Need ko lang po ng masabihan

Sorry po. Dalawang araw na kasi ako iyak ng iyak dahil sa away namin ng partner ko. Di ko alam kung saan pa ako pwede magsabi kasi ayoko sa parents ko dahil ma woworry lang sila. Ayoko po sanang magpadala sa emosyon o umiyak kaso di ko talaga mapigilan. Ayokong may mangyari kay baby lalo na 5 months pa lang ako. Bakit di nya po ako maintindihan? Naiinggit ako sa ibang buntis kasi naiintindihan nila mga partner nilang buntis. Di ba talaga ako ganon ka importante? Sana makaya ko ito, makaya namin to ni baby.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas ipriority mo po si baby sa ngayon.. hindi nya po kasi kakayanin yung stress.. tama po yung sinabi ng ibang mommies maghanap ikaw pagkakalibangan.. at kung sa tingin mo mabigat na yung pakiramdam mo, hindi din masama na lumapit ka sa parents mo.. natural sa magulang ang magworry.. sa ngayon kailangan mo ng mga taong magpaparamdam sayo na mahalaga kayo ng baby mo at maalagaan din kayo.. hindi po maganda kay baby kapag lagi ka pong iyak ng iyak, kawawa din si baby po pray lang din po kayo at sa tamang timing try nyo din mag open sa partner nyo.. god bless po

Magbasa pa

hello mommy i feel you po, ganyan rin po ako nung 1st tri ko.. sobrang selan ko dagdagan pa ng hindi pagkakaintindihan nmin ng partner ko plus di rin ako makapag open sa family ko. What I did lagi ko pinapaliwanag sa kanya yung side ko at syempre pinakikinggan ko rin nman sya. Minsan naisip ko rin na baka dahil sa pagbubuntis ko masyado akong nagpapadala sa emosyon to the point na sumasakit yung puson ko kapag stress ganyan. Ngaun so far di naman na kami nagtatalo ng sobra, iniintindi na lang nmin isat isa. Hopefully magkaayos kayo para narin sa baby nyo..

Magbasa pa

gnyan din ako be.prang wla pkialam Asawa ko sakin.khit check up hndi Niya ako sinasamahan.ang gngwa ko nlng...dedma ko nlng sya.ayaw ko maestress.kwawa bby ko pgnagpdla ako sa emosyon ko...

2y ago

Thank you po mga mommies

Hello, I hope brighter days are coming for you mommy! I hope na magkaintindihan rin po kayo. Always remember po na communication is the key, hindi naman po kayo mga mindreader!

ayaw ko talaga ma stress.lalo na hnggng ngayon umiinom pdin ako Ng pampakapit.nakakasama sa bby yung ma stress nanay Nila

Yan ang pinaka masakit na pwede maramdaman ng buntis yung pakiramdam na binabalewala ka mas doble yun sakit. ...

ano po bang naging problem nyo ni partner?