Buntis na pero Hindi pa nagsasama. Need advise.

Hello. Need ko lang Sana advice. Buntis na po ako (5 weeks) pero Hindi po kami live in ni bf ko. Dun pa Rin po sya umuuwi sa bahay kasama parents nya. Open Naman po kami sa family Ng isa't isa. Both families alam po na we're expecting. Nakausap po Ng parents ko Ang bf ko kung ano plano namin, sagot ni bf is may ipon naman na sya para sa panganganak ko at wala po sya nabanggit about sa pagpapakasal. Pero gusto talaga Ng nanay at tatay ay magpakasal kami. Sakin, ok lang Naman Kung Hindi Muna kami pakasal ngayun, iniisip ko Rin kasi na marami pang gastusin Lalo at buntis na ako. Pero as days go by, nalulungkot ako kc Hindi ko kasama ang bf ko Lalo ngayon buntis ako at may mga pagkakataon sumasama pakiramdam ko. Dun pa Rin sya umuuwi sa parents nya. Nag iisip ako if Wala man lang ba syang Plano na makasama na ako Lalo ngayon at buntis na ako. Hindi naman nya ko pinapabayaan pagdating sa gastusin para sa pagbubuntis ko pero Hindi ko maiwasan na mag isip. Ganito pa Rin ba magiging set up namin pag labas ni baby? Bakit parang Wala syang Plano para sa min? Basta sagot lng nya mga gastusin at panganganak ko pero Hindi nya ko naiisip na makasama ako? Hindi ko alam kung pano ko sya kausapin tungkol dito. Umiiyak ako kc minsan naiisip ko na Hindi ako Mahal Ng bf ko at Ang pakialam nya lang ay Kay baby. Ewan masyado ako nagiging emotional. Tinotopak tuloy ako sa kanya. Ano bang dapat ko gawin.?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

sakin expi..ko .nung nalaman ng bf ko ng buntis ako 1st nd tlga kmi nagsasama kc nga prang nbigla sia ..pero araw -araw napunta sia sakin pra kmustahin at alagaan pero bago mag gabi nauwe n sia s hauz ng parents nia ,..then need nia mag styin s work nia s laguna naiwan ako magisa sa manila...pero lagi kami magka videocall pag freetym n nia ..at lgi nia kinakamusta yung pagbbuntis nung lumalala na lihi kontas wala ako mautusan or mapakisuyuan n bblin...nging stress ako ..ayun kinuha ako dinala nia ako laguna para nag rent nalang sia ng bahay malpit s work nia...kaso lumalaki tyan ko..lumalaki rin gastos ...short nrin minsan..nagsabi ung parents nia n umuwe kmi s hauz nila quezon city...para daw makapagipon na ng pera para s panganganak at makapagipon n ng mga gamit n baby ...eto ngaun dito ako nka stay sa haux ng parent nia sia balik styin s work nia ..mhirap lang tlga kc wla sia tabi ko.pero pag need ku sia to the rescue ppunta sia

Magbasa pa