Buntis na pero Hindi pa nagsasama. Need advise.

Hello. Need ko lang Sana advice. Buntis na po ako (5 weeks) pero Hindi po kami live in ni bf ko. Dun pa Rin po sya umuuwi sa bahay kasama parents nya. Open Naman po kami sa family Ng isa't isa. Both families alam po na we're expecting. Nakausap po Ng parents ko Ang bf ko kung ano plano namin, sagot ni bf is may ipon naman na sya para sa panganganak ko at wala po sya nabanggit about sa pagpapakasal. Pero gusto talaga Ng nanay at tatay ay magpakasal kami. Sakin, ok lang Naman Kung Hindi Muna kami pakasal ngayun, iniisip ko Rin kasi na marami pang gastusin Lalo at buntis na ako. Pero as days go by, nalulungkot ako kc Hindi ko kasama ang bf ko Lalo ngayon buntis ako at may mga pagkakataon sumasama pakiramdam ko. Dun pa Rin sya umuuwi sa parents nya. Nag iisip ako if Wala man lang ba syang Plano na makasama na ako Lalo ngayon at buntis na ako. Hindi naman nya ko pinapabayaan pagdating sa gastusin para sa pagbubuntis ko pero Hindi ko maiwasan na mag isip. Ganito pa Rin ba magiging set up namin pag labas ni baby? Bakit parang Wala syang Plano para sa min? Basta sagot lng nya mga gastusin at panganganak ko pero Hindi nya ko naiisip na makasama ako? Hindi ko alam kung pano ko sya kausapin tungkol dito. Umiiyak ako kc minsan naiisip ko na Hindi ako Mahal Ng bf ko at Ang pakialam nya lang ay Kay baby. Ewan masyado ako nagiging emotional. Tinotopak tuloy ako sa kanya. Ano bang dapat ko gawin.?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nakakasad nga po Yan 😒 sakin po Kasi nung nalaman ng bf ko na buntis ako kinausap nya agad family nya about sa pagbubuntis ko. ung family nya ayaw kaming ipakasal Dahil bata pa at nag aaral pa si hubby ko nun way back 2015 I'm 24 years old si hubby naman 21 years old . Pero ung hubby ko mapilit gusto nya talaga pakasalan ako at un din naman gusto ng pamilya ko...masakit sakin na sinabi ng pamilya ng asawa ko na Kung pwed wag muna dapat makatapos muna sya at magkawork which is Tama Naman. Pero pinilit ng asawa ko na mag pakasal Kami .Nagpakasal Kami bago ako manganak ☺️ sa gastos pamilya ko at si hubby nag Hati allowance nya ginamit nya para sa ibang needs sa kasal ❀️πŸ₯° masaya ako Kasi ginawa nya lahat para samin ni baby ko πŸ₯° pinatunayan namin sa pamilya ng asawa ko na makakatapos sya sa pag aaral. hiwalay muna Kami noon ako ang nag alaga sa anak namin hanggang makatapos sya uwiian sya once a week . Sa manila sya nag stay habang nag aaral para makapag Aral sya ng maayos .ako naman sa Laguna sa pamilya ko, sa gastusin Kay baby Hati Kami sa allowance nya sya kinukuha ng pang gastos Kay baby namin at sa Pera ko ung dapat pangpaaral ko sa college ginamit ko sa anak namin 😊 Hindi Rin Kasi ako makakawork kahit makatapos ako Dahil may sakit ako Kaya imbes na gamitin ko pang Aral ko Kay baby na Lang at mas pinili ko na makatapos si hubby .Ngayon nakatapos na sya at nagkatrabaho kinuha na nya Kami πŸ₯° nakabukod na Kami at magkakababy na ulit second baby namin πŸ₯°I'm 29 weeks and 4 days . Hindi po natin alam Plano ng bf mo. Sana maisip nya na dapat priority Ka na nya ngayon at buntis Ka . satin kasing Babae mahalaga talaga na kasal . lalo na alam ko po Mahal nyo si bf mo at gusto mo na buo pamilya nyo... virtual huge po mommy . sa panahon ngayon Kasi parang normal na ung Hindi magpakasal 😒 support Lang sa pag bubuntis at anak.

Magbasa pa
3y ago

naranasan ko din po na wala si hubby Kasi nag-aaral sya pero para namn samin un. wala Kang kasalanan mommy sabay nyong binuo si baby nyo dapat talaga kasama Ka nya lalo na ngayon naglilihi Ka . valid ung nararamdaman nyo . 😒 Sana inaalagaan Ka nya ngayon Hindi sapat ung support Lang 😒