Napapagod na ako umintindi sa LIP ko.
Dahil sya provider gusto nya lagi sya ang nasusunod , okay lang sya na magkamali kelangan intindihin.
Pero pag ako ang big deal! Mahal ko sya pero d na ako masaya :( bumababa selfconfidence ko dahil sa mga ginagawa nya , tapos ako sa pag aaral dati akong may work ngayon wala dahil nga sa pagbbuntis ko. Pero halos paramdam nya na wala akong pakinabang dito sa bahay , napapagod sya dahil kelangan nya mag trabaho ng higit sa 1 , dahil sa marami syang hinuhulugan bahay at kotse , kasalanan ko ba yon? Di ko naman sinabi na itira nya kami sa condo sya lahat nag decide neto kung ano meron kami. Expense namin sa bahay sya ang gumagastos may allo ako na 10k a month para sa 2 bata at para narin sakin dahil buntis ako , masama ba na tinatanggap ko pa yon? Gustong gusto ko ikwento eto sa mga kaibigan at magulang ko kaso mas pinipili ko itago dahil ayoko na lumabas na masama sya. Pero sya okay lang na masira ako sa mata nila lahat ng pagkukulang ko ippost para lumabas na mabuti sya.
Napapagod na ako!
Akala nila pag nanay ka at nasa bahay lang pasarap buhay kana! Kahit pa na may 1 katulong kmi nde naman ibjg sabihi na buong maghapon na wala akong ginawa rito.
Pasensya na sa rants mga momsh :(