PAGBUKOD NG BAHAY
Need advice po. Balak na kasi namin bumukod ng bahay ng LIP ko lalo ngayon na magdadalawa na anak namin ang kaso maiiwan namin mag-isa ang papa ko sa bahay. Gusto namin bumukod kasi gusto namin matuto talaga ayaw na namin na palaging nakaasa sa ibang tao lalo sa parents namin pero iniisip ko pa rin ang papa ko kasi mag-isa na lang sya kapag lumipat kami ng bahay ang mama ko kasi nasa ibang bansa and yung kuya ko may sarili na din na pamilya. Yung lilipatan namin same municipality lang naman pero magkaiba ng barangay. Patulong naman po para maliwanagan ako kung pano ba dapat kong gawin. Feeling ko kasi ang sama kong anak kasi iiwan namin sya mag-isa 😔😭

At some point, kailangan nyo rin talaga bumukod bilang pamilya. Bilang magulang, nakakalungkot man na mahiwalay sa anak, it's a great sign of independence for them to move out and live on their own. Kung kaya naman ng tatay nyo na alagaan ang sarili nya sa araw araw, why not? Dalawin na lang sya regularly, bigyan ng phone + load/internet para madali kayong makapag-usap, and tulungan sya sa bahay pag bumisita kayo.
Magbasa pa

