First time .. (medyo mahaba. Personal rant)

Napaka hirap lang na hindi ako sanay sa mga nangyayari ngayon. Currently living with my boyfriend kasama family nya . We’re good naman. They’re taking care of me, concern kasi nga preggy ako. Ang hirap lang kasi limitado yung galaw ko. Kada kilos “ano yan” “ anong ginagawa mo?” It’s just, i can’t make my own decision. I can’t move without their approval. Eto namang boyfriend ko syempre sunod, pamilya nya eh. Nasanay kasi ako samin na nagagawa ko mga gusto ko ng walang humahadlang, nagtatanong sila but they’re still going to support me because they trust me. Ang hirap din na lahat nakaasa sa boyfriend ko lalo na pagdating sa expenses. May mga gusto akong bilhin na di ko mabili kasi iniisip ko yung pride ko na pera nya yun. Di ko alam kung tama ba talaga tong iniisip ko, kung tama ba na maramdaman ko to . Hays ..

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same feeling sa nakikitira compare pag nasa sariling bahay ka, kait pano thankful ako kasi Nasa ibang bansa parents ni boyfriend and nag babalak na umuwi this year.. Intrimitida pa naman ung byenan kong hilaw.. Lahat pinapakelaman (pag nag uusap kame sa chat) saka kahit nasa ibang bansa daig pa si lolit solis kung makipag chismisan... Ung katulong naman nila jusme walang ginawa kundi manuod ng madam kilay at tulfo kahit madami dapat gawin... Tapos ultimo sanitary napkin binibilan sya.. Tapos kung mag luto, juskoooooo walang ka lasa lasa!! Mapapamura ka nalang eh.. Syempre di ko pwede pag sabihan kasi nga dko naman to bahay pero minsan mapipikon kna lang dahil sa katamaran eh.. Di pa malinis and walang kusa.. Sarap baon ng buhay.. Charot! Well I only say 1 thing, mas okay tlga bumukod kesa kasama inlaws kasi pakelamera tlga ung iba... Mahirap man bumukod pero kelangan eh, kelangan matuto sa buhay and para wala na rin stress... 👍✌️

Magbasa pa

Same tayu mamshie kapag nandon tayu sa pamilya nag lalaki d tayu mapakali ,kasi parang nakabantay lagi sa galaw natin , pero wala namn akong ibang ginagawa , ang akin lang namn ,gusto kung maglutoluto ,yung pang kami lang dalawa nag partner ko hindi kasali sila , parang bad ko naman, pero yun ang akin gusto eh, madamot ako na nag bubuntis, gusto ko kapag maybinili ako partner kulang makakain, okay namn pamilya nya sa lalaki pero iba talaga kung may sariling bahay tayu, kaysa nakitira tayu sa bahay ng lalaki kasi, d tayu makagalaw galaw, everytime time my gustu kang bilhin or kainin, d ka makabili kasi kacya lang sa badget mo. 😀😀😀

Magbasa pa

Kung ako sa inyo, bumukod nalang kayo ulet. Para ren naman sa inyo yan, pero kase kung di mo pa kaya or medyo maselan ang pag bubuntis mas maganda muna na may kasama ka. Ako kase simula nun nalaman ko na preggy ako, di tlaga ako pumayag na tumira sa bahay ng mga in-laws ko, mahirap kase talaga kumilos lalo na kung yung mga makakasama mo may issue palage sa bawat galaw mo mahirap yan. Ngayon nanganak na ako nakabukod naman kame mag 4 months na si baby, so far naman nakakaya naman kahit papaano. Kaya mamsh kung kaya nyo bumukod, bukod nalang kayo. Godbless saayo..

Magbasa pa

Same feels sissy. May work ako and hubby..minsan kapag nagkwento si hubby sa parents nya after nun may suggestions na naman mga parents niya. Okay lang naman din sakin kaso nadadalas na. Kaya pinilit ko talaga na bumukod. Sinabi ko sa hubby ko yung issues ko. He understand naman.. kaso syempre ang pagbabago hindi naman basta basta yan na isang tulog lang.. it takes time din talaga.. have patience sis. Kausapin mo si bf

Magbasa pa

Same here .. And the worst is palaging kinukumpara , Pati ang Anak ko Sa mga Anak Ng kapatid Ng partner ko .. Masakit Lang talaga, Tinitiis ko nalang Kasi preggy na naman Ako Ng pan.duwa 🙂 Tiis2 muna Kung di pa natin Kaya magbukod, Pero kun Kaya nyu naman mamsh! Bukod na, Mas maganda talaga pag humiwalay Ng tirahan sa mga biyenan ..

Magbasa pa
VIP Member

Nakabukod na kami before pero pinalipat kami sakanila kasi nga buntis ako para daw maalalayan since this is my first baby . I just don’t know what to do

VIP Member

Bumukod kyo pra mgwa mo gusto mo n ayw mo mpg sabihan

Real talk to mamsh hahaha

Post reply image

Nagi2ng sensitive ka sia because u r pregnant

5y ago

I dont think so.. kahit naman hindi pregnant may mga babaeng nakakaramdam neto.

Bumukod kayo. Magwork ka.