Please help me

Natatakot na ako sa mga naiisip kong gawin sa sarili ko. Tuwing nag aaway kami ng partner ko parang gusto kong saktan sarili ko. Parang gusto kong magpakamatay. Pero ang ginagawa ko kinikiss ko na lang baby ko. Para mawala lahat ng sakit. Hindi ko alam at ayoko sana isipin na postpartum depression tong nararanasan ko. Kasi ayoko talaga humantong sa ganun. Pakiramdam ko kasi di ako naiintindihan ng partner ko. Parehas kaming pagod pero sana kapag nainis ako or nagagalit wag nya na lang ako sabayan. Tas pag umiiyak ako magagalit pa sya. Di ko na po alam gagawin ko. Sobrang lungkot ko po. Iyak na lang nagagawa ko. Magkalayo po kami. Nagtatrabaho po sya sa saudi. Help po. I need advice.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Everytime po na nakakaisip ka na saktan sarili mo pilitin mo pong magdasal, na iguide ka po ni God at ang husband mo po na mas magkaintindihan po kayo. Magtiwala lang po kayo kay God and sa prayers. And always remember po, meron kang baby na nakadepende ang life sayo so kailngan mo pong maging healthy at strong para sa kanya, dahil hindi lang po ikaw ang kawawa pag nasaktan ka, pati po si baby. Praying for you to be strong po! God bless you!

Magbasa pa

Mybe its ppd. Pray more para mas bright ang isip natin at wag kang pasukin ng msamang idea.isipin mo anak mo,kwawa aman la p xang muwang s mundo!be strong,kumuha k ng lakas s knya....