long post (PPD)

Need your advices mga mumsh. Maglalabas lang ako ng hinanaing. 3 years na kami bilang mag jowa. 5 months naman bilang mag asawa. Naka-bukod na kami. FTM. 12 days si LO via NSD. Pure breastfeed. After birth, sobrang smooth. Napaka swerte ko kasi si hubby ang nag alaga sakin sa loob ng 10 days habang bawal pa ako gumalaw sa gawaing bahay. Siya lahat kumikilos.. namamalengke, nagluluto, hugas ng pinggan, linis ng bahay, naglalaba..( sobrang sweet pa. Para akong prinsesa kung ituring hehe ) Ako naman yung nag aalaga kay lo, since pbf magdamag kami ni LO. Puyat. Nag aadjust ng oras.. sinasabayan ko lagi tulog niya para di ako masyadong bangag pag nagaalaga.. -- Bawal bumisita kay LO kahit mga tita ko ay naka social distancing para safe din si baby. Pati sa side ng asawa ko, hindi pa nakaka bisita kasi na stranded at di makauwi dito sa province. Nung nag videocall si hubby at mil (pinapakita si baby) eto conversation nila.. Mil: Kelan pasok mo? Hubby: sa monday back to work na Mil: paano yan sino magaalaga sa bata? Dapat maalagaan yan ng ayos, yung likod bawal pagpawisan, lagi padedehin.. maya't maya tignan.. lagi niyo itabi ang bata sa nanay.. wag patutulugin sa crib. Makinig kau sakin.... dun muna kaya ang bata sa bahay para may mag aalaga.. Etc etc etc Dami concern (first apo kasi) hanggang sa sumakit na tenga ko.. I mean, hindi na okay sa tenga ko ung ibang narinig ko.... Kaya habang naka video call sila, kinuha ko ung baby ko.. pina dede ko na.. tapos nakasimangot na ako sa asawa ko.. kasi di na okay yung mood ko .. Bastos po ba ako mga mumsh? Kasi naguusap sila tapos kinuha ko na baby ko para padedehin at pra matapos na din ung video call nila? Nagpintig ksi tenga ko sa "SINO MAGAALAGA SA BATA? Dun muna ang bata sa bahay para may mag alaga" Sa isip ko... aba Teka po... Ako ang nanay, malamang ako po mag aalaga kahit pumasok po sa work ang tatay nya.. para saan kaya ako noh? ? Kahit ftm ako, alam ko naman responsibility ko bilang nanay. Hirap nga ko pumikit, ma-check ko lang magdamag yung anak ko eh. Hays Galit na galit asawa ko sa akin hanggang ngayon dahil daw po binastos ko daw po si mil.. Inexplain ko naman po sakanya na sobrang loob ko sa sinabi ni mil. Kaso dami nya po sinabi eh... Pasigaw nyang sinasabi habang nag eexplain ako.... Nakakahiya nga naririnig ng mga kapitbahay... "Magulang mo narin yun bakit mo binastos, gusto mo ba ganun din gawin ko sa pamilya mo?" "Hindi ko alam bakit pa kita pinakasalan eh" "Lumayo ako sa magulang ko, para masamahan kita" Ayan nagsisisi na agad sya heheheheheh --- Mga mumsh.. Paano kaya nasabi ni Mil na walang magaalaga? Para san kaya ako noh? Post partum depression naba to? Please enlighten me. Kung mali ako, paki sabi narin.. wala na ako makausap kundi sarili ko lang ?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kahit naman po ako maiinis pag narinig ko yun. Para saan kung naging nanay ako kung di ko maaalagaan anak ko diba. Pakalmahin mo na lang po muna ang sitwasyon. Pareho kasing mainit ang ulo nyo kaya may nasasabing hindi maganda lalo na yung mga sinabi ng asawa mo. Ipaliwanag mo na lang po sa kanya na nagawa mo lang yun dahil parang pakiramdam mo na binastos ka ng nanay nya, na parang wala kang silbi. Masyado kasi tayong sensitive sa lahat ng mga naririnig natin lalo nat kapag kakapanganak palang. Tama ka po postpartum depression yan.

Magbasa pa

Malapit siguro si husband mo sa mil mo..kaya ganun reaksyon nya na nabastos mo nanay nya humingi k nlng ng paumanahin at maayos mo nlng ipaliwanag ung side mo😉