UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies

Blessing yan momsh 🙏🏻 lahat ng baby alam mo yan. Oo nahihirapan ka ngayon pero mawawala dn lahat ng hirap kung gagawin mo ang tama. Undecided ka ngayon sa lahat ng bagay naiintindihan namin yun. Pero hayaan mo munang mabuhay ang baby mo bago mo sabihin na hindi mo tlaga kaya kasi kaya mo yan momsh! Alang alang sa bata. Binigay sayo ni lord si baby dahil may dahilan siya di mo man makita at maappreciate ngayon darating ang araw maiintindihan mo dn 🙏🏻 stand on your own na momsh kung feeling mo wala ka na kakapitan, believe on yourself lang 🙏🏻 ignore mo ang mga judgemental sa paligid. Kapag hawak mo na si baby sa mga kamay mo, masasabi mo din sa sarili mo na, kakayanin mo lahat para kay baby 🙏🏻 pray lang lagi momsh 🙏🏻

VIP Member

Please wag mo idamay yung walang kasalanan sa problema ng relasyon nyo ng bf mo. Oo masakit yan, pero kailangan mong maging matibay. Binigay yan ni Lord sayo para mas tumibay kapa sa buhay at alam nya na kaya mo yan. Kumalas kana sa bf mo at mag demand ka ng sustento if hindi sapat ang kinikita mo. Kung ikaw ang bread winner ng pamilya nyo, malamang maintindihan ka nila at yakapin ka kasama ng problema mo. Hindi ka tatalikuran ng pamilyang sinusuportahan mo dahil lang nabuntis ka. Mahal ka ng magulang mo. Wag ka gumawa ng isang malaking kasalanan dahil lang nasaktan ka. Promise, kapag minahal mo ngayon pa lang ang anak mo. Paglabas nya tiyak na magbabago ang pananaw mo sa buhay. Laban lang at i surrender mo lahat kay God. Godbless mamshie. ❤

.family is always a family sis..oo sa una tlga marami kang maririnig na masasakit na salita tanggapin mo lahat kasi talagang may kasalanan ka pero at the end matatanggap la din lang nila😀ung bf mo ang pinakamainam mong gawin ay iwanan mo na siya hiwalayan mo na.. sayo naman nanggaling lahat ng ginagawa niya sayo ay kagaguhan di na yan pagmamahal sissy..wala siyang hiya..awa..sayo..di bale may baby kna sis kaya yan na lang ang isipin mo..wag mong ipalaglag yan lahat ng baby ay blessing from God😊palakihin mo siyang maayos sis siya ang swerte sa buhay mo sabi mo naman na may work ka..wag ka ng umasa sa kalive in mo sis..mas okay sa pamilya mo mismo kang lumapit humingi ka ng patawad at tiyak na tatanggapin ka naman nila God bless sissy!

same tayo breadwinner sis, partida second pregnancy kona ito at breadwinner din ako ng pamilya pero pinalayas nila ako sa kadahilanang ayaw nila sa bf ko ( gusto nila sa father ng first baby ko which is ndi na mangyayari dahil naka buntis yon nung kami pa ) nung una nag isip din ako ng ganyan ( ipalaglag ) pero sabi ko sa sarili ko kasalanan sa Diyos kung ipapalaglag ko si baby, at alam ko na di ako bibigyan ng pag subok na di ko kayang lagpasan. ngayon, ka buwanan kona puro pag subok pa rin dumarating sa amin mag bf/gf andyan yong no work no pay si bf, wala sya nakuha ayuda s company, wala nakuha na loan, ang ipon namin sa panganganak naubos na but still we're thankful. always think positive lang sis. God is always with us. 🙏

Hi sis.. Naiiyak ako sa sitwasyon mo kc ganyan di pinagdaanan ko... nabuntis lng din ako ng nka date ko ONE NYT STAND lang pero na buo.. kakastart ko lng sa work nun nalaman kong buntis ako.. pero ako di pinanindigan.. imbes ay mawala n parang bula.. nagka chance nmn akong sbihin sknya n nabuntis ako at humingi ng tulong para ipalaglag ung baby.. The struggle is real sis.. hirap mag trabaho at may dinadamdam sa luob. pero kinaya ko at di ko na hinabol ung nka buntis skin.. pinagpatuloy ko nlng at nghihinayang ako at gusto ko pdin magkababy.. khit anong hirap sis kinakaya ko.. Ngayon 29 months nko at maswerte ako may guy na nagmamahal skin at tanngap ako at ang sitwasyon ko.. pray k lng sis.. kya natin yan!!!!

TapFluencer

Sorry for this ah! But walang kasalanan si baby mo sa ginawa ng partner mo. Medyo confused ka lang siguro ngayon kaya iniisip mo na option yan. Sabi mo nga may matino ka na work, lumayo ka bf mo at pamilya nila if tingin mo yung ang kailangan mo at ikakabuti mo. Habambuhay mo pagsisisihan yan pag pina-abort mo si baby, lagi ka kakainin ng conscience mo. Alam ko mahirap ngayon, but icontinue mo yan, blessing si baby. Naguguluhan ka ngayon, but ipagdasal mo. Baka si baby pa ung magbigay direction sayo. Alam ko taboo ang mabuntis ng hindi kasal, but mas pipiliin mo ba maging murderer kesa maging nanay ng isang angel? Tiwala. Mahirap sa simula but Kaya mo yan. Dasal ka lang. Kapit ka lang kay Lord. Maiintindihan ka din ng pamilya mo. *hugs*

Wag kang magpalaglag sis, ikaw yung magiging walang kwentang tao pag ginawa mo yun. Ako nga nabuntis ng walang ama yung baby tsaka 20 pako. Naisip ko din na mag palaglag at magpakamatay nalang dahil sa nangyari pero mabait talaga ang panginuon . Binigyan nyako nang lakas na sabihin sa pamilya ko.(nasa isip ko talaga nun papalayasin ako, or mumurahin ako lahat2 ng negatives nasa isip ko yun) pero kabaliktaran yun nangyari. Nagalit sila ,oo pero di nila ko sinigawan. Tinanggap nila kasi wala namang kasalanan yung bata. Di kami mayaman sis problema rin pera pero nasaisip nila walang kasalanan yung bata kaya tinanggap nila. Sabihin nalng natin na di mo kasalanan kaya wag kang gumawa ng kasalanan mo para di mo matulad sarili mo sa kanya.

VIP Member

Alam mo parang yung baby na mismo nagpamulat sayo, dahil sa kanya naisip mo lahat yan, ilaban mo yung anak mo kahit wag na yung bf mo kung aalisin mo si baby tapos aalis kadin kay bf mo san kakapit?? mas okay nga yan eh pag umalis ka kay bf mo may lakas kana ngayon, mas may dahilan ka para magpatuloy, para mangarap pa ng mas higit sa ginusto or gusto mo, ngayon tatayo ka may kasama kapa, wag mona habulin si boy, wag mona ipilit pa yung bagay na sumasaksak lalo sa puso mo ikaw na mismo nananakit sa sarili mo eh. mahirap magpalaya pero mas mahihirapan ka kung hindi mo papalayain, mas magaan sa pakiramdam at mas masarap mamuhay pag nawala nayung tinik sa dibdib mo, pray kalang and sabayan mo ng gawa. kaya mo yan girl power sis

kung niloko ka ibig sabihin wala siyang kwenta,pag nag palaglag ka ba you think magiging maayos yung buhay mo?makaka laya ka sakanya?bakit natatakot kang hindi ka maka laya sa kanya pero yung pumatay ng bata na walang ka alam alam sa nangyayari hindi ka takot,ayaw mong mag dala ng kahihiyan sa pamilya mo,pano si god hindi ka nahihiya na papatayin mo yung baby na binigay niya sayo?sa magulang mo hindi ka mahihiya kung dadating yung araw na malalaman nila na nag abort ka???parang mas malaking kahihiyan yun sis kaysa sa magkaroon ng anak...ako nga tinalikuran ng tatay nung nalaman na buntis ako nag laho na ng parang bula pero hindi naging option sakin na patayin ko yung anak ko,dahil alam ko na may dahilan kung bakit siya binigay sakin,

VIP Member

momshie lage mo iisipin na kasalanan ang solosyon na naiisip mo. walang binibigay na pagsubok and diyos na hindi kinakaya ng tao. sa pagkakataon ito maspalakasin mo ang pananampalataya m kung alam mo parang wala kang ibang makapitan. ask him to guide you sa lahat ng dsisyon n gagawin mo. Makikita mo lahat ay magiging maayos. Sabi mo may trabaho ka, means kaya mo buhayin anak m na wala tatay nya. Sa family mo naman try to explain your situation, I know maiintindihan ka nila. Kahit ano pa man nangyari sayo sila at sila ang tatanggap at susuporta sayo. Marami ako kilala na single mother, wala silang partner pero ang tatag nila at mas agrisibo sila mapabuti buhay nya, ng anak nya at pamilyang umaasa sakanya. Be strong, God is with you.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles