UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

It's a blessings po sis ung baby mo. Kung ano man ung naeexperience mo ngaun, pls b strong. Of course ur afraid to face all the consequences since new experience pa lang sau ung mgkaron ng baby. Di maganda ung mga nangyayari sa paligid mo. Walang kasalanan ung baby sa tyan mo sis. Just show the guy na kaya mo. Na hindi sya kawalan.. your family will accept the baby. Just explain everything honestly. Family mo pa din yan, sa una normal na makarinig ka ng hndi magagandang salita. Accept it all. In a first place nsa tamang edad ka na. Sis hndi lng ikaw ung may ganyan situation ngaun. Mdami jan iba mas malala pa but pinili nila na icontinue the pregnancy. Dont do things na pagsisisihan mo sa huli.. :) Just to share, im a single mom. I raised my daughter alone.. kala ko noon hndi ko kaya pero nagawa ko. Oo nakakatakot sa una pero isipin mo n lng na lahat ng sacrifices mo pra sa anak mo.. kpg lumabas at lumaki n c baby, mkita mo p lng ngiti ng baby mo.. its priceless.. kht anong hrap at pagod mo mawawala.. :)

Magbasa pa

DON'T EVEN TRY THAT. KASALANAN KAY GOD YUN AT MAY BUHAY NA YAN. dumating din ako sa ganyang point nung 3 months preggy din ako kasi yung bf ko puro paghihinala na may iba ako kahit wala. na contact ko kapatid ko and guess what, pinapauwi na lang nya ko wag ko lang ipalaglag yung baby, sya na daw bahala basta buhayin ko at umuwi ako sa amin. please be strong kailangan mo sya i-keep, hindiman para sa bf mo or sa sarili mo tandaan mo blessing yan. ilagay mo na lang yung posisyon mo sa posisyon ng baby mo, kung ikaw yung baby sa tyan mo tapos yung mommy mo nasa katayuan mo then na ffeel mo na parang gusto kang ipalaglag ng mommy mo tingin mo ba hindi ka masasaktan don lalo na't baby ka palang at nasa tyan pa, you're just a 3 months old fetus at wala kang magagawa para pigilan ang mommy mo na ipalaglag ka, isipin mo yun. yun ang ilagay mo na situation sa isip mo, how would you feel? pray ka lang and maniwala kay GOD he has a good plan kahit hindi tayo mababait na nilalang nya he still love us maniwala ka lang

Magbasa pa

For me, wag mong idamay si Baby sa problema nyo first of all wala naman syang kasalanan at isa pa gift ni GOD yan sayo sobrang daming babae na gusto magkaanak. Yung situation nyo nung BF mo kung ganun hayaan mo na sya let him go, kung ayaw sa inyo nung pamilya nya wag mo ng isipin yun (madaling sabihin para sa amin) pero kase kung ipapalaglag mo si Baby sobrang nakakaawa naman wala naman syang kamalay malay sa mga nangyayari sa inyo, kung kaya mo naman syang buhayin mag isa, hayaan mo syang mabuhay. Isipin mo na lang yung magiging baby mo kase sya lang yung tanging magiging kakampi all the time, at kung nahihirapan kana pahinga then laban ulit at wag mong kalimutan tumawag kay GOD๐Ÿ˜Š. Para naman dun sa BF mo di sya tunay na lalake hayaan mo nalang sya, kapal kapal ii di marunong makuntento sa isa hays gigil nya ko๐Ÿ˜ก. Basta Sis wag mong hayaan maapektuhan si Baby mo, hayaan mo syang mabuhay at mahalin mo sya ng sobra kase yan ang magiging swerte mo sa buhay๐Ÿ˜Š Laban lang sis malalagpasan mo din yan.

Magbasa pa
VIP Member

Una sa lahat, kalahati ng bata ay ikaw. Pangalawa kaya mo mag work, pangatlo nasa tamang edad kana na sinasabi mo pang apat hindi ka naman teenager paraul mag isip na magpalaglag pa. Buhayin mo anak mo sis, ibbless at gagabayan ka ni God higit pa sa deserve at need mo. Wag mo isipin ang kahihiyan sa ibang tao. Buhay at kalusugan mo din pinag uusapan dito, hindi madli magpalaglag para sa kaalaman mo. I binigay yan sayo kaya dapat mong kunin.. may mga tao na mas mabigat pa problema keysa sayo, ikaw nga may choice ka na iwan yan kasi pinag bubuntis mo palang mgiging anak niyo how about sa mga may mga anak na navmarami pa. Pero nagiging malakas sila. Makakaya mo, wag ka panghinaan ng loob.sa araw araw na lalaki ang tiyan mo marerealize mo na tama na buhayin mo ang magiging anak mo. Yan ang magiging lakas mo sa lahat. Makakaya mo siya buhayin at gabayan kahit wala siyang ama. Wag mo maliitin sarili mo na dimo kaya, dahil makakaya mo lahat. Wag ka magdalawang isip na humingi ng gabay at ipasa Diyos lahat...

Magbasa pa

Ok lang mag buntis ng walang ama ang bata, lalo na pag ganyang klasing lalaki.. May karma rin yung lalaki na yun. Isipin mo maraming SINGLE PARENT jan. Kung kaya nila, kaya mo rin.. Speaking of single parent.. Ako naging single parent din ako pero d rin nag tagal biniyayaan din ako ni God ng lalaking makaka sama ko sa buhay๐Ÿ˜Š tanggap ako kung ano at sino ako Pati ank ko. Di pa huli ang lahat, bata kapa at mas makakahanp kpa ng mas better jan sa lalaking babaero na yan! Actually same situation tyo e. Pero mas pinili ko na maging single parent na lang kumpara sa mkisama sa lalaking walang kwenta! Sakit sa ulo yan.. Tatanggapin ka nmn ng pamilya mo don't you worry ๐Ÿ˜Š at mgiging masaya ka ulit. Kumbaga back to normal ng life mo. I know, madaling sabihin na dapat may tatay yung ank mo, pero isipin mo rin kung gnyan nmn yung lalaki may babae pa sya? Sa madaling Salita alam nmn ntin sa story mo mas important sa knya yung kabet kesa sayo. Sorry to say ha. Pero kaya mo yan ๐Ÿ˜Š baby is a gift from God ๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

Sabi nga kung sino iyong nagawan ng masama at kung sino iyong patuloy na tumatayo sila ang mananalo sa huli. Huwag ka paapekto sa lalaki na yan. Ituloy mo si baby. Para mas lalo kang may right na maghabol ng sustento takutin mo merong tulfo at batas. Hindi rin natutulog si Lord alam niya ano nasa heart mo. Blessing si baby guwag mo bigyan ang sarili mo ng isang bagay na ikaw din mismo magsisi sa huli. Hindi maganda na madamay ang bata. Maging matapang ka para sa kanya. Malaki ang right mo maghabol. Hindi para sa acknowledge ng pamilya niya or kung sino man din sa pamilya. But ikaw as mother ng baby ano iyong tama para sa kanya. Kaya kung ako sa iyo huwag mo na ituloy yan LALAKI lang yan. Iikot ang mundo makikita mo lahat ng good thing na mangyayare sa inyo ni baby kahit wala siya. At kung ano man mangyari sa kasasadlakan ng lalaki na yan. Makikita mo lahat ang karma na dadanasin niya. Been there inalis ko iyong galit sa puso ko nagpray ako. And now alam ko protected ako ni God. Pakatatag ka mommy kaya mo yan

Magbasa pa
4y ago

Tama ka jan kaya ngayon ang ama ng anak ko habol ng habol samantala dati ni kumusta wala kc alam niyang nhihirapan ako sobra . Pero ngayon na ok na kmi ng anak ko grabi lagi ng nangungumusta kya hnd ko narin pinapansin . Ayaw ko ng balikan nkaraan ko na walang kwenta ..

Hi sis, alam ko hindi madali pinagdadaanan mo now pero para sakin lang kung ikaw ang breadwinner ng pamilya mo how come na nabubuhay mo family mo hence sarili mong anak hindi mo kaya. Naiisip mo lang yan kasi nasasaktan ka pero kaya mo yan sis. Kaya mo nga sila buhayin e. Wag mona isipin sasabhin ng iba. Isipin mo baby mo sa ikaw. Kung di ka sususportahan ng family mo wala din silang karapatan tumanggap ng suporta from you. Dpat tulungan lang. Kung tinutulungan mo sila, natural lang na tulungan ka nila on your pregnancy and baby. Yung bf mo kung ayaw sayo ng family let him go, wag mo paikutin mundo mo sknila. Alam ko madaling sabhin para sakin pero sis kelangan lakasan mo loob mo. Makakahanap ka din ng right guy for you kahit pa may anak kna. Pray ka lang sis. And alagaan mo si baby. Hindi man mawala ngayon ung pain eventually mawawala din yan at sasaya ka din sa tamang tao or kahit wala pa ung makakatuwang mo magiging masaya ka din sa baby mo. Sya nalang muna isipin mo for now ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Sis sabi mo wag ka muna husgahan diba. Pwede na ba?? Tapos na ko magbasa so pwede na? Sorry sis ha. Real talk lang tau dito. Alam ko possible ka magalit sakin pero ito ung totoo kaai dapat mong malaman ung totoo. SELFISH KA inuuna mo nararamdaman mo kesa sa buhay na binigay ng Dyos sayo. Pag nawala ba sau yang bf mo mamamatay ka??? Lalake lang yan. Yang nasa tyan mo bata! Ako 10 taon bago nagkaanak at ngaun 7mos preggy ako hirap na hirap ako sa pagbubuntis. Kahit na ganito need ko pa rin magtrabaho. Pero kinakaya ko para sa anak ko. Tapos ikaw broken hearted lang ganyan na naiisip mo?? Eh ano ngaun kung ayaw sayo ng pamilya nya? May kwenta ba un sa anak mo? Ang may kwenta sa anak mo ay YUNG AYAW MO SA KANYA KASI BROKEN HEARTED KA. 27 yrs old ka na sis. Alam mo ang tama at mali. Pasensya na kasi for me hindi dapat tinatanong yan. Ang ineexpect kong kwento mo undecided ka kasi possible malagay sa risk ang buhay mo at buhay ni baby kaya hindi mo alam kung kaninong buhay una mong isasalba.

Magbasa pa
5y ago

Kaya nga eh . sa totoo lang di ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko pag lumaki na sya yung sitwasyon namin ng tatay nya, ngayong ipinag bubuntis ko pa nga lang nag iisip na ako kung anong paliwanag gagawin ko hahahaha napaka aga pero mas maige ng pag handaan na ..

I know itโ€™s hard for you to decide pero one thing is for sure, abortion will not solve your problem. If you think na hindi mo kayang patawarin for now yung partner mo, then you donโ€™t have to. Take time to heal, sis. Para sakin, hindi mo dapat gawing reason yung baby just to stay sa relationship nyo kung ganyan naman nararamdaman mo at kung ganyan ang situation. Alam ko mahirap magpalaki ng bata mag isa and I know iniisip mo na hindi matatanggap ng family mo, pero belive me, they will. Ako, akala ko itatakwil na ako ng parents ko after nila malaman na buntis ako, but they didnโ€™tโ€” may sama ng loob sila sakin pero nung nakita nila yung baby, natuwa pa din sila. Breadwinner din ako sis, I still support my family and I know how hard it is na mag budgetโ€” at mas humirap nung nagka baby na ako. Isipin mo na lang sis na blessing si baby saโ€™yo, maybe hindi mo pa maiisip yun ngayon, pero soon makikita mo na worth it kung bubuhayin mo sya. Trust in the Lord, sis. He have better plans for you.

Magbasa pa

'MAMA WAG NAMAN PO PLEASE, PARANG AWA MO NA' .. malamang kong kaya ng magsalita ng baby mu sa tyan , yan ang sasabihin .. isipin mu ung buhay na sasayangin mu ate .. na wala namang kinalaman sa kasalanan ng mga taong kuniktado sa kanya .. ung mga sasabihin ng ibang tao , ung sasabihin ng pamilya mu , wag mu ng intindihin .. lilipas din yan .. jusko ate , nakakadurog lang ng puso ung mga ganyang sinaryo na pinapalaglag ang mga baby .. kc kung ikaw ung bata , wala kang kalaban laban , ndi ka pa nga naisisilang , hinatulan kana agad ng kamatayan kahit wala kang kasalanan .. dba ?! kung ako sau ipagpatuloy mu yan .. ang sarap sa pakiramdam ng may anak lalo na sa side nating mga nanay .. kung ndi ka susuportahan ng tatay ng baby mu , isipin mu nalang , ndi naman yan ibibigay ni god kung ndi mu kaya .. please ate , wag mong ituloy ung binabalak mu .. sobrang nakaka awa ung bata .. kung ndi mu naman talaga kaya buhayin , ipaampon mu nalang .. wag na wag mu lang ipalaglag .. sakit sa dibdib sobra ..

Magbasa pa