Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes sis, totoo sila.. Pero totoo rin ang DIYOS, at Siya ang mas MAKAPANGYARIHAN! 😇 ang mga aswang, kasama sila sa mga "fallen angels" Ingat sis, PRAY lagi.. 🙂

Kagabi din inaswang ako. Sinilip pa nga ng father ko eh. Wala naman siya nakita. Di siguro sila nagpapakita no? Pero nagpaparamdam lang na nasa paligid lang sila...

Base sa mother ko totoo daw pero di ko pa naeexperience dito samin pusa lang yung nagagala nakakainis na nga tumatambay na nga sa bubong nakikipag away pa sa ibang pusa 😂

Pray ka lang and dapat may kasama ka matulog it's either your partner or parents mo basta ung malakas. And then, maglagay ka ng bawang and asin sa bintana. Taga san ka pala sis?

6y ago

salamat po. kasama ko po parents ko ngayon matulog. taga laguna po

aq ginawa q ung bubong nmin hinagisan q ng bawang hahha tapos ngsabi din aq ng mga bawang nglagay aq ng walis tingting na isang piraso na nkatayo na nkabaligtad sa pintuan.

Naexperience ko yan nung bata pa ko sa mama ko buntis sya sa bunso namin sa probinsya yun. Bigla may babagsak sa bubong namin at para bang gusto nya tungkabin 😫😱

6y ago

same case po pero pinagtataka ko di man lang nag rereact ang mga aso ko dito haha

Maglagay ka palagi ng itim na damit sa tiyan mo. Wag ka nakatihaya matulog. At mglagay ka ng asin at bawang sa ceiling at bintana ng bahay niyo at pati sa tabi mo

If catholic ka po, just pray the rosary before sleeping and keep it with you always. Kahit totoo pa yang mga yan, mas powerful pa rin si God.

Lagi ko nararanasan yan Tuwing gabi kumakalabog pa nga yung yero... Pero d po ako natatakot kasi alam ko pagtulog lang umaatake yung mga ganyan

6y ago

Grabe sobrang aga ng pag atake sa inyo. Sakin mga bandang hating gabi

VIP Member

Naniniwala po ko sa aswang kc ako po laging inaaswang lalo na nung malapit nako manganak.. As in nasa tapat lang ng bintana namin.. Hehe..

6y ago

naku nakakatakot naman po yun ingat at pray po palagi