UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ituloy mo lang pagbubuntis mo sis. Gift from God ang pagkakaroon ng baby. Madami gusto magka baby pero di nabiyayaan. Yung iba nagpalaglag pero ang nangyari di na nagkaanak at nagkasakit pa sa matris dahil sa result ng paglaglag. Kaya mo yan, basta mag ask ka lang ng help either family or friends, kahit anong pagsubok lilipas din yan basta wag kang bumitaw ask help specially talk to God and he will provide everything. Pwede naman pag nanganak ka na pabantayan mo baby sa mother mo tapos continue work ka pa din. Mas kawawa ang baby pag di mo bigyan ng chance to see the world and to love you more than anyone else. Di mo pagsisihan magka baby dahil sya mag provide ng love na di mo makuha sa bf mo. Besides, makakahanap ka din ng right person for you if you are single. So di lang baby mo magmamahal sayo pati yung right person na i provide ni God sayo. Wag mo na isipin bf mo, be happy for him and you find happiness within yourself and the baby. God bless sis, will pray for you and baby.

Magbasa pa

27 years old din ako ngayon mag 3 months buntis din ngayong buwan,yung partner ko na parang bula biglang nawala,di marunong komontak,alam ko nmn kung san cya ngayon pero ayokong humabol,marami nakong natanggap masasamng salita galing sa kuya ko,walang suporta ang mama ko,wala rin akong income pero pinagsisikapan kung makakaya ko yung sitwasyon ko ngayon,mahirap din sitwasyon ko sobrang hirap walang pamilyang malalapitan wala yung partner ko na dapat katuwang ko,dun ako kumokuha nang lakas sa baby ko,kahit hirap nang sitwasyon namin at stress,kapit lang baby mahal kita,,pray lang ako nang pray na makakaya ko lahat at nang baby ko..kaya ikaw sis kayanin mo rin para sa baby mo,sa ngayon di pa nila pattanggap ng pamilya mo yan pero darating ang panahon ookay din yan..hanap nalang ng diskarte para magka pera,wag mo na isipin live in partner mo,pariho lang cla nang partner ko,pasarap sa buhay ang hanap..i thank god binigyan nya ko ng baby kahit ang hirap ng sitwasyon ko

Magbasa pa

We have the same story,not totally all.. As an advice sis.. Ituloy m Yang pagbbuntis m, it's more than a blessings from god.. Just always remember Hindi nman yan bbigay stin kung d ntin kaya dba, wag m isipin ung ssbhin sau ng ibang Tao.. Ung unahin m ung sarili m at anak.. D lang ikaw ung gnyan, marame p ngkgnyan, me I got pregnant at 17 now I have 11 years old son.. D kmi nagkatuluyan ng dadie nya as same story as urs.. Wag u magalala always pray to god at lakasan m loob m gmitin m anak m as ur inspiration sis.. Trust Me, magiging happy at the end.. Nobody's perfect but make ur self perfect as a mother n gwin kung anu ung tama, at labas ung baby m s anu mang galit n meron k s loob m.. Now I'm having my second son at 7mos nakatagpo ako ng lalakeng pinahalagahan d lang ako pati ung anak q at pinakasalan ako... U can find urs too also.. Believe me! Ders a reasons in every story.. Now I'm truely blessed and contented plus I'm happy... 😊😊😊

Magbasa pa

Wag please, by all means, please don't do it. Alam ko magulo isip mo pero sa mga ganitong moment, pray ka. Toxic yung partner mo dahil sa mga ginagawa nya sayo so tingin ko mas okay na humiwalay ka sa kanya pero wag mo ihiwalay ang baby mo sayo. Yung support pwede mo yan ilaban para maobliga sya magbigay ng support sayo. Yung sa family mo, sa una lang yan na magagalit pero eventually matatanggap ka nila dahil family mo sila, at kung ikaw ang breadwinner, kahit papano naman bibigyan ka naman siguro nila ng moral support bilang nagagawan mo naman sila ng good deeds nung di ka pa buntis. uwi ka nalang sa family mo sa ganitong sitwasyon dapat sila maging kakampi mo. also, yung binigay na sitwasyon sayo, malalagpasan mo yan basta pray ka. i have a friend na kapareho din ng sitwasyon mo, halos sabay sila buntis ng kabit at mag isa lang sya tapos palagi sya minumura mura nung guy, pinanindigan nung friend ko pagbubuntis nya kahit mahirap at ngayon happy sya sa anak nya

Magbasa pa

SELFISH KA!! NAPAKA SELFISH MO!! Ginusto nyo naman siguro magSex di ba? Ginusto mo rin yan eh.. MAHAL MO NAKA SEX MO!!! ako nga RAPE VICTIM eh.. SEX SLAVE FOR ALMOST A YEAR ng isang pakistani nung nagtatrabaho pa ako sa dubai. Binubugbog nya ako, pinagtatangkaan akong papatayin kasi may baril sya.. Umuwi ako sa pinas 7months na tyan ko. WALA AKONG BOYFRIEND pero ang madalas na tanong ng mga tao sakin "sino ang ama nyan wala kang asawa o bf". Halos lumubog ako sa kahihiyan!! HINDI AKO SUMASAGOT kasi ayoko malaman nila na nirape ako kasi magiging problem un sa magiging anak ko sa future. Palagay mo yang problema mo ay sobra sobra para PUMATAY KA NG BATANG WALANG ALAM SA NANGYAYARI?!! Ang SELFISH MO! napaka SELFISH MO!!!! Sarap mong sampalin, sabunutan at patayin!! Ikaw kaya patayin ng di mo alam kung bakit?!! Dahil lang sa may iba yung kaLive in mo gagaguhin mo buhay ng anak mo!?? ANG SELFISH MO!!!!! Wala akong ibang masabi kundi NAPAKA SELFISH MO!!!!!!!!!

Magbasa pa
6y ago

Momsh, para sa anak ko kakayanin ko lahat.. Lahat ng kahihiyan, lahat ng panlalait ng iba.. Wala akong pakelam dun basta importante sakin kalusugan ng anak ko. Dahil dun, andaming sumusuporta sakin lalo na family at mga churchmates ko.. ATM contracting na po ako. 40weeks 3days 😊💪 sana nga po mabasa nya ito..

Hiwalayan nyo PO Yung lalaki and I continue mo PO Ang baby kasi PO Kung ano man Ang nangyari sayo ngyon my dahilan PO so GID c baby Ang mahuging strength mo sa lahat be positive nalang PO para sa baby at sa pag heal NG nararamdamn mo unti-unti.. sa una magagalit at madidisapoint Ang family mo pero buhay mo at NG baby pinaguusapan dyn matatangap k din nila and may work k nmn PO Hindi ka PO pababayaan Ni GOD KEEP TRUSTING HIM MAS MAY MAGANDANG NAKALAAN SAYO SI GOD.. mas mahirap PO Ang magsisi sa Huli buhay PO Yan NG baby mo at sayo pwede may nangyari kpg NG paabort ka PO kaya PO instead n palaglag so baby opag pray mo ky GOD na bigyan k NG guidance para makayanan mo PO Ang lahat kasama na Ang journey nyo Ni baby.. Sana PO ituloy nyo PO pagbubuntis mo ky baby.. marami PO naghahangad mg kaanak ikaw PO biniyayaaan k NG baby khit n Hindi magndng sitwasyon pero binigyan k nya NG lakas n paghuhugutan para lumaban sa sitwasyon nyo po.. GODBLESS YOU AND TO YOUR BABY..

Magbasa pa

Yung kahihiyan na iniisip mo na mararamdaman ng pamilya mo, ilang linggo o buwan lang lilipas din yan at pwede kana ulit magpatuloy sa buhay pero kung pinili mong ipalaglag yung bata habang buhay kang guguluhin ng konsensya mo. Mag pray ka lang. Problema ang tinatapos hindi ang buhay. Kung akala mo matatapos yung problema mo pag pinaabort mo yung baby mo, dun ka nagkakamali mamsh, lalo lang madadagdagan yung iisipin mo, lalo lang bibigat yung pakiramdam mo, lalo ka lang mamomroblema sa ginawa mo. Kaya please maawa ka sa baby , siya nalang yung gawin mong lakas kung nanghihina kana sa mga pagsubok na pinagdadaanan mo. Hindi ka magsisisi pag lumaki yan kasi may katuwang kana kahit wala kang asawa meron ka namang anak na maipagmamalaki at for sure ipagmamalaki ka rin niya bilang nanay kasi nabuhay mo sya kahit ikaw lang mag isa. Accept and always be positive. Tandaan mo maraming tao ang mas mabigat pa ang dinadala kesa sa pinagdaraanan mo. Kaya pray lang mamsh.

Magbasa pa

Hi sis a piece of advice lang ha, natouch ako sa story mo😇 wag mo idamay si baby sis blessings yan, baka naman kasi binigyan ka ni God nang baby kasi diba nga sabi mo mahal na mahal mo bf mo, kaso babaero siya at diba sabi mo gusto mo na humiwalay sa kanya kaya yan si baby dumating siya sa buhay mo kaya anytime pwede ka na humiwalay sa bf mo at ibuhos mo lahat ng pagmamahal mo sa magiging baby mo,, kung iniisip mong ikaw ang bread winner sa family niyo eh ako nga bread winner din pero tanggap nila ako nung nabuntis ako sa katunayan todo suporta sila ngayon sakin, kaya ganoon ka din sa umpisa magagalit sila pero sa umpisa lang yan, huhupa din galit nila dahil walang magulang na hindi makapagpatawad sa anak. At kung inisip mong hindi ka na makapagtrabaho, sa ngayon lang yan hindi ka na man habang buhay buntis at lalaki din naman yang baby mo, gawin mong inspirasyon si baby. Wag mo ipalaglag dahil lahat nang nangyari sa atin may dahilan.😘😘😇😇

Magbasa pa

Sis wag ka mag atubiling lumapit sa magulang mo oh family mo kht ano isipin o sbhn nla sayo n masakit tanggapin mo lng sis in the end CLA lng Ang mllapitan mo lalo n parents mo sila Ang una mkka intindi NG kalagayan mo sis wag kna dun sa side ng llke yutal ayaw nla sayo at sa baby mo mas gusto nla Yung Isa tayagan mo sarili mo ipkta mo s knla na kaya mo sis 27 years old kna aq din bread winner 7 kme mg kkaptid 18 years old lng aq nag aswa baby pa bunso nmen Ang hirap din NG buhay nmen nuon, pero kaibgan lng nten aq KC tanggap NG side NG aswa q ,,(pero blik Tau sayu haha) kaya mo Yan sis una Kang lumapit sa parents tanggapino lhat NG masasakit n bbgay nla sayu KC andyan n yan magulang mo CLA Kya maiintndhan k nla ,then dun sa jowa mo tnungin mo xa Kung pnu kayu sa sitwasyon nyo tutal mas pabor am pamilya nya dun sa Isa edi hiwalyan mo nlng ,, itaguyod mo nlng Yung anak mo kesa ganyan plgi k Rin nman nssktan kasma xa pray ka lng sis kaya mo Yan

Magbasa pa

hi sis. best thing to do is makipag hiwalay kana, hinde ka nyan mahal knowing na same girl din ung babae nya at sabi mo nasasaktan ka nya.. wag mo ipalaglag yan kawawa ang baby mo😭 . kaya mo yan madaming single mom jan na kaya nila kahit pa madami pa silang anak. isa lang yan sis kayang kaya mo yan.. mawawala din yng pag mamahal mo jan sa lalaki nayan di nila deserve mahalin at maging ama wala xang respeto. ibuhos mo ang time mo jan sa baby mo sis . alam ko madali lang to sabhin pero ganto din nangyare sa mother ko sa 1st husband nya lima anak nya dun pero kinaya nya hanggang sa nakilala nya papa ko😍 tinanggap namn xa at kinaya nya.. kaya alamnko kaya mo din.. 27 kana sis at magpapamilya ,wG mo isipin ang sasabhin ng pamilya mo hinde ka nila inanak para bumuhay sa knila,ok tumulong pero wag iasa sau, may buhay kadin sis. kung mahal k nila matatanggap ka nila. wag mo intindihin sasabhin ng iba, di ka mabubusog sabpanghuhusga nila. Kaya mo yan sis .

Magbasa pa
5y ago

kaya yan sis . lalaki lang yan . pakatatag lang. mahinang lalaki mga tulad nila .. gingwa lang nila parausan babae mga bagay na nakakalungkot.. sa panahon ngayun bawal n marupok😊 ..