Pagbukod ng bahay

Need advice po πŸ˜” medyo mahaba lang sana may magtyagang magbasa at sumagot. Nagbabalak na kasi kaming bumukod ang kaso eh maiiwan namin mag-isa ang papa ko sa bahay dahil nasa ibang bansa ang mama ko at ng kuya ko may sarili na ding pamilya at nasa malayong lugar. Gusto kong bumukod kasi gusto kong matuto kami ng LIP ko na tumayo sa sarili naming mga paa lalo na magdadalawa na anak namin kapag kasi nakastay kami kasama ang papa ko may mga times na umaasa lang kami sa kanya nahihiya na ako at naiinis sa sarili ko kasi feeling ko pabigat na din kami sa kanya. Gusto ko din matuto LIP ko na gampanan obligasyon nya bilang tatay nagbubuhay binata kasi pansin ko din na palagi sya nakaasa sa magulang ko nakakapagbigay naman sya pero mas madalas naasa sya sa tulong ng parents ko eh may trabaho naman sya. Masama ba akong anak kung mas pipiliin kong bumukod at iwan mag-isa ang papa ko sa bahay? Nasa iisang municipality lang naman kami magkaibang barangay lang. Gusto ko kasi talagang matuto kami. Salamat po sa sasagot.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tamang desisyon po ang pagbukod lalo na if may sarili ng pamilya. Pede nyo naman dalaw dalawin father mo kahit once a week o if may time kayo para di din nya mafeel na mag isa lang sya since malapit lang naman.