BIRTH CERTIFICATE
Nasa Ibang bansa ang daddy ni baby, Hindi pa Kami kasal, Pero last name Sana ng daddy gagamitin, Hindi kase makauwi pa due to pandemic, What should I do?? Ayoko kase Sana late register. Due date ko is Oct 15. Matagal pa bago makauwi daddy nya.
If sa daddy talaga yung apilyedo need ng signature Mami. Ok lang naman ma late register at least kay daddy apilyedo. Pwera nalang po kung sa hosp kayo manganganak need talaga ma process yung birth cert ni baby lalo na pag nag papa avail kayo ng Phil health. Yun kasi sakin hindi rin kami kasal pa nung daddy ng baby ko, pero may signature siya dun sa birth cert kaya apilyedo nya gamit ni baby
Magbasa paNako, ang dami kong dinanas na problem because of late registration ng birth certificate ko. Sa school, sa passport, sa visa at iba pa. Lagi maraming additional requirements for late registered.
Pwede ipalate register c baby, kaya lang Hindi agad siya mabibinyagan pag wala birth certificate. Pwede din naman ipangalan muna sayo, tas pag nagpakasal kayo ng partner mo saka mo pachangename.
pwede, po mag pa late registered sabihin nyo lang po sa hospital na ipapalate registered nyo dahil wala pa ang tatay kahit abutin po ng taon babayad lang po kayo penalty
Pde rin nmn po na gamitin sa inyo tapos papalitan nyo nlng po pag kasal na kau ganun din nmn mgbabayad ka pa din katulad ng gnawa nmin👍🏻
need pa ba ng attorney
pwede po ipanotaryo niyo po si hubby nyo para pag manganaganak po kayo mapoprocess na po agad ung birth cert ni baby niyo
late register niyo na lang po