39weeks 1day

Nawawalan na ako ng pag asa feeling ko cs na ako everyday naman nag lalakad pero ung manas ko nandun parin at sabi ng ob ko last checkup naka lutang prin si baby mataas pa hays what to do ??? may kinalaman ba ang aircon sa pag mamanas? Sbi magpapawis daw ako eh lagi naman ako naglalakad paguwi ko pahinga tpos ligo then aircon na hays bat ganto nakakastress ayaw ko ma cs???

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I was feeling that way a few days ago, pinagtake ako EPO 3x a day, then walking everyday, tapos ung day na lalabas na pala si baby, naglinis ako ng bahay, mop etc, pero di ko naman tinodo ung kaya lang ng katawan ko, tapos around 7pm dami ko ng blood discharge and may konting pain na, pag IE sakin 5cm na ako pero mataas pa daw si baby, naadmit ako mga 9pm then 11:30 nailabas ko na si baby, medyo may nakain na daw na poop, tapos cord coil din, pero normal delivery naman. Pray lang. Lalabas din yan si baby πŸ™

Magbasa pa
5y ago

Thankyou πŸ˜”πŸ˜”

Kaya natin to mga mommies ayaw ko din ma CS 38 weeks na din ako. Cguro better if we don't pressure ourselves na manganak na. Gawin nlng natin part natin para maka help na mag labor na tayo like squats, walking, take primrose, eat pineapple, drink pineapple juice, kausapin si baby and of course pray. We dont have the control kasi kung kailan lalabas si baby so the more we think about it the more ma stress lng tayo and hindi po sya goof for us. For now lets just prepare. 😊

Magbasa pa
5y ago

You'ee welcome momsh.. 😊

Pwede ka magsquat sis, or manood ka ng videos sa youtube na pwedeng gawin para bumaba yung tyan mo. Pero ako sa panganay ko dati ganyan din ako nagjogging ako. πŸ˜…πŸ˜πŸ˜ para lang bumaba yung tyan ko tapos akyat baba sa hagdan. Umaga saka hapon. Medyo iwas kana sa malamig ang alam ko nakakacause din ng pamamanas yan. Better wag ka mattulog sa hapon. Tiis tiia lang and think positive na kaya mo i-normal si baby😊

Magbasa pa

Ako din sis na stress na tagal ko manganak ung iba kasabayan ko ng weeks at mababa sakin week nanganak na ako dpa na pressure nako, naglalakad lakad nmN ako ewan ko bakit dpa rin ako nanganak, mag 38week nako sa saturday sa ultrasound ko nman un friday 38weeks and 4days na tapos edd ko dun sept 2. Sa bilang ob sept 14 pa daw due date ko. Dko tuloy alam saan ba totoo dun basta gusto ko na manganak

Magbasa pa
5y ago

Same here lima kami magkakasabay kasama na pinsan ng hubby ko nauna na sila sakin ung dalawa sakanila first baby din tas mas nauna pa week ko pero sila pa nauna nanganak hays

hindi naman po yan sa aircon ma'am ako nga dati laging nakaaircon, every morning lakadlakad lang tapos tulog ulit walng walang sakit naramdam pero pag tungtungko ng 37weeks bigla nalang ako umihi nang dugo sunod nun si baby na pala normal naman sya lumabas dun pa sumakit pag dating ko sa hospital. inom kalang po ng pineapple juice ginagawa ko nga parang tubig dati😊

Magbasa pa

Same tayo sis ganyan din ako 40 weeks na nga ko dipa dn ako nanganganak nawwalan na din ako ng pag asa over due na haha ginawa ko saktong 40 weeks ko naglaba ako naglinis ng bahay pati electricfan tapos akyat baba sa hahdan squat at lakad ayun sumakit puson ko may dugong lumabas 6cm na pala ako nun haha pakapagod ka mamsh

Magbasa pa
5y ago

Ok lng yan, araw arawin mo lakad at wag ka tamadin para mapabilis si baby

VIP Member

Pineapple po pampaopen ng cervix. Wla nman ata kinalaman ung aircon kasi ako working ako aircon sa office nmin saka nakaktulong po pag kinakausap si baby ako lagi ko siya kinakausap nun na wag ako pahirapan mag labor hindi nman niya ko pinahirapan 2hrs lang labor ko tas mga apat na ire lumabas na sya.

Magbasa pa

Same, epo din ako 3 times a day. Nag squats nko ,pati sayaw nuod YouTube para sa mabilis na pag li labour , wala parin. Pero sabe ob ko pagka 39 weeks ko ay induce nko para humilab na sya. 38 weeks and 4 days here

Post reply image
5y ago

sis pwede makuha fb mo?

Same feeling. Di ko na alam ggwin ko. Nwwalan na rin ako ng pag asa dyan sa lakad lakad at squat squat na yan. Parang wala namang effect. Lalabas naman yan si baby if ready na sya. 39weeks na rin ako. No signs pa din.

5y ago

Hays same here squat lakad akyat baba ng hagdan jusko wala epekto baba naman na ung tyan ko pero pag ie skin nakalutang prin dw hays

Wag kang mawalan ng pag asa mommy. 40 weeks ako nung nilabas ko si Baby. Kumain ako ng Pineapple tapos lakad lakad lang. Mas maganda sana pag may hagdan para mas mahilis siyang bumaba. Kaya mo yan.