Buntis na pero Hindi pa nagsasama. Need advise.

Hello. Need ko lang Sana advice. Buntis na po ako (5 weeks) pero Hindi po kami live in ni bf ko. Dun pa Rin po sya umuuwi sa bahay kasama parents nya. Open Naman po kami sa family Ng isa't isa. Both families alam po na we're expecting. Nakausap po Ng parents ko Ang bf ko kung ano plano namin, sagot ni bf is may ipon naman na sya para sa panganganak ko at wala po sya nabanggit about sa pagpapakasal. Pero gusto talaga Ng nanay at tatay ay magpakasal kami. Sakin, ok lang Naman Kung Hindi Muna kami pakasal ngayun, iniisip ko Rin kasi na marami pang gastusin Lalo at buntis na ako. Pero as days go by, nalulungkot ako kc Hindi ko kasama ang bf ko Lalo ngayon buntis ako at may mga pagkakataon sumasama pakiramdam ko. Dun pa Rin sya umuuwi sa parents nya. Nag iisip ako if Wala man lang ba syang Plano na makasama na ako Lalo ngayon at buntis na ako. Hindi naman nya ko pinapabayaan pagdating sa gastusin para sa pagbubuntis ko pero Hindi ko maiwasan na mag isip. Ganito pa Rin ba magiging set up namin pag labas ni baby? Bakit parang Wala syang Plano para sa min? Basta sagot lng nya mga gastusin at panganganak ko pero Hindi nya ko naiisip na makasama ako? Hindi ko alam kung pano ko sya kausapin tungkol dito. Umiiyak ako kc minsan naiisip ko na Hindi ako Mahal Ng bf ko at Ang pakialam nya lang ay Kay baby. Ewan masyado ako nagiging emotional. Tinotopak tuloy ako sa kanya. Ano bang dapat ko gawin.?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I-kwento ko sayo ang nangyarinsa anak ng kaibigan ko: Nabuntisan ang anak nya kaya pinakasal silang dalawa sa munisipyo. Mga 3 yrs old na anak nila. Ngayon hiwalay sila kase doon lang nalaman ng girl na may sakit sa isip ang lalaki at nanganganib ang buhay nila lalo na pag sinusumpong. At ang biyenan super kontrabida sa kanya. Sinisiraan sya palagi sa mga tao. Sila dahilan palagi bakit madalas mag away ang mag asawa. Ngayon naisip nila kung bakit kase pinakasal agad. Since di pa nila kabisado ang lalaki at family background. Lesson: Hindi ibig sabihin na nabuntisan ka magpapakasal ka na agad. Wag mong i mandate ang sarili mo na pumasok sa isang sitwasyon na sobrang hirap labasan pag nagkaproblema. Seryoso ang pag-asawa. Di yan pinapasok dahil sa gusto mo lang or may nangyari na di mo inaasahan. Maraming single mother ngayon na masaya nagpapalaki ng anak nila kasama ng mga magulang nila. Take your time. Wag mo pilitin ang lalaki kung ayaw pa. Kung loyal talaga yan sayo mag stick yan sayo kahit anong mangyari kahit hindi kayo magkasama. Magfocus ka muna sa pagbubuntis mo. Baka ma stress ka sa kakaisip at si baby naman ang maapektuhan.

Magbasa pa
3y ago

true ako dati gusto ko bago magbuntis kasal muna kaso Yun nga nabuntis na ako Hindi naman ako nagsisi ayos naman kame Minsan d talaga maiiwasan Ang pag aaway pero kailangan umunawa sa ngayon parang D ko muna magpakasal gusto ko mas subukin muna ng panahon Ang pagsasama Ang kasal madali lang kung talagang gusto kahit anong oras anong araw pwede