UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

If I we're you sis. Itutuloy ko pa din ang pinagbubuntis ko, pero iiwan ko na yang lalaki na ganyan. Hindi solusyon ang pag abort ng bata para makalaya ka sa problema mo o sa bf mo. Pwede ka naman lumayo sakanya at itaguyod mag isa ang anak mo nang di humihingi ng tulong sakanya. Kayanin mo para sa anak mo. Anak mo yan eh. Tsaka akala mo ba kapag pina abort mo yan, makakalaya ka? Hindi. Kasi habang buhay kang makukulong sa konsensya. Pabayaan mo na yung lalaking nakabuntis sayo, wag mong ipilit kung hindi mo na kaya o kung pagod ka na. Mas mahalaga yung baby na dinadala mo kesa sa iba. Kaya mo yan sis. Sabihin mo din sa family mo. Tanggapin mo nalang lahat ng masasakit na salitang sasabihin nila. Ganun talaga eh. Pero wag mo iabort yung baby. Blessing yan. Hindi lahat nabibiyayaan. Yung iba ngang teenager palang at estudyante na nabuntis, pinaninindigan nila eh. Ikaw pa kaya. Isipin mong kaya mo. Magpakatatag ka para sainyong dalawa ng baby mo.

Magbasa pa

Hello sis. Gusto ko.lamg sabihin na hindi lahat ng babae ay biniyaan magsupling at biniyayaan man, hindi naman nagtutuloy ang iba. Sa situation mo ngayon, dinidiscourage kitang isipin lahat ng hindi maganda para sayo at pra sa bata. Hindi ko alam kung gaano yan kabigat pero sis, iconsider mo na blessing yan at sa dinami dami ng mga angels sa langit, ikaw ang napili nyang maging mommy dito sa Earth kasi alam nyang maging mabuting kang mommy para sa kanya. Mahirap ang situation mo at yubg mga bagay na naexperience mo ngayon sooner or later magiging thankful ka bakit nangyayari sayo yan. Nagiging bulag lang tayo dahil sa evil thoughts natin, kaya di natin nakikita yung brighter side sis. Im praying na makayanan mo ang situation mo and hayaan mong maging tao ang angel na nasa tyan mo :) mas ibebless tayo kung mabuti ang ggawin natin sis at mapapasama tayo kung msama rin ang gagawin natin. Kaya mo yan sis. God bless your mommahood journey

Magbasa pa

Hi, sis. I don't know how it feels like to be in your situation, so definitely, I am in no position to judge. Pero kasi, your partner sinned against you and the baby has nothing to do with it. You might end up regretting kung gagawin mo yang iniisip mo not only because will you commit a big sin but also because that life inside your womb is God's gift and part of His plan for you. Hindi lang naman dugo ng bf mo ang nananalaytay sa bata kundi sayo rin. Your baby relies on your life decisions and one wrong choice can lose him/her forever. Ang dami kong kilalang single mom na masaya pa din lalo na kapag nakahanap na sila ng bagong lalaki na bubuo sakanila. You may lose the guy but you still have something priceless with you and that's your child. No judgement here, just a piece of advice. I hope you get to clear your mind and decide against abortion. God will heal your pain and will guide you along with your pregnancy. Just pray!🤗🌷

Magbasa pa

hi momshiii.... im 22 yrs old and 22 weeks pregnant ... wala naman kming ibang mapapayo kundi ipagpatuloy mo si baby😊 ... kung nasasaktan ka na sa pagsasama niyo ng bf mo.... hiwalayan mo na... lalo na may ibang babaeng involved ang worst buntis din . wala kng ibng dapat isipin kundi ang baby ano man ang dahilan ng nagpapahirap sa kalooban mo... hindi k din nmn pababayaan ng magulang mo... given na na makakarinig ka ng masasakit na salita... pero di ka pababayaan ng mga yan . may maayos k nmng trabaho kaya mong sustentuhang mag isa baby mo or humingi k sa tatay ... dahil obligasyon p din niya yan .. madaming way para buhayin ang bata... wag yung sarili mo lng ang isipin mo... . swerte mo at may trabaho ka... eh ako ngang nagbubuntis wala tlgang source of income.. sobrang stress din nung una pero never kung naisip ipalaglag yung baby... . . mag pray ka lng ng magpray kasama mo siya lagi di ka niya pabababayaan.. .

Magbasa pa

wag po please! maawa ka sa baby😭 wag mo siya idamay ate, pakiusap nakakaawa ang bata, layasan mo ang bf mo sa ganon eh makalaya ka, naiintindhan kita pero lahat ng sakit na nararamdaman mo mapapawi lahat yan lilipas din ang lahat, bastat isipin mo lage na kakayanin mo lahat ng yan para sa anak mo. gawin mo syang inspirasyon ate. isang araw masasabi mo rin na tama ang naging disisyon mong di siya inilaglag dahil siya mismo ang magpapasaya sayo at papalitan niya lahat ng sakit na dinanas mo, siya ang papawi lahat ng yan ate basta isipin mo lang siya. wag kana magpaka tanga sa lalakeng yan. umalis ka nalang at kamlimutan sya ,anak mo nalang ang gawin mong tulay upang mkatawid ka mula sa sakit papunta sa kalayaan at kasihayaan...😊 22yo lang ako at 5mos preg, naawa ako sa bb mo at parang ako ang nakokosenya kaya sana mabasa mo to. magdasal ka lang at ipaubaya ang lahat sa panginoon at ang lahat ng yan ay makakayanan mo din.🙏

Magbasa pa

Sis blessing ang baby walang kasalan ang bata kaya wag mong ipalaglag . Ako maaga akung nabuntis pero di nasagi sa isip ko na ipalaglag dahil walang kasalana ang bata. Kung ayaw mo sa boyfriend mo hiwalayan mo hayaan mo siya palakihin mo yung bata nang mag isa total may trabaho kana oo hindi madali ang sinasabi ko sis pero wag munamamg idamay yung baby😔. Kung takot kang malaman ng pamilya mo na buntis ka harapin mo ginawa niyo yan natural may bunga at isa pa talagang magagalit sila pero sa una lang yan. Sis wag na wag mong ipalaglag maraming single mom sa mundo hindi ka nag iisa. Wag mong ipilit yung sarili mo sa taong saktan ka sa salita baka di natin alam may tinatago pa siyang masamamg ugali. Advice kulang yan sis. Pero wag na wag mong ipalaglag ang baby maraming gustong magkaanak ngunit di sila na biyayaan. Blessing yan sis trust me pag yan lumabas hindi ka mag sisisi. God blessed you and pray always kay God Sis💙💖

Magbasa pa

Alam ko po na mahirap ang sitwasyon mo. Naiintindihan po kita kung bakit mo naiisip na ipalaglag anak mo pero sana po gawin mo siyang motivation para lumaban sa buhay. Blessing po ni Papa God ang mga baby/babies na binibigay sa atin kasi alam Niya na magiging mabuting magulang tayo para sa kanila. Everything happens for a reason pero di po reason ang abortion para matapos lahat ng mga pinoproblema mo. Malay mo po siya pala ung magdadala ng swerte sa buhay mo kasi gift siya ni Papa God. Isipin mo po ang balik ng karma kung gagawin mo po un. Iwan mo na lang po bf mo kasi di na po magbabago yan. Twice na pala niyang ginawa yan sayo. Meron naman po mga institutions na nag gaguide sa mga nanay na may pinagdadaanan. Learn to vent out your feelings pero wag po tayo gagawa mga desisyon lalo na kapag extreme ang emotions natin. Always pray po. Wala pong pagsubok na binibigay si Papa God na di natin kaya. Kapit lang po tayo sa Kanya.

Magbasa pa
VIP Member

Sorry to say pero walang magpapayo dito na sige ituloy mo yang pagpapalaglag mo. Kung anong nangyayari sayo ngayon ay kagustuhan mo. Imortal na kasalanan ang abortion. Kung tutuusin kayang kaya mong lumaya sa lalaking sinasabi mo kung talagang gugustuhin mo. Umalis ka, iwan mo sya. Buhayin mo ang anak mo. Di matatanggap ng pamilya mo dahil bread winner ka? Ipaliwanag mo ng maayos sa kanila. Na pag nanganak ka gumaling ka lang ng konti magtatrabaho ka naman ulit. At di mo naman sila pababayaan. Nasasabi mo lang yan ngayon kasi galit pa sila. Oo nga at di nila matatanggap sa una. Pero pag nakita nila ang baby mo, mawawala ang galit nila maniwala ka sakin. Tandaan mo sis, walang kasalanan ang bata. Kung hindi mo talagang alagaan. O ayaw mo lang talagang alagaan dahil galit ka sa tatay. Buhayin mo, ibigay mo sa alam mong mapapabuti sya. Kasalanan din ipamigay ang anak. Pero mas kasalanan ang patayin ang sarili mong anak.

Magbasa pa

Naku ate..wag po...unang una ,ikaw na mismo nagsabi na kasalanan sa Dyos ang pagkitil ng buhay...pangalawa kayo po ang gumawa sa kanya kaya nasasayo sya nyayon, pangatlo walang kasalanan ang bb mo sa kasalanan ng TARANTADO MONG ASAWA! pang apat , binigay sayo ny Dyos ang bb na yan at ang pagsubok na yan para matuto at magising ka sa katotohanan,pang lima,wag mo pong isipin ang sasabihin ng iba,may trabaho ka nman ,may trabaho asawa mo,hiwalayan mo po asawa mo pero wag na wag kang papayag na di nya sususustentuhan ang anak nyo,pang anim pang binuhay mo anak mo ,malakas ka kasi hinarap mo pagsubok sayo ng Dyos,at mahirap man kinaya mo ,pag nakita mo baby mo msasabi mo nalang sa sarili mo na kakayanin mong lahat para sa bb mo at maipamumukha mo sa asawa mong walang kwenta na kaya mong magisa kahit wala sya..at paglaki ng anak mo proud na proud sya sayo kasi pinalaki mo sya ng maayos at may pagmamahal mo kahit di kayo buo ..

Magbasa pa

Hello sis...oo masakit tlga kpag malaman mo my karibal ka s taong minamahal mo at buntis dn gaya mo,Pero hindi ibig sabihin non katapusan n ng mundo..Isipin mo nlng ung baby mo which is ung pinaka magandang blessings n nangyari s buhay mo....Lalaki lng yan sis....hindi sya ang right guy pra sau,kc kung tlagang mahal at may respeto sau yang guy never sya mag cheat sau..Kayanin mo para sa mgiging anak mo at sa sarili mo sis...Tandaan mo lhat ng problema dumarating yan sa tao..hindi tau bbgyan n Lord ng pagsubok n d ntin kyng harapin..Mag pray k n bgyan k ng lakas at tibay ng loob pra harapin ang pgsubok n dinaranas mo ngaun...kalimutan mo ang guy n yan...U deserve someone na mamahalin k at tanggap ang baby mo...in right time.... just always pray to God...always remember ireject k man ng lahat ng tao pero c God never nya tau i rereject..He is always there for us!! I pray for u and ur little one's!😊♥️ GodBless You!!

Magbasa pa