Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Prayer is the most powerful tool pag dating sa ganyan. Nagbuntis ako na hindi inaaswang kasi lagi kong pinagppray.

Kumutan mo ng black un tyan mo tas asin bawang sa paligid o kaya walis tingting na naka tihaya... Pray din sympre para masafe si baby

Oo meron kasi sa bubong namin minsan pero yung asawa ko nalabas tas nag sisiga sya ng apoy sa labas at may goma at asin. Pantaboy daw

Sabi naman po sken ung pinaghubadan raw po na damit ng mister ko ilagay ko raw po sa tiyan ko para raw hindi raw maamoy na may buntis

Please enlighten me... pano po mangyayari pag nag tagumpay yung tiktik? Katulad po ba ng napapanuod sa tv na may dila na mahaba? 😅

6y ago

Suot ka lang ng itim na damit, sa mga naniniwala lang ha, may kapit bahay kasi kaming buntis na naaswang kaya naniniwala ako

Sabuyan po ng asin ung bubong nyo. Bago mag dilim. Maglagay din ng bawang sa bintana. Walis tingting nman sa labas ng pinto.

Lage poh kaung mgdamit ng itim twing matutulog at mglagay ng asin sa ulohan at paahn mo sa kwarto bstat malpit sau...

Hehe ganyan ako dati nung buntis ako ,naglagay ako bawang at asin sa kwarto. Wala naman nawawala Kung naglagay ka

6y ago

opo nagkalat na nga ang bawang at asin sa bahay namin hehe. kaso kagabi talaga di sila mapigil, sige ang dikdik ng bawang nga father ko para umamoy talaga. mawawala lang sila saglit tapos babalik na naman

VIP Member

Magkalat ka po ng asin sa bintana ng kwarto mo sis.. Tapos malagay ka ng bawang at rosary sa tabi mo.. And always pray..

VIP Member

Yong pusa din sa amin ayaw umalis titigan pa ako ng masama pag pina pa alis ko kaya bina bato ko ng asin haha

6y ago

Ewan ko syo! Ang pusa nocturnal! Nag hahanap ng mate sa bubong! Konting tunog lang sa bubong aswang agad?!?! Kaloka ka!!!!