Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sabi ng mother ko maglagay ka raw ng bawang sa tiyan mo. pero depende saiyo of maniniwala ka. 🥰😍

Takpan mo lang parati tyan mo sa gabe.. tapus kung pwd wag nang patayin mga ilaw sa labas nyu.

Ako rin sis may sumisipol nga sa bintana eh ang ginagawa ko naglalagay nalang ako ng bawang

Lagay kang bawang at asin sa bintana. Tsaka wag kang magpapa iwan mag isa sa bahay lalo pag gabi.

Ako rin,first time makaramdam na may asawang sa bubungan ng bahay namin.

takpan daw po ng itim na tela yung tiyan. saka prayers. yun sabi sakin ni mama non 😅

Lagay ka ng bawang sa bintana. Kahit sa gilid lang. Ganyan ginawa ko sa first baby ko.

Mag lagay ka sa pinto or bintana mo ng 3pcs walis tingting, talian mu ng telang pula..

Sis maglagay ka ng asin at bawang sa plastic tapos sabit mo sa taas ng higaan mo.

6y ago

sige po salamat.

Mommy ako po nun may Bawang na nakabalot sa red na tela, naka kwintas sa akin 😘😘