UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gurl, wag kang paghinaan ng loob pagsubok lang yan... wag mong idamay ang bata, wla xang kasalanan. Masama ang magkitil ng buhay lalo pat Anghel yan, matiis mo bang mawala ang sarili mong Anak. Mas Maswerte k pdin dahil biniyayaan ka ng Anak, may mga taong gustong Magkaanak hindi makabuo. Kung anu man yang pinagdadaanan mo sa Asawa mo, Pabayaan mo nalang xa... Magbagong buhay ka at buhayin mo magisa ang bata, soon Matatanggap din yang Anak mo, Huwag kang papatalo dun sa kabit ng Asawa mo. Dahil kung pa- Abort mo ang bata, mas masahol ka pa sa knila... Maswerte k padin dahil inuuwian ka ng Asawa mo, Smantalang ko Talagang hindi nya hinarap ung responsiblidad sa akin at sa bata. Yang Pagsubok na yan, Ang magsilbi mong lakas... maging matapang kang harapin at huwag na huwag mong Give up ang Anak mo, dahil ayan ang pinakamagandang Regalo ng Maykapal sau. GODBLESS Sis...

Magbasa pa

16 ako nagsimula akong maging nanay sa nephew ko 6 mos kasi cousin ko nanay bigla na lg nawala gustong may mag adapt sa nephew ko pru nd ko kaya ibigay nephew ko. at nang naghiwalay naman cousin ko na lalake sa aswa nya ako naman naging guardian ng 2 niece ko. never ako nagisip na magkakaroon pa ako ng bf o magkakaanak pa ko kasi buong buhay ko nasa pamangkin ko lg umikot ang buhay ko d man ako naging mayaman o nag abroad tulad ng mga kaibigan at classmates ko. May guy akong nakilala at nainlove ako unexpectedly at after 3 yrs binigay sakin ni God baby ko God is Good maam. huwag po kayong mawalan ng pag asa wla po kasalanan si baby bigyan nyu po ng chance anak nyu po.baby nyu po magbibigay ng miracle sa buhay nyu po maam. lahat po ng babae ay mabibigyan ng anak you are blessed to have a child po. Pray lg po palagi God loves you. i will pray for you maam. pls maam

Magbasa pa

Hi momshie. Para sa akin, ituloy mo po yung pinagbubuntis mo kasi blessing yan galing kay Lord. Marami po ang struggling to receive such a wonderful blessing kaso hindi sila mabiyayaan agad. Isa na kami dun sa nahirapan na makabuo.. kaya sobrang thankful kaming mag-asawa na nabigyan din kami ng blessing magkababy after 3 years of struggles. Kaya sana, wag mong maisip ipalaglag yan. Kung napapagod ka na sa partner mo, mas mabuti pong iwanan na lang po siya. Bumalik ka po sa parents mo.. hindi na po baleng sa kanila ka po makakarinig ng mga masasama at masasakit na salita, ang importante kapamilya mo sila momshie. Hindi ka rin po nila matitiis na hindi imikan lalo kapag naisilang mo na po yung apo nila.. Sa una lang po yan mahirap pero sana tatagan mo po loob mo para sa magiging baby mo po. Magdasal ka po kay Lord para magabayan ka po Niya sa tamang desisyon. :)

Magbasa pa
VIP Member

Mommy wag na wag mo ipapa abort si baby. Blessing yan. Makakaya mo bang pumatay ng walang kalaban laban dahil lang sa masasakit na salita na naririnig mo. Paano pag dumating ka sa punto na gusto mo na magka anak pero hindi kana nagkakaroon dahil sa ginawa mo? Maraming babae ang gustong mabuntis, pero di pinagpala. Tapos ikaw na buntis aayawan mo yang little angel sa tyan mo.😭 Trust me mommy, breadwinner din ako, pero hindi nman habang buhay ka magsusustento sa pamilya mo dahil may sariling buhay ka din. Marami pang iba dyan na mas malala ang kalagayan pero nagpakatatag at pinanindigan ang pagbubuntis. Meron nga nagpost dito na grade 9 sya buntis at grade 11 yung jowa nya. Pero ang titibay ng loob at papanindigan daw nila. Ikaw nasa tamang edad kana. Hayaan mo na yung magulang ng bf mo, balang araw, paglaki ng bata magpaparamdam yan sila. Dun kana gumanti sa kanila.

Magbasa pa

Alam mo sis, tama yung mga comments nila dito na dapat wag mo pakawalan si baby kasi Blessing yan kahit ano pa man yang situwasyon na kinalalagyan mo ngayon. If ako nasa position mo its best to give up the man who can't change at all lalo na may ganyang ugali na emotional sinasaktan kaniya at nagawa ka pang lokohin habang nagsasama kayo. Ito nalang tandaan mo na balang araw iaaahon ka ng Diyos sa situwasyon mo at malay natin si Baby magiging way nun. Nalilito ka lang pero for sure di ka pababayaan ng pamilyA mo lalo na si God just trust Him you wouldn't be in that aituation kung walang magandang plano ang Diyos sayo, isa sa pagsubok ni God yan kung gano ka katatag sa kabila ng lahat para piliin ang tama at nararapat. Family is family 👪 kahit anong mangyari di ka nila hahayaan. Gawin mong sandalan ang Diyos at di ka niya pababayaan. Maniwala ka lang sa kaniya. 🙂

Magbasa pa

Sis, naiintindihan kita pero wag mo idamay yung bata. Wala kasing muwang yan sa mundo eh. Alam mo kung ano maganda mong gawin? Panindigan mo, makipag hiwalay ka sa bf mo, sabihin mo sa family mo sitwasyon mo. Imposibleng hindi matangap ng magulang mo yan. Bakit? Kasi apo nila yan. Di nila matitiis yan. Tumayo ka saxsarili mong paa sis. Ang dami kong kilala jan single mom pero proud and loud na sila lang nag susutento sa anak nila at bread winner dn. Wag mo gawin ang ikakapang sisi mo sa future na "sana ganto, sana ganyan" kasi alm mo naman karma is Digital. At buong buhay mong dadalhin yan sa dibdib mo. Mag isip ka ng mabuti. Yan lang advise ko sayo, stand by your own feet. Matanda ka na sinabi mo nga asa right age ka na eh at my work ka. Prayers for you sis para ma enlighten ka. Saka alam mo, yang baby mo pa mag dadala ng swerte sayo sa buhay :) kaya kapit lang sis.

Magbasa pa

Sa sobrang dami kong problema never kong naisip na ipa abort si baby. Lagi kong iniisip na kaya ko kahit sobrang dami kong iniisip, kase alam kong mag ibang pamilya yung partner ko ngayon kahit hndi nya sinasabi saken pero nararamdaman ko na hndi lang kami ang pamilya nya. Alam ko na darating din yung time na iiwan nya kami dahil may iba syang pamilya, never nya akong pinakilala sa mga kamag anak nya kaya nararamdaman ko na may iba syang pamilya. Im currently 8 months right now kahit sobrang hirap tiniis ko, nagpaka martir ako, but eventually alam ko na may darating pang mas better na ibibigay sa amin ni Lord. Just keep on fighting sis. Abortion is not an option. But its up to you. We all have different situation so i wont judge you. But please continue your pregnancy marming mga mommies na pwedeng umampon sa baby nyo, kung hndi mo kayang alagaan ipa ampon mo nalang.

Magbasa pa

"Children are a gift from the Lord; they are a reward from Him." Psalm 127:3 You may feel hurt, tired, wanting to end your life but remember dear, God is with you :) Hindi ka nya pababayaan. Mag pray ka. Yung pain na nararamdaman mo ngayon e walang wala sa joy na paparating pag makita mo na ang baby mo. God has sent you an angel. Be grateful. You are blessed. Wag mong hayaang kainin ka ng nararamdaman mong pain ngayon. Laban tayo. Always look to the bright side of life. Be positive. Habang may buhay may pagasa. Totoo yon. At hindi tayo bibigyan ng Dyos ng pagsubok na hindi naten kakayanin. Pagsubok lang yan. Yakang yaka mo yan. Please keep the baby, you won't regret anything if you do that because that is the right thing to do. In the future, pag nag look back ka sa dark days mo masasabi mong keeping your baby was the most right decision you've ever made. Godbless!

Magbasa pa
VIP Member

Sis mayroon pang mas malala sa sitwasyon mo, wag mong isipin sirain ang buhay mo at ang buhay ng baby mo dahil sa walang kwentang lalaki. Move on, oo napaka hirap. Nakaka gago talaga at alam ko tinatanong mo sarili mo bakit sayo nangyayari lahat ng yan. Umiyak ka sige, murahin mo sya at sabihin mo lahat ng sama ng loob dalahin mo sa kanya. Pag tapos nun sis unti unti buuin mo ulit ang sarili mo. Kaya mo yan, kinaya nga ng ibang babae dyan. Blessing si baby sa buhay mo maniwala ka sakin. Sa lahat ng pag kaka mali na nagawa mo sya yung maiiwan at mag babangon ulit sa pagkatao mo. Hindi pa ngayon, madami ka pang sakit at hirap na dadaanan. But believe me, darating ang araw keeping and loving your child is the best decision na ginawa mo sa buhay mo when you are at your darkest and deepest time of your life. Fight lang sis. Pray and God will always be there for you.

Magbasa pa

Ipapalaglag mo baby mo para lang makalaya sa lalaking paulit ulit na nanloko sayo?! VERY WRONG ka dyan sis! Wala naman kasalanan yung baby mo sa katangahan mo at sa panloloko sayo ng jowa mo! At eto pa kung ayaw ng byenan sa baby mo edi wag nila mas masarap mag alaga ng baby pag walang byenang pakilamera, at yung jowa mong bugnutin hiwalayan mona yan baka mamaya pag buhatan kapa ng kamay lalo pa at buntis ka! And tutal may maayos ka namang trabaho mag ipon ka para sa pag papaanak mo and sa needs ng baby mo alam ko mahirap mag buntis pero PROMISE mumsh sa una lang mahirap yan pero pag nakita mona yung bunga ng paghihirap mo i mean pag labas ng baby mo WORTH IT lahat ng pagod at stress na dinadanas mo ngayun 😇🥰🙌 syaka malay mo mas pogi/maganda yung baby mo kesa dun sa kabit ng jowa mo HAHAHAH 😆 😂 basta mumsh fight fight fight lang 🥰😊💪

Magbasa pa