby mo. Kahit ano namang kilos/galaw natin, may mga nasasabi pa rin naman yung mga taong nakapaligid sa atin. So what now diba?! Go girl, kaya mo yan! Believe me, sa una lang lahat magulo yan. You'll know someday na worth it pala yang pinaglaban mo. And you'll thank to yourself someday because YOU DIT IT! and YOU FIGHT FOR IT! 💪 alam mo, marami akong kakilala na, yung baby na laging binabalak na ipalagpag before, yun pa daw yung nagiging successful someday. 😊😇 kaya alam mona?hehe keep fighting lang sis. Always talk to God, para gumaan rin pakiramdam mo.😇

Magbasa pa

Hi sis, kamusta na pakiramdam mo? naiintindihan nmin ang sitwasyon mo pero hindi sagot ang ipalaglag mo si baby. blessing yan at hindi burden.. kung nakayanan mo magsoporta sa pamilya mo, bakit hindi sa sarili mong laman at dugo? swerte mo yan si baby, dahil lahat ng baby ay blessing galing kay Lord. ipaintindi mo sa pamilya mo ang sitwasyon mo at pray more harder na liwanagin ni Lord ang isip ng pamilya mo. stay strong for your baby. iwan mo yang lalaki n yan kung kailangan. d nyo deserve ni baby ang taong tulad nya. start a new life, happier life with your baby. Love your baby.. sya ang magpupuno ng pag mamahal na d mo mararanasan sa iba.. pray always, dont stop praying. talk to the Lord. Stay strong.. kaya mo yan.. mas may kahulugan n ang buhay mo dahil may isang baby na magmamahal syo forever.. much Love from all mommies here.. 😘😘😘

Magbasa pa

wag mo po ipa abort kasi una ksalanan sa Dios yan, hindi po kayo ang may-ari ng buhay ni baby. kahit kayo po ang nanay. wla pong kasalanan si baby. mahirap po ang kalagayan pero kasi s hormones ng 3 mos preggy mas mahirap. wait po kau until mga 4-5 mos mas clear ang isip. Mahirap man pero tanggapin n lng na kung ayaw nila kay baby andyan ka nmn. Tutulungan ka ng Dios basta lumapit ka sa Knya. Sa pagbabagong buhay itama na din po ang way of life, kasi po ang live in hindi sapat or hindi secure sa pag sisimula ng pamilya. dapat po ay kasal kau. God bless mommy. wag mo sanang palaglag si baby kasi habangbuhay mo po ito pag sisihan at dadalhin ng konsensya nyo po. lahat ng bagay na gingawa ay may consequence po. may ofismate po ako nagpalaglag halos 15y ago na pero dala pa din nya s puso nya ang pagsisisi. saka mommy masakit daw po iyon. :(

Magbasa pa

Hi sis.. Wag ka basta basta magdesisyon ng magsisisi ka sa huli.. Cguro nga nasa maling relationship ka. Pero di ibig sabihin dapat idamay mo yung baby mo.. Mahirap nga yang sitwasyon mo na walang sumusuporta sayo kahit pamilya mo. Pero yang baby mo, blessing in disguise yan.. Cguro step by step gawin mo.. Humiwalay ka sa partner mo, then start a new life.. Kausapin mo pamilya mo, or friends na pwede makaintindi sa sitwasyon mo. Para mailabas mo lahat ng sama ng loob mo at lumuwag pakirmdam mo. Kaya mo yan sis. Wag na wag kang susuko. Mag pray ka lang din. Malalagpasan mo lahat yan. Kailangan ka dn maintndhan ng pamilya mo. Dhil cla ang dapat mag comfort sa kalagayan mo ngayon. Di kahihiyan ang mabuntis sa maling relationship. May mga times cguro na may mali tayong desisyon, pero nsatin pa dn yun kung itatama natin lahat. Hugs for you sis ❤

Magbasa pa

Diba sinabi mo na din na nasa tamang edad kana. Sana naiisip mo kung tama ba yung naiisip mo sa edad mo. Napakarami jan na gustong magkaanak. Pero di mapagbigyan. Sige, kung ipalaglag mo yan sa tingin mo hindi yun kahihiyan sa pamilya mo ? Pwede ka pang mamatay sa gagawin mo at hindi mona maaalis sa pagkatao mo na isa kang mamamatay tao. Eh ano naman kung may anak sya sa iba, na hindi ikaw ang gusto ng pamilya nya. Wag kang patalo sa ganyan. Be positive ,at isipin mo na kaya mo ng wala sila . Yang anak mo ang magiging daan para maging matagumpay ka. Blessing yan . Blessing in disguise kung medyo nahihirapan ka. Isipin mong may nabubuhay sa loob mo, isipin mo na ikaw lang yung pag asa nyang mabuhay. Kaya mo yan . Tsaka ginusto nyo naman yan kaya nabuo. Wala yang kasalanan. Di naman nya hiniling na buoin nyo, tas pag nag away kayo idadamay nyo?

Magbasa pa

Mommy, wag mo ituloy ang pagpapaabort 🥺 Women are born survivors and sobra2 ang strength na binigay sa atin ng Diyos para malagpasan lahat ng challenges. Maniwala ka lang sa sarili mo, na kaya mong mahalin yung anak mo despite of what happened. Maniwala at magtiwala ka na hindi pa katapusan ng lahat, may brighter days pa. Maraming paraan para magsimula, humugot ka sa family or friends mo. Mag usap muna kayo about sa future ng bata, if hindi nyo kaya magsama, atleast masupport nya kayo pareho. Then, when everything's settled, I think that's the time na layuan mo na yung bf mo. I pray for your healing and I hope you'll realize na si baby ay blessing, not a curse or yung magpapa-alala sayo kung ano nangyari. Hinga ka muna, magpray at magkaroon ng 'Me' time. Remember it's all in the mind. A negative mind will never give you a positive life.

Magbasa pa