60 Replies
Hi momshie, same age po tayo 19yrs old, hndi ko po expected na mabubuntis ako kasi party girl ako, alam mo naman pag party girl, inom dito inom dun, yosi dito yosi dun, lahat yan ginagawa ko nuon pero nung time na napag tripan ko lang mag pt kasi curious ako kung totoo ba ung pt, tas una my painted line, pinakita ko un sa kinakasama ko, tapos after a week nag ulit ako, tapos ayun na ang linaw linaw na, un pala 7weeks na baby ko, lahat ng ginagawa ko nuon tinigil ko specially Cigarettes and alcohol, now im 11weeks and 5days pregnat π Kaya natin to momshie, tiwala lang tayo, binibigay to satin kasi alam niyang kayang kaya natin at hndi niya tayo papabayaan. Trust him di ka niya iiwan kahit anong mangyare ππ
Hi sis! Aq din young mom nun nabuntis aq tulad mo never din aq nahospital. Aq nmn un friend ko na nauna magkaanak lagi cnsbe sa akin madali lang manganak walang sakit basta dapat pag iire aq un mahabang ire para ndi mabibitin paglabas ni baby. Umiwas ka muna sa mga negative stories or video nakaka pang hina talaga ng loob yan. Lalo na un videos trust me non before aq manganak don sa 2nd baby ko nanood aq ng xfiles ayun havang naglakabor aq naalala ko natatakot tuloy aq nawala un concentration basta sis don ka muna sa lahat positive iwasan mo muna mga negative para mas madali panganganak mo. Saka ano ka ba nakaya nga namin manganak ng safe meaning kayang kaya mo din yan sis! God Bless!
Ako nga rin po takot na manganak eh..first time ko rin po..at ang kinakatakot ko pa kase di ako mahaba umire..yung pakiramdam na parang mapuputulan ka agad ng hininga..tapos yung isa pa may lumalabas din na laman sa pwet ko tuwing iire ako at magpopoop..kaya natatakot din ako pero pakiramdam ko pag andun na tayo sa sitwasyon na yun..ang iisipin nalang naten ay mailabas na si baby at mairaos na naten para matapos na yung sakit kaya kahit masakit at mahirap kelangan talaga naten kayanin kase hindi naman forever yung sakit na mararamdaman naten..matatapos din yun at may pinakamalaking premyo na dadating sa buhay naten..kaya gudluck sateng mga momshie na manganganak palang...
Hi mommy same age po tayo.19 years old dn po ako.mag 20 this coming april.and im 5 months pregnant.gaya mo kabado din ako kaso pinapalakas ko loob ko kase iniisip ko na yung magiging itsura ng anak ko.saka kung pano ko sya inaalagaan.kaya imbes na kaba napalitan yun ng excitement.think positive lang sis.saka wag lang kalimutan mag pray.kase alam ko d nya tayo pababayaan.sa totoo lang sa kanya ko nalang lahat pi ni pray.ang para sakin at kay baby..saka pinapalakas din ng hubby ko ang loob ko kaya ngayon excited nako manganak.βΊοΈ
ako din natatakot manganak kasi hndi pa ako ready mag buntis that time pero hinihiling ko nlng na safe delivery para kay baby saka kausap kausapin mo c baby mo makkisama naman daw yan sakin din lagi ko kinakausap eh lalo na nun low lying placenta ako . saka relax relax ka lng kasi kapag isip ka ng isip ma sstress kau parehas lalo na kpag malapit kna manganak wag ka masiado mag pa stress kasi tataas bp mo ma ccs ka nian . ako khit may masakit na sakin kunwari wala lng . im 35 weeks preggy . first time mom . estudyante pa !
hahaa for some unknown reason way back then hindi ako nag isip ng ganyan... I was also of the same age as yours nung nabuntis and nanganak ako... di ko inisip nun ang about sa panganganak... what was in my mind nuon ay manganganak lang ako... lahat naman ng babae nanganganak hahaha ngayon ko lang din na realize parang ang manhid ko.. LOL ngayon na buntis ako sa second baby ko after 6 years of waiting, ngayon pa ako natakot manganak hahaha feeling ko may chance na mamatay ako or baka may pangit na mangyayari.
Ako sis ndi ko iniinda o ndi ko naiisip ung sakit ng panganganak nun.. ang iniisip ko lang mailabas ko maayod at safe c baby, kaso naECS ako.. natakot ako una se d ko tlg inaasahan maCS peeo andun na e la na ko choice nung nasa OR na ko nagpray nlng ako na ingatan at naway maging safe ung baby ko.. na sana maging ligtas kmi pareho se gustong gusto ko sya hawakan at mayakao tlg kea tinanggap ko na nun palang ung sakit afyer operation at ung pwedeng maging peklat man. Pray lang sis isipin mo c baby
Ako mommy never ko naisip yung sakit na manganak ako . Ang lagi kolng pinag dadasal na maging malusog si baby ko at mailabas ko sya ng normal. Never kong inisip na masasaktan ako sa labor. Dahil mas masakit namawalan ng baby. 2nd baby ko na to 17weeks. Nawalan narin kasi ako 8weeks plng sya sa tummy ko di nag develop yung bandand tummy nya kaya nawalan ng heartbeat kaya hanggang ngayon di mawala yung takot. Kaya mag pray lng tayo mommy. Gagabayan nya ang baby na binigay nya sa atin. ππππ
Ako nung manganganak na ko biglaan basta na lang ako di pinauwi ng dra. Dahil ubos na panubigan ko kaya sapilitang labor ginawa sakin. Di naman ako natatakot non kasi ang naka mind set sakin makakaraos na ko dahil gusto ko na makaraos. Masakit talaga ang labor wala tau magagawa kundi mag tiis di mo alam kung ano pwesto gagawin sa sarili mo pero pag nasaksakan kana epidural giginhawa na pakiramdam mo. iire ka na lang ng walang hirap.
Ako 19 lang ako nanganak last September :)) kapag manganganak ka na maniwala ka sakin mawawala na yung takot mo :) pray kalang. Kasi maiisip mo nalang sa oras na yun na sana manganak kana, ako nga non may kasabayaan naglilabor tapos nauna sya nanganak naiinggit ako hahaha sabi ko non sana ako din :)) Masakit ang labor sobra pero Kaya mo yan !!! Kaya nga namin syempre ikaw din β€οΈ
Lyka Marie Azucena Grajo