Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mag damit ka po Ng itim pag Gabi para ndi po niya Makita Ang anak mo sa loob..

Momsh lagyan mo po nang Pulang Tela ang tiyan mo. Kumbaga yan ang gawin mong kumot.

6y ago

salamat po. nakakatakot po talaga. going 37 weeks na po ako e sana makaraos na para di na ako mangamba

Sakin ganyan din. Mag damit ka black pag matutulog ka mamy. Tas pray always

VIP Member

Depende sa beliefs. Pero wala naman sigurong aswang na mahaba ang dila :))

baka po pusa or daga lang yan. madalas yan silang maghabulan sa bubong eh.

Magpray po kayo sis.God is our powerful protection po. Godbless!!!

Mag ingat ka sa tik2 ma sila yung ga guide bali sa aswang kung saan ang buntis

6y ago

ang sabi naman po ng matanda dito samin ang tiktik daw po ang nagbibigay babala na may aswang na nakapaligid. hindi ko lang din po alam kaya sobrang nakakaworry

VIP Member

pray lagi mamsh..lagyan ng asin, bawang at luya yung bintana nyu 😊

Sis lagay ka ng sana n may tinik ng calamansi sa my bintana at bawang

Yes kasi yung husband ko yung parating nkakarinig pggabi...